Chapter 1

956 36 9
                                    

Baekhyun's PoV

In the end, I was forced to leave the last property that my parents have given me.

Iyon ay sa kadahilanan na ayon sa isa kong kapitbahay ay may umaaligid daw sa aming village na mga lalaking naka-itim. Nagtatanong tanong at hinahanap daw ako.

"Baekhyun, pasensya ka na. Hindi ka rin naman kasi namin lubos na kilala at natatakot na kami." Ani sa akin ng isang matanda kasama pa ang iba.

"Tsaka sabi din kasi nila, nakita daw nila na may hawak na baril ang isa sa mga iyon." Malungkot akong tumango, dala dala ang aking mga bagahe.

"Naiintindihan ko naman po kayo. Pasensya na po sa abala."

Iniisip ko na si Chanyeol ang naghahanap sa akin. Pero hindi nawawala ang takot sa puso ko na baka isang araw kunin niya sa akin ang anak ko.

Sumakay ako ng bus, hindi ko na alam kung saan ako papunta. Basta, kung saan may tatanggap sa akin doon kami ng anak ko.

Napadpad ako sa Batangas. Ma-tao ang lugar dahil pagliko sa daan ay mayroong pamilihan.

Bumili ako ng tinapay at softdrinks pantawid gutom bago dumiretso sa paghahanap ng matutuluyan. Nakaupo ako sa isang monoblock nang lapitan ako ng isang matandang lalaki.

"Bagong salta ka dito?" Ani nito habang minamata mata ako. Humigpit ang hawak ko sa aking mga dala. Baka mamaya ay magnanakaw pala ito.

"Grabe ka sakin ha! Hindi kita nanakawan! Mayaman ako!" Inirapan ako nito. "Heechul nga pala, asawa ko ang mayor dito." Nagulat ako roon. Hindi ako makapaniwala.

Ngayon ay ako naman ang nang mata sa kaniya.

Ilang tao ang dumaan at bumati kay Heechul bago ako makumbinsi na talagang hindi nga siya manggagantso.

"Pasensya na po kayo." Tumayo ako at humingi ng paumanhin. "Wala po akong alam sa lugar na ito. Baka po pupwedeng tulungan niyo ako na maghanap ng matutuluyan." Pinagkurus niua sa dib dib ang dalawang braso bago ako tinaasan ng kilay.

"Mayroong bakanteng bahay sa tabi ng mansyon ng asawa ko. Hulugan ang bayad. Dalawang milyon, pag natapos mo. Ibibigay ko sayo ang titulo."

"Maraming salamat po! Kahit po cash! Ngayon din!" Paulit ulit akong nagpasalamat at humingi ng tawad sa kaniya.

Isang sakay lang ng tricycle ay naroon na kami. Ni-tour niya ako doon. May simpleng puting gate, pagpasok sa loob ay may magandang hardin sa gilid.

"Kita mo naman! Alagang alaga ang bahay na ito! Ni-renovate ito noong nakaraang taon kaya bagong bago. Linggo-linggo din ang linis dito." Sabi ni Heechul pagtapak namin sa loob ng sala.

Magkahalong cream at brown ang kulay ng bahay. Mayroon din pulang carpet sa gitna.

"Antique ang mga gamit." Tumango siya at itinaas ang kamay.

"Oo, walang tumitira dito pero sinisigurado namin ng asawa ko na malinis at naaalagaan ng ayos para maibenta sa magandang halaga. Oh ano? Cash ba?" Umupo ako sa sofa at ibinaba ang aking mga gamit.

Inilabas ko sa loob ng isang maleta ang dalawang milyon. Ibinayad ko iyon kay Heechul kapalit ng bahay at lupa na kinatitirikan nito.

--

Lumipas ang mga buwan at mas lalong lumapit ang kabuwanan ng aking panganganak.

"Grabe, Baekhyun. Ang laki ng tiyan mo." Hinimas ni Heechul ang tiyan ko. Ayon sa aking doctor ay quadruplets ang baby ko.

Hindi pa masabi ang mga gender dahil malalaki daw ang mga baby at hindi makita sa ultrasound.

"Nga pala, anong balita sa tatay ng mga baby mo." It's been a while since I heard Chanyeol's name on the television.

Noong nakaraang linggo ako huling nanood.

"Balita ko may ParkByun Empire na ang kompanya niyo ha." Humigop si Heechul ng kape. Mapait akong natawa sa sinabi niya habang nakatitig sa aking tiyan.

"Bakit ParkByun pa? Eh sa kaniya na naman ang lahat ng iyon, tss." Umirap ako sa hangin sa inis.

Buwan pa lang ako nawawala ang he alreadh manage to make an Empire? Wow! So, pabigat lang pala ako sa kaniya!

Pasensya na ha?! Nakabagal pa ako sa pag unlad mo, Park Chanyeol!

"Taray! Bitter ka padin? Akala ko ba okay ka na? Kaya nga nilayasan mo na diba?" Pinukol ko siya ng matalim na tingin.

"Hay nako, Heechul. Pakiramdam mo lang na bitter ako. Pero hindi! Bahala siya, hindi ko naman siya kailangan sa buhay ko. Dahil kaya ko buhayin ang mga anak ko."

"Eh diba, alam niya na buntis ka bago ka umalis? Paano kung isang araw bigla kayo maisipan na hanapin? Kung kunin ang mga bata?"

Umiling ako sa kaniya. Ngayon nga na may empire siya ay hindi niya ako mahanap e. Tsaka isa pa, hindi ko ibibigay ang mga babies sa kaniya.

"Alam mo, Heechul. Eight months na akong buntis. May Park Chanyeol ba na nagpapakita? Diba wala? He doesn't have time for me and for the baby."

Napailing na lang si Heechul. Enough of this topic. Dapat ay nagpapahinga ako ngayon at kung hindi lang nagpilit si Heechul na bisitahin ko siya ay baka nahihimbing ako ngayon.

"Sige na! Bahala ka! Nga pala, yung bakeshop mo? Anong balita?"

"Magbubukas na kami next week. Tsaka ko na iisipin ang expansions at iba pa na dapat ayusin kapag nanganak na ako."

Paubos na din kasi ang pera ko dahil nag ipon na ako ng gamit ng mga bata tsaka pinaghahandaan ko din ang gagastusin ko sa panganganak.

"Basta ako, Baek. Andito lang ako. Tutulungan kita." Ani ni Heechul at tinapik ang balikat ko.

"Ikaw? Kelan mo plano magbuntis?" Pinamulahan siya ng pisngi at tumawa ng kaunti.

"A-Ayoko pa! Hindi pa ako handa." Kinagat niya ang labi at nag iwas ng tingin

"Pa-virgin ka masyado! Sampung taon na kayong kasal diba? Hanggang n—"

"Shhh!" Pinasakan niya ng tinapay ang bibig ko bago umirap.

"Umuwi ka na nga lang! Kung hindi ka lang buntis e!"



----

Hello!!! Sana hindi kayo ma-bored kasi simula pa lang to kaya wala pa gaanong ganap si Chanyeol.

If you know someone na gumagawa ng covers please pm me. Need ko kasi. Salamat!!

Please leave a comment❤

-dyoderou

THE POWER COUPLE (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon