Di ko to na update kasi busy ako sa bago kong libro. "IG Hoe" at Chanbaek fanfic siya😳😳😳 check my wall if u want to read it.❤
-dyoderou
---
Baekhyun's PoV
Tinulak ko siya. My lips were bruised dahil sa marahas na halik at medyo nakagat niya pa dahil sa pagtulak ko.
Nalasahan ko ang kalawang sa labi.
Sinampal ko siya.
"A-Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Hinawakan ni Heechul ang braso ko at tila pinipigilan ako sa nais gawin.
"Let's go home." He said, his voice a bit cracked when he said the word 'home'.
Umiling ako at pinulot isa isa ang mga nahulog na pinamili. Pinigilan niya ako, gumulong ang gulay palayo.
"Huwag mo nang pulutin. Madumi na iyan. Ibibili kita ng mas marami kung gusto mo." Pinagpag niya ang damit ko. Napairap ako sa inis.
Tinulak ko siya ng isa pang beses.
"Umalis ka na! Hindi kita kailangan!" Anger fueled my body. Pakiramdam ko lahat ng dugo ko ay umakyat sa ulo ko. At lahat ng galit na matagal na kinimkim ay sumabog na parang bulkan.
"Please, Ang tagal kitang hinanap. Huwag mo naman akong itaboy." He is pleading, palagay ko kaunti na lang ay mapaluluhod ko siya kung gusto ko. "Gusto ko din makita ang anak ko." Kinabahan ako roon.
Baka kuhanin niya sa akin ang mga anak ko. But I will never let that happen.
"Wala kang karapatan." Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad palayo. Hinila niya ako pabalik.
Napayuko siya at napanguso nang titigan ko siya ng masama.
"Halika na, Heechul!"
"Pero, Baek. Baka sundan niya tayo pauwi."
"Baekhyun, Ihahatid na lang kita pauwi. Hindi ako magtatagal basta hayaan mo ko makita ang anak ko."
Sumilip ang bata na nasa kotse.
"Tito Chanyeol, gusto ko mag cr." Ani nito. Napairap ako.
Binulungan ko si Heechul na mauna na at ipasok sa kwarto ang mga bata pagdating.
"Sige, ihatid mo ako. Para makaihi siya." Pumasok kami sa kotse.
Hindi ako komportable sa buong byahe.
"A-Anak mo kay Nana?" Buong tapang kong tanong. Dumilim ang tingin niya sa akin.
"Pamangkin ko siya, anak ni Dara." Natanto ko na Tito nga pala ang tawag sa kaniya nito.
"E-Eh yung anak nyo?" Hinampas ni Chanyeol ang manibela. Nagtagis anv bagang niya.
Putangina nito. Sige, magalit siya sa akin at patunayan niya na walang kwenta siyang ama.
"I'm sorry." Ani nito bago tumuloy sa pagmamaneho.
Pagtigil ng sasakyan ay inabot ko kay Heechul ang susi. Nagtatakbo naman siya papasok.
"Ako na lang ang sasama sa kaniya sa banyo. Dito ka na lang"
"Hindi, gusto ko makita ang anak ko." Hinarangan ko siya sa pintuan.
"Don't make this hard for the both of us. I can file a case against you for hiding my child." He said in a low voice.
Sa lamig ng pagkakasabi siya ay kinilabutan ako.
"Gawin mo, if you can bare to see me behind bars." Ikinurus ko ang braso sa dib dib ko.
Lalong dumilim ang paraan ng pagtingin niya sa akin. And I swear, sobrang hot niya ngayon.
Kinakabahan dahil sa takot na makuha niya ang mga bata.
"Naiihi na po talaga ako." I closed the door behind me pagkapasok ko. Sinigurado ko na lumapat ang pinto at tumuloy sa pagkakasara.
Sinamahan ko ito hanggang sa banyo. Tinuro kung paano niya ipaflush ang inidoro.
"I know how to use it. I'm not a baby anymore." Reklamo nito. Pagkatapos nitong mag cr ay tinahak na namin ang daan pabalik.
Malikot ito at gustonv hawakan lahat ng mga figurine sa mga patungan, hinayaan ko na lang ito.
"Can I see what's in this room." Bago ko pa siya pigilan ay binuksan niya ito. Pinihit nito ang doorknob at sumilip sa loob.
Nakita ako ni Baekkie kaya't mabilis itong tumakbo palabas kaya sumunod na sa kaniya ang mga kapatid niya.
"Eomma!" Sabay sabay na sigaw ng mga ito. Walan nagawa si Heechul.
Hindi ko namalayan na tumakbo palabas ang batang kanina lang nag- cr.
Binuksan niya ang pinto, revealing Chanyeol.
Sinubukan kong itago ang mga bata sa likod ko. Tumutulo ang luha sa aking pisngi.
"Eomma, kamukha niya si Channie." Baekkie said. "Hala, ikaw ba tatay namen."
"Byun Baekhyun, You owe me a lot of explainations." Napapikit ako ng mariin.
Inutusan ko si Heechul na ipasok ang mga bata sa loob ng kwarto bago tinungo ang sofa upang maupo.
"M-Maupo ka muna." Nanginginig ang kamay ko na tinapik ang upuan sa tabi.
----
Short update! Please leave a comment
-dyoderou
BINABASA MO ANG
THE POWER COUPLE (BOOK2)
FanfictionChanyeol finds his long lost husband. Park Baekhyun -dyoderou