Chapter 22: Dance With Me

291 3 0
                                    

"Hello Leigh Ashley"

Shemay!!! Bakit ngayon pa ako iniwan ng boses ko?

"Hi, you're Charles right? Have a seat, join us." Mas nauna pang makarecover si Colette kesa saken. Diba inuubo siya kanina?

"Pano mo nalaman kung saan club kame pupunta? Hindi ko naman nasabi sayo diba?"

Sure ako hindi ko sinabi sakanya. Hindi naman ako masyadong nagbibigay sakanya ng info e.

"Ah....kay Royce. Ung ka-date ni Maica."

"Kilala mo si Royce???" Duet na tanong namen ni Colette.

"Oo. Kasama ko kasi siya sa in-house training namen."

Si Colette, siyempre hindi niya palalampasin si Charles. Ang dami niyang tanong.

"Nagpunta kasi si Royce samen nung Thursday. Nakwento niya may gimik siyang pupuntahan kaya niyaya ako. Nung una ayaw ko nga e. Pero nung nagkwento pa siya, nalaman ko nga kasama si Leigh Ashley, kaya napapayag ako. Di pa nga niya alam na nandito ako e."

So un pala. Magaling kaya siya sumayaw? Hahahaha. Ayan na naman ako sa birds of the same feather flock together ko.😁😁😁

"Oh nice! Buti nalang you're here. Walang date si Ashley eh. Josh is not here kasi."

Naku Colette! Sige ipahamak mo pa ako. Hindi naman nga kame dating ni Joshua e!!! 😡😡😡

Saka wag mo masyado ine-english si Charles, 😪😪😪 di naman yan inglesero eh.

Di ko namalayan na nag-change of music pala. Kaya si Maica at Royce bumalik na sa table namen.

"Oh bro you're here!! Kala ko di ka na sasama."

Isang englisero din si Royce eh. Si Maica simple, pero pagdating sa boys, parang si Colette din. Mataas ang standards.

Ako kaya? Ano bang gusto ko sa guy?? Parang hindi ko pa din ata alam. 😞😞😞

"Wait lang. I'll order more drinks for us." Yes!!! Malaki ang chance mo kay Maica niyan Royce. Galante! 3 points for you.

Sumunod si Charles kay Royce.

"Dude!!! Not bad naman pla si Charles!! Hahaha". Sige, isigaw mo pa ng todo Maica, para marinig nila tayo.! 😫😫😫

Hindi ko alam kung narinig ba kame. Ung couch kasi namen is just near ng bar.

Jackpot din ata si Col ke DJ suitor niya. Free entrance na kame, free-flow of drinks na, maganda pa pwesto namen. Easy access to the dancefloor, bar, and ladies' room.

Napatingin tuloy kame lahat sa bar. Si Charles, nakatingin din tapos nag smile. May dimples pala siya, ang cute!!!!!

"Dude I agree with Maica. Oo Charles is nothing like Josh, pero he's dashing enough for me."

"Col, I know "enough" is no good for you. Hindi pdeng "okay na yan". Wala yan sa standards mo."

"Hahahahhahahahhahahhahahahah"

Masarap talagang mabaliw pag ganto mga kaibigan mo.

Lahat kame, nagtatawanan ng bumalik sila Charles and Royce.

Around 12, change of DJ na. Kaya Colette's suitor was able to join us.

"Hi Baby, are you having fun?" Sabay kiss sa buhok ni Col.

Ooohhh mmmyyyy.....si Col, di ko alam kung kinikilig ba siya sa gesture ni Paulo (si DJ suitor niya), or baka tipsy na.☺️☺️☺️

Dahil DJ si Paulo, what else would you expect? Siyempre magaling siyang pumorma, ingglesero din kasi may foreign market din sila dito.

In fact, this club is pang high class. Mostly rich kids ang pumupunta dito.

We're enjoying each other's company, walang ackward moments. Masaya din pala kasama si Charles.

🎵🎶🎵🎶🎵🎶🎵🎶

Yeah, yeah, que no pare la fiesta

Don't stop the party

Yeah, yeah, que no pare la fiesta

Don't stop the party

🎵🎶🎵🎶🎵🎶🎵🎶🎵

Yes!!!! Don't stop the party talaga! Hahaha we're having so much fun! Parang ayoko na matapos ung oras.

Nagtayuan silang lahat para pumunta sa dance floor.

Ako??? Hinila ako ni Colette. Sige lang! Habang tipsy tayong lahat. Hahaha

Pagdating sa dancefloor, siyempre humarap sa kanya-kayang date.

At ako, hinila ni Charles. He held me on my waist, and dance.

Ohwmaygawdness!!!!! Kung anong galing ni Royce sa pagsayaw? Ganon din si Charles!!!

Hindi ako sanay nagsasayaw sa dance floor. Dancer kame ni Col sa Uni. Pero never pa ako sumayaw sa club.

But Charles seriously have goooood moves... Kahit sino, mapapasayaw sakanya.

We were face to face, smiling at each other, our bodies are close enough, as we danced to the music and let the night fall.

My Pretty BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon