Chapter 59: Letting Go

157 5 0
                                    

Biglang napalitan ng galit ung nararamdaman ko. Inis na inis akong makita si Harlowe...pakiramdam ko kahit anong mangyari hindi niya titigilan si Josh. Hindi ko rin alam kung ano bang iniisip ng boyfriend ko. Kung nalilito ba siya kung sino talaga ang mahal niya, or kung alam naman niya talaga kung sino pero hindi niya lang alam kung anong gagawin.

Because no matter what happens, one will still get hurt.

But he still has to make a choice, at kailangan kong tanggapin yun kahit na masasaktan ako. I wiped my tears, stood up at lumakad papunta sakanila.

"You had your two weeks...I guess that's enough." - sabi ko kay Harlowe.

" Josh...kung mahal mo pa ako, at kung ako talaga ang mahal mo, siguro alam mo naman ang gagawin di ba?"

Lumabas na ako ng condo ni Paulo...si Col at Maica nakasunod saken...

"Dude san ka pupunta? Akala ko you'll give him chance na makapag-usap kayo." - Maica

"I know...pero hindi kame makakapag-usap kung nandiyan si Harlowe. At Hinding-hindi kame magiging okay kung lageng may Harlowe na nakasunod samen."

Dahil sa galit na nararamdaman ko, feeling ko naging malakas ako bigla. Feeling ko naging matapang na ako. Siguro mas kaya ko ng harapin yung problema ngayon.

Pero hindi ibig sabihin nun eh kaya ko ng mawala si Josh.

"I'll be fine...don't worry about me. Uwi na ako okay." - I hugged and kissed them both saka na tuluyang umalis.

But before the elevator doors opened, hinila ako ni Josh and he kissed me tenderly. I so damn missed him that I didn't care kung nandito ba ang mga kaibigan ko, I didn't care if Harlowe cried louder.

I let Josh kiss me because I love him...and it's sign na ipaglalaban niya ako at ako ang mahal niya, the very same thing I did for him nung pinag-aawayan nila ako ni Charles outside The Embassy.

Pero tama ba ako?? Tama ba ang intuition ko???

Unknowingly, umiiyak na naman pala ako. He's wiping my tears and kissing me at the same time. "I'm sorry" at "i love you so much" ang naririnig ko sakanya in between the kisses. Nung nag-open na yung elevator doors, I let go of him.

--------------

Pag-uwi ko ng bahay, nakapag-decision na ako agad. Hindi ko na kayang hintayin pa yung weekend or yung next week.

Tinawagan ko si Ali yesterday nung makita ko sa facebook yung pictures nila ni Jake. Ang sweet nila kasi sinusubuan niya si Jake, akala ko nga sila na kaso hindi naman pala. Member si Jake ng Got7, so sa dami ng fangirls niya na-bash tuloy si Ali -_- kawawa naman yung pinsan ko. Grabe lang sila, nakaka-torture mentally yung mga pinagsasabi nila huh, katulad nalang ng ginagawa saken ni Harlowe.

Buti pa si Ali ang simple ng problema. Napagkamalan siyang girlfriend ng bestfriend niya, si Jake. Bestfriend din naman niya si Dane...pero hindi ko alam kung kanino siya mas malapit. Si Dane kasi parang childhood sweetheart na niya, kaso nagpunta kasi sa Korea para mag-aral. Si Jake naman, during her Malfori days niya naging ka-close. Hindi ko nga alam kasi baka mamaya may feelings beyond friendship na pala yung dalawang lalaki sakanya pero hindi lang niya napapansin.

I wish my problem is just as simple as Ali's.

"Ma....pupunta ako kila Ali ha. I'll stay there for a couple of weeks." - hindi ako nagpapaalam kay Mama...I'm informing her of my decision.

"Bakit? Diba finals niyo na next week? Pano ka makakapag-aral niyan?"

"Mas lalo akong hindi makakapag concentrate dito. Josh and I had a fight. Kailangan ko munang lumayo." - ngayon ko lang sinabi kay Mama na nag-away kame ni Josh. Hindi ko na hinintay na sumagot siya. Pumasok nalang agad ako sa kwarto para ayusin ung mga gamit na dadalhin ko kila Ali.

My Pretty BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon