Baekhyun's PoV
"Ayun na nga, Heechul. Nangako siya sa bata pagkatapos uunahin niya pa yung babae niya." Nasa harap ako ngayon ng aking laptop. It is 10 pm on my clock at ngayon lang kami nakapag kamustahan ni Heechul dahil tulog na ang mga bata at tapos na ako sa mga gawaing bahay.
"Ikaw naman kasi. Malay mo busy lang talaga siya. Huwag mo din naman kasi hanapan nang hanapan ng mali!"
Napag isip isip ko nga din na inis na inis ako kay Chanyeol at lagi ko siyang hinahanapan ng kamalian.
Nagpaalam na si Heechul sa akin matapos ang medyo mahaba haba din na pag uusap. Hindi pa ako dinadapuan ng antok kaya't nagtimpla ako ng kape.
Sumilip ako sa bintana. May malakas na busina sng tumunog at nakakasilaw na ilaw.
Ilang sandali pa at narinig ko ang tunog ng doorbell. Si Park Chanyeol iyon, nakasuot ng isang gray suit and tie at may hawak na bulaklak.
"Anong ginagawa mo dito?" He grinned, gusto ko siyang buhusan ng kape na hawak ko pero huminga ako nang malalim at pinigilan ang sarili.
Sayang ang kape, pinaghirapan itong itanim, anihin at gawin na powder tapos sa mukha nya lang pupunta?
"Asan si Baekkie? May pasalubong akong mga tsokolate at mga laruan."
"Tanga ka ba? Gabi na, malamang tulog na sila. Umuwi ka na diyan sa bahay mo." Hindi siya nagsalita. Iniabot niya sa akin ang isang bouquet ng bulaklak.
May garden ako sa gilid ng bahay, di ko tatanggapin yan!
"Baek, pinaliwanag ko na sa 'yo ito diba?" Pilit niya parin iniaabot sa akin ang bulaklak. "Wala na siya sa katinuan."
"At anong silbi ng mga doctor? Display ganoon?" Umirap ako sa hangin. "Look, I am not saying na ngayon ay dapat nasa amin ang atensyon mo. You have work and naiintindihan ko iyon. Maraming mental institutions, hindi ko alam kung bakit kailangan mo pa siya—
"Because I know how it feels to be alone." Bumaba ang kamay niyang nakahawak sa bulaklak. Humawak siya noo bago itinapon ang mga bulaklak sa basurahan sa tabi. "Kung ayaw mong tanggapin itong ibinibigay ko sa 'yo. Sana kahit yung para sa mga bata na lang."
Ibinaba niya ang mga paper bags sa harap ko. Sumakay sa kotse bago iginarahe ito sa kabilang bahay.
I felt guilty after that. Sumobra ba ako? Masyado bang naging masakit ang mga salita at paraan ko sa kaniya?
No! Katotohanan ang lahat ng iyon. Tama! Matutulog na ako.
But even after how many times I try to convince myself that everything is fine eh hindi talaga!
Hindi ako makatulog.
Lumabas ako muli. Kinuha ko ang bouquet ng bulaklak sa basurahan. Inayos ko iyon at inilagay sa vase.
Gumaan ang loob ko kahit paano, muli akong bumalik sa kama para magpahinga.
Nakatulog ako nang matiwasay.
Pagkagising ko ay nagkakaingay na ang mga bata sa sala.
"Eomma! Pwede ba to kainin? Sa amin ba ito?" Yeollie said habang binubuklat ang mga laman ng paper bag.
"Oo. Sa inyong lahat yan, Baekkie bigay yan ng tatay mo. Sorry daw dahil busy siya sa trabaho." Tumango ito at nagpatuloy sa pakikitingin ng mga pasalubong.
"Lumipat na lang kayo mamaya sa kaniya sa kabila. Siya na ang tumitira sa bahay ni Heechul." Dag dag ko pa.
Lumabas ako para bumili ng agahan. Nagkakagulo muli ang mga tao sa harap.
Akala ko si Chanyeol na naman pero nang sumilip ako ay babae ang nandoon. May hawak na hose at nagdidiligng halaman, naka suot ng fitted na damit at nakatali sa isang ponytail ang buhok.
"N-Nana?"
Binilisan ko ang paglakad. Pagdating sa bayan ay nakasalubong ko si Chanyeol.
"U-Uhmm." Hihingi sana ako ng tawad para sa mga nasabi ko kagabi pero hindi niya ako pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.
It feels so weird. Hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam na hindi niya pansinin. Ipinagkibit balikat ko na lang iyon at umuwi agad pagkatapos mamili.
"Eomma, pwede ba kami pumunta sa tatay namin? Magte-thank you lang kami." Tumango ako at itinigil ang ginagawa.
"Sandali, di kayo pupwedeng pumunta ng walang kasama doon." Baka mamaya awayin kayo ni Nana. Hindi natin masasabi baka atakihin na naman iyon.
Sinalubong kami ni Nana nang may malaking ngiti sa labi. Pinapasok kami sa sala at pinaupo.
Parang walang problema at namumuhay nang ayos. Naka-sexy dress at red lipstick pa.
Syempre hindi ako nagpatalo, sinuot ko ang pinakamaikling shorts ko na nahanap sa aparador.
"Tatay! Salamat sa mga regalo. Di na po ako nagtatampo sa 'yo!" Yumakap si Baekkie rito. Ganoon din ang ginawa ni Hyunnie, Yeollie at Channie.
"Mga bata, anong gusto niyong meryenda?" Ang laki ng ngiti ni Nana nang lumapit siya sa mga bata.
"Huwag kayo matakot. Siya si Tita Nana niyo. Kaibigan ko siya." Paliwanag ni Chanyeol sa mga bata sa mahinahon na paraan.
"Okay po, si Eomma na lang po ang magluluto. Masarap siya gumawa ng pancakes."
"Nana, pwede mo naman tulungan si Baek."
Tumango ito at mas lumaki pa ang ngiti.
Pagdating sa dirty kitchen nagsimulang lumabas ang tunay na ugali ng dragon.
"I can make pancakes better than you." Hindi ko na siya pinansin dahil wala akong plano na makipagkompitensya sa baliw.
Pero mukhang malakas nga yata ang saltik nito at tinabig ang batter na hinahalo ko.
"Oops! Sorry!" Doon ay hindi ko na napigil ang sarili ko.
"Ano bang problema mo?" Tanong ko sa mahinang boses. Baka isipin nila ay kinakayan kayanan ko ito.
"Hindi na babalik sa 'yo si Chanyeol. Paniwalang paniwala siya sa acting ko. He's mine!" Tinulak ko siya pero dahil masyado siyang eksaherada, dumikit ang braso niya sa kawali sa ibabaw ng kalan.
"Ouch!" Sigaw nito at nagsimula na umiyak. "Tulong!"
Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko si Chanyeol na nagmamadali papasok ng kitchen.
"Anong nangyari?"
"Hindi siya nababaliw, Chanyeol! She told me that it was all part of her acting! Niloloko ka niya!" He frowned, dinaluhan ang umiiyak na si Nana.
"She intentionally did that to herself! Sinadya niyang pasuin ang sarili ni—
"Baekhyun, this is enough! I know you don't like her but stop doing this! You're being so selfish!"
-----
Awww, our little Baek 😭😭😭
-dyoderou
BINABASA MO ANG
THE POWER COUPLE (BOOK2)
FanfictionChanyeol finds his long lost husband. Park Baekhyun -dyoderou