Baekhyun's PoV
"Baekkie, kailangan na natin pumasok sa loob. Five minutes na lang, magsisimula na ang piano competition mo." Baekkie looked disappointed. Pati ang mga kapatid niya ay ganoon din.
"E-Eomma, intayin pa natin ang tatay namin. Sabi niya po dadating siya." Napa buntong hininga na lang ako. Ang galing talaga ni Chanyeol! Pinaasa niya ang bata.
To: Chanyeol
Asan ka na? Dadating ka ba? Inaantay ka namin.
We exchanged phone numbers dahil minsan gusto niya daw makausap ang mga bata kahit nasa trabaho siya. Hindi ko naman ipinagkait iyon sa kaniya.
From: Chanyeol
Hahabol ako. Nana got mad nang hindi ko siya nasamahan sa check up niya kanina.
Si Nana na naman. Madali akong kausap. Siguradong hindi na siya aabot dahil sa Manila pa siya magmumula.
"Pumasok na tayo, Baekkie. Hindi siya makakarating." Malungkot na tumango ang bata bago sumunod sa akin sa loob.
Channie, Yeollie and Hyunnie were cheering for Baekkie at tahimik kaming lahat nang siya na ang nagpeperform.
She did well. Inannounce siyang second place pagkatapos.
"Sana andito ang tatay namen para nakita niya to." Bulong nito habang minamasdan ang medalyang nakasabit sa leeg.
"Andito naman si eomma." Ngumiti ito sa akin at tumango.
Wala talagang aasahan sa tatay nyong palpak! Andoon sa babae niya!
Dumiretso kami sa aking bakeshop pagkatapos. We are having our dessert nan magsalita si Yeollie.
"Eomma, kay tatay namen na lang itong natitirang huling slice ha. Baka paguwi niya magutom siya."
"Sa kaniya na lang din po itong spaghetti." Sabi ni Channie.
Hyunnie was silent and just observing all of us. Inabutan ko ito ng tubig bago tinanong. "May problema ba anak?"
Saglit ako nitong tinignan bago sumimangot. "I don't like him, matagal po siyang nawala tapos he is not keeping his promises."
Medyo hindi ako nasiyahan doon, but it is his fault kung bakit mas lalong lumalayo ang loob nito sa kaniya.
Sa huli ay ngumiti na lang ako.
BINABASA MO ANG
THE POWER COUPLE (BOOK2)
FanfictionChanyeol finds his long lost husband. Park Baekhyun -dyoderou