Chapter 4

839 32 2
                                    

Baekhyun's PoV

"Apat sila, kambal? Ganoon ba?" Madilim ang tingin niya. Nakaupo ang mga anak namin sa tabi ko dahil aniya ay gusto niyang makita ang mga ito.

It is useless to hide the kids dahil nakita niya na rin naman. But I made everything clear to him. Hindi ako babalik sa kaniya, hindi ko ipagdadamot ang mga bata.

"Oo, apat sila." Nakangiti siya habang pinapanood ang mga ito na naglalaro sa aking cellphone.

"I want them to live with me. Ikaw, hindi kita pipilitin. Gusto ko na magcatch up kami ng mga anak ko." Inihilamos ko ang palad sa aking mukha.

"Hindi ako pumapayag. Kung gusto mo dumalaw ka rito." Hinamon ko siya ng titigan. His eyes speaks so much.

He is pissed and sad at the same time.

Nag-ring ang kaniyang telepono. Nang masilip ko ang caller ay si Nana iyon.

"I'm going home.. May binisita lang ako sa plantasyon." Buong pag uusap nila ay nakatitig lang siya sa akin. Tila tinatantsa ang reaksyon ko.

It was torture to me. Peke akong umubo at nag iwas ng tingin.

"Mayroong piano competition si Baekkie sa susunod na linggo. Lalabas kami pagkatapos. K-Kung gusto mo ay sumama ka."

"Eomma, gusto ko dun tayo kumain sa bakeshop mo ha. Tapos may cake ako na strawberry." Kinagat nito ang labi bago lumapit kay Chanyeol, yumakap ito. "Kung ikaw tatay namen, sana magpunta ka. Alam mo ba may family day kami tapos si Eomma lang andon." Sabi nito na may halong tampo.

Maya maya pa ay tumayo din si Channie, Hyunnie at Yeollie upang yumakap dito.

"Pwede bilihan mo po kami ng laruan. Kasi si eomma ayaw kami bilihan." Si Channir iyon habang nilalaro ang mga buhok ni Chanyeol.

Nagmerienda siya kasama ng mga bata bago maya maya ay umalis na din.

"I'll comeback tomorrow. Take this and buy them things." Iniaabot niya ang lilibuhin na pera.

Pakiramdam ko ay iniinsulto niya ako doon. Sa inis ay hinawi ko ang kamay niya.

"Nakaya namin nang wala ka. Kaya pa rin namin kahit andito ka na. My bakeshop is doing well, I don't need your money." Ramdam ko ang pagtubig ng aking mga mata. Alam kong hindi ko kayang bigyan ng marangya na buhay ang mga anak ko.

Pero hindi ako nagkukulang!

Isasara ko na dapat ang gate pero hinarang niya ang kamay niya. Pumasok siya ulit bago ako niyakap.

Mahigpit iyon.

"I-I'm sorry." Bulong niya at hinaplos ang likod ko.

"Umalis ka na." Pabalibag kong isinara ang gate to express mga anger.

Pagbalik ko sa loob ay nandoon si Heechul. Nagliligpit ng mga pinagkainan.

Tumakbo ako at yumakap sa kaniya.

"Shhh, Baek." Tangi niyang nasabi. Wala akong ibang nagawa kundi ang naiyak.

Pakiramdam ko ay buong oras na kasama ko si Chanyeol ay pinipigil ko ang aking paghinga.

"B-Baek, aalis na nga pala ako. Dadalhin na ako ng asawa ko sa U.S. We are staying there for good. Ibebenta na namin ang bahay sa tabi."
Kumalas ako sa yakap kay Heechul.

Ganito na nga ang sitwasyon ko pagkatapos ay aalis pa siya. Tumango na lang ako sa huli.

"Kelan ang flight mo?"

"Mamayang gabi. I-Im sorry to leave you ngayon, pero kasi namimiss ko rin ang asawa ko. Tapos na din kasi ang termino niya dito." Tumango ako at lumabi. Ginulo niya ang buhok ko.

"Huwag kang pa-aapi!"

I woke up next morning, nagkakagulo sa labas.

Ang bahay ni Heechul ay may malaking karatula na nagsasabi na ibinebenta na ang lupain na ito.

Nagkakagulo ang ilang mga babae na ang palagay ko ay nagmula pa sa bayan.

"Alam mo ba ang tsismis? Ang lalaki daw na nakabili ng bahay na iyan ay iyong nasa billboard."

"Talaga ba? Single pa naman iyon diba? Crush na crush ko nga iyon!"

By that, kilala ko na kung sino. Napairap na lang ako sa usapan ng mga kababaihan.

Humalo ako sa mga tao hanggang makarating sa unahan.

There is Park Chanyeol wearing gray track pants at muscle tee. Pawis ito at tila kagagaling lang mula sa isang jogging.

Sa inis ay nilapitan ko siya, dinig ko ang malalakas na pagsinghap ng mga tsismosang kapitbahay.

"Ikaw daw ang nakabili nito? Paano?" Pinanlakihan ko siya agad ng mata.

"I have my connections." Anito at kumindat, akmang papasok na sa loob nang hawakan ko ang braso. "Let's not talk here. Doon tayo sa loob." Iginiya niya ako papasok.

"Hindi ka namin pwedeng maging kapitbahay. Umalis ka." Malakas at malalim na halakhak ang pinakawalan niya bago padabog na binitiwan ang kaniyang water bottle sa tiles ng teresa. Umatras ako nang dahan dahan siyang lumapit.

I realized it was dead end nang tumama ang aking likod sa malamig na pader.

"If you can do what you want, dapat ako rin. Hindi mo ako basta basta mapaaalis sa buhay mo, Baek." Uminit ang pisngi ko, tinulak ko siya at mabilis na lumipat ng pwesto.

"But how about Nana? Your child?" Umubo ako ng peke at hinawakan ang dibdib ko, sinusubukan itong kalmahin. "Ayokong makita ng mga bata na masaya ka sa iba mong pamilya. Baka nalilimutan mo, iyon ang dahilan ng pag alis ko."

"Nana has a mental problem, okay!? Iniwan siya ng lalaking pakakasalan niya, hindi ko anak iyon! She has no friends, ako lang ang mayroon siya. Sana maintindihan mo." Nagtubig muli ang mga mata ko. Hindi ko alam kung nagagalak sa balitang narinig o na-pupoot dahil sa paninigaw niya sa akin.

"S-Sorry, Baek. Hindi ko lang napigilan. Her situation gets worse day by day."

"Wala akong pakielam kay Nana!" Sigaw ko. "At ako?! Hindi ba ako mahalaga?! Kami ng mga bata? Kami ng mga anak mo?"

"The baby died, Baekhyun. Nana attempted to kill herself nang minsang maligo siya sa banyo, she tried to drink chlorine." Bulong nito sa akin.
"Baby, please. Calm down, hindi natin ito maaayos ng ganito." Dagdag niya pa.

"Hindi mo nakukuha ang punto ko! Sinong nasa tabi ko noong mga panahon na nagbubuntis ako? Wala diba?" Kaya pala ngayon niya lang ako nahanap. Hindi niya kami priority ng mga bata. He was too focused on pampering Nana. Ang baliw na iyon!

Selfish na kung selfish pero bakit siya pa? Wala bang ibang kamag anak si Nana? Bakit kailangan ang asawa ko pa? Bwiset na buhay to! Hindi na naayos!

---

Comment down your feedbacksss❤❤❤❤

-dyoderou

THE POWER COUPLE (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon