Baekhyun's PoV
Nagdidilig ako ng mga halaman sa garden ni Chanyeol.
It's just this morning when I noticed that these flowers are dying. Wala na kasi si Heechul, wala ng nag aalaga.
Ilang linggo pa lang ang lumilipas at napabayaan na ang hardin na ito. Ang daming mga nakatambak na kalat at lumang gamit.
Mamaya siguro kapag libre na ang oras ko at tulog na ang mga bata ay lilinisin ko ito.
Uuwi daw si Chanyeol kapag natapos niya ang trabaho ng kompanya.
Chanyeol asked me a favor, maari daw ba na lumipat ako paminsan minsan dito sa bahay na ito to cook food for Nana habang hindi pa siya nakakahanap ng mga kasambahay. Sinabi niya din sa akin na kung magwala daw ito o kung ano pa man ay tawagan ko lang daw siya.
This is not me. Something is wrong with me. May mali sa puso ko. May sakit ata ako.
"Ehem!" Matinis at nakakainis na boses ang narinig ko. Parang may pinapatay na daga.
She spilled her tea on a dying flower. Kasabay ang pagkabasag ng tea cup at platito na kasama nito.
"Oops! Hindi ko sinasadya, Baekhyun." Umusod ako at sa ibang bahagi nagdilig. Hindi ko siya pinansin kaya itinulak niya ako.
My wrist hit an old wire. Nagkaroon ito ng maliit na sugat. Mahapdi iyon at kahit gusto ko nang tumayo ay parang may kung ano na humihila sa akin para umupo lamang sa lupa at tumitig sa aking sugat.
"Gusto ko ng meryenda, Baekhyun! Bilisan mo diyan at nagugutom na ako. Pag hindi ka tumayo isusumbong kita kay Chanyeol." Tumuloy ito ng pasok sa loob.
Hindi ako nakatayo agad. Ilang sandali pa at tumulo na naman ang mga luha ko.
Chanyeol messed with my system. Masisiraan na ako ng bait dahil sa mga pinag gagagawa nila sa akin sa bahay na ito.
Why did my life turned out like this? Napapagod na ako. Puro rejections, puro pagpapakumbaba, puro paghihirap.
Madilim na nang nakauwi ako sa bahay namin.
Nilinis ko ang aking sugat at tinakpan iyon ng benda. I cooked food for my kids at pinatulog sila bago bumalik sa bahay ni Chanyeol.
Saktong dumating ito habang binubuksan ko ang gate. Inantay ko siya na magparada sa tabi bago sumabay ss kanita papasok.
"S-Sana makahanap ka na ng mga kasambahay.. Mahirap kasi na iniiwanan ko ang mga anak ko para mag bantay dito." Hindi siya nagsasalita. Nang mag angat ako ng tingin ay nakita kong nakatitig siya sa sugat ko. Itinago ko iyon sa aking likod.
"Nag-laslas ka ba? Ano? Gusto mong magpakamatay? Napaka selfish mo talaga, Baekhyun. Hindi mo na inisip ang mg—
"Nandito ako para icheck si Nana. Dahil nandito ka na, uuwi na lang ako." I cut him off before he can say more mean things to mess my head up.
Marami na akong isipin ngayon kaya hindi ko na daragdagan.
Hinila niya ang braso ko.
"N-Nasasaktan ako! Puwede ba, asawa mo ako! Hindi alila, hindi katulong!" His face softened, sana pinasok na ng realisasyon ang utak nito. Pero agad niyang nabawi iyon. His aura became darker. Kasabay ng pagkuyom ng mga kamay at paglabas ng ilang ugat sa leeg nito.
I hate you, Chanyeol! I hate you for punishing me. I don't deserve this. Kung sana nandito ang mga magulang ko.
"Nakuha mo na ang lahat sakin. The company, ang lahat ng pag aari ng mga magulang ko. Ano pa bang gusto mo? Yung mga bata?" Tinulak ko siya ng malakas palayo.
"I just want to tell you that Luhan wants to meet you tomorrow." Tumango ako at tumalikod.
I don't know where he is rooting. Anong pinanghuhugutan niya ng lahat nito?
Kung dahil lang ito kay Nana, masyado siyang mababaw!
Nakatanggap ako ng isang text message, it was Luhan. Ang sabi ay magkita kami sa isang coffee shop.
Pero dahil may bakeshop ako, ikimungkahi ko na doon na lang.
"Baek! Ghad! I miss you!" Yumakap ako sa kaniya.
I missed my bestfriend, talagang bumyahe pa siya ng napakalayo para lang makasama ako.
"Kamusta ka naman?" Bumitaw ito sa yakap at umupo sa silya sa aking harapan. Kinuha namin ang menu para umorder na.
Sinermonan niya ako dahil nag alala daw siya at hindi ko man lang siya kino-contact.
Napahaba ang usapan naming dalawa hanggang sa mag abot na sa isyung iniiwasan ko.
"I need to tell you something important. Your husband, sa tingin ko ay nahahawa na siya sa kabaliwan ni Nana. Alam mo ba na sa matagal na panahon na wala ka ay puro si Nana ang inaasikaso nito bukod sa kompanya?" Humawi ng buhok si Luhan.
Natutop ko ang aking labi, ayoko sana na magsalita patungkol dito.
"Pansin ko nga iyon, hanggang ngayon naman. Ibinahay niya pa nga si Nana." Mapait kong sabi. Binitawan ko ang aking tinidor. Nawalan ako ng gana sa pagkain.
"Uhhh, Baek. Alam ko hindi dapat ako nangingielam sa iyo. Pero magmula nang mawala ka biglang may pumutok na balita na may kinakasama ka daw na lalaki kaya iniwanan mo si Chanyeol." Huminto siya at tila tinatantsa ang emosyon ko. "Totoo ba iyon?"
"Hindi, wala akong panahon." Tumango si Luhan.
"You're not opening your social media?" Kinuha niya ang telepono at ipinakita iyon sa akin. "Look. This is just recent."
I was shocked. Ako iyon kasama ang isang lalaki sa tapat nitong aking bakeshop. Blurred ang mukha nito pero nasisiguro ko na isa iyon sa mga trabahador ko dito.
"Huh? Manager iyan nitong bakeshop. Wala siya ngayon dito, day off niya." Hinawi ko pa ang mga litrato.
Napakadami ng mga iyon. Pati ang simpleng pagpasok ko sa kitchen kasama nito ay magkuha.
Obvious naman na sinadya ang mga ito para siraan ako.
"Anyway, you made it to the newspaper. Maraming balitang lumalabas na bumagsak na daw talaga kayo as Power Couple." Kinuha ni Luhan ang cellphone sa kamay ko at itinago na iyon. "Sirang-sira ka na sa lahat, Baek. Maybe it's time for you to claim what is yours." Nakatingin lang ako kay Luhan.
Magmula nang lumayo ako sa Maynila ay hindi ko na inisip ang sasabihin ng iba. Nag-focus ako sa pamumuhay na mag isa.
"B-But we dominate the business world because we are 'The Power Couple' kasama ko si Chanyeol noon Luhan. I don't think I can do it alone."
"So, ano? Hahayaan mo na lang siya? You're Byun Baekhyun! Baka nakakalimutan mo ang dahilan kung bakit ikinasal ka sa kaniya at nag-merge ang mga kompanya?"
We got married because both of our companies are doing well. Pero kasama ko si Papa noon.
"Stop convincing yourself that you are nothing without him! Don't be a fool for love! Wake the hell up!"
----
Gigil nyo si Baek ah. Pag na-trigger yan Nakoooowww
-dyoderou
BINABASA MO ANG
THE POWER COUPLE (BOOK2)
FanfictionChanyeol finds his long lost husband. Park Baekhyun -dyoderou