Chapter 70

105 3 0
                                    

Harlowe LaFuenta...Pang mayaman ang last name. Kung bakit naman kasi hindi ko alam ang inner circles ni lolo sa business, edi sana noon palang nagawan na ng paraan ni Lolo to make Harlowe back off.

Haha joke!!! Actually, sameng magpipinsan si Kuya Lanz palang ang kilala ng mga mai-impluwensiyang kaibigan ni lolo.

Kaya sakanya na rin ako nagtanong tungkol sa LaFuenta family. Ang hirap niyang abutan sa office niya, ung cellphone naman niya yung secretary ang laging sumasagot.

Kaya ngayon ko lang siya natawagan, ngayong mismong araw ng birthday ni Lolo.


"Kuya Lanz, kilala mo ba yung Dominic LaFuenta? Pupunta ba sila sa birthday ni Lolo?"

"Yeah. Hotels ang hawak nila, but based in US and Dubai. Bakit?"

"Daddy siya ni Harlowe."

"Ah...yung mistisang babaeng palagi niyang kasama sa social gatherings? Ah yun pala si Harlowe...yeah I think so pupunta sila. They're always present."

"Kuya...yang Dominic LaFuenta, ang gusto niya, si Josh ang mapangasawa ni Harlowe. Bata palang sila he tried to convince yung parents ni Josh, pero hindi sila pumayag."

Tinawanan ako ni Kuya Lanz.... Salbahe, wala naman sigurong masama kung magalala ako diba? Kahit papano kilala ko na yang si Harlowe, kasi para siyang si Joshua. They will get what they want kahit sa anong paraan, kahit sino pa ang masaktan.

Siyempre worried ako na baka magiskandalo siya. Na baka habang ina-announce ni Lolo ang engagement namen ni Josh eh magsisigaw siya ng

"Stop...hindi pwde! I'm pregnant at si Joshua San Jose ang ama!!"

Oh diba, isang malaking kahihiyan na naman? Another failure for Lolo's part and this time baka pati ako itakwil na niya. Huhu...

"Cuz....chillax. There's nothing to worry."

Nothing to worry...palibhasa hindi pa nila alam na engaged na kame ni Josh. Wala pang may alam bukod sa parents ko at kila Maica.

At hindi ko rin pwdeng sabihin kila Ali dahil ang gusto ni Josh eh maging surprise ito for everyone.

Sasabihin niya kay Lolo a few hours before the birthday party begins. Parang royal engagement naman ang mangyayari...hmp!

"Hello cuz... Sige na I have to go. I'll see you later okay."

Click!!

At hindi man lang ako nakapag bye sakanya.





Party starts at 6pm. Sa hacienda nila Lolo gagawin, at isa itong black tie party event.

Tuxedos, long dresses, diamonds....sigurado akong pagandahan at pasosyalan ang mangyayari.

Around 5pm dumating na kame sa mansion kasama si Marius at Ehm.

I'm wearing a grey long gown na backless paired with a silver stilleto. Necklace, earrings, and bracelet ko are Swarovski, of course galing sa mommy ni Josh.

"You're a natural beauty Ashley. Inside and out maganda ka. Kaya maswerte sayo ang anak ko. Pero dapat masanay ka na ha. Ganito talaga kapag may big events."

Yan ang sabi ni mommy kanina saken habang inaayusan niya ako. Ewan ko ba, isusuot lang naman yung accessories bakit kailangan pang nakaharap sa full size mirror.

"Don't worry mommy, masasanay din po ako." ^_^

Siyempre magsisinungaling naman ako kung sasabihin kong hindi ko gusto itong mga nangyayari saken diba? Bigla akong naging buhay prinsesa.

My Pretty BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon