Chapter 16

858 34 13
                                    

Baekhyun's PoV.

"T-Tigilan mo nga 'yan." Naalimpungatan ako nang pinupunasan ako ni Luhan ng basang bimpo.

"Jusme! Buti na lang at nagising ka na agad! Dadalhin ka na namin sa hospital!" Umupo ako ng dahan dahan sa kama at inagaw kay Luhan ang bimpo.

"Ayos lang ako. I need to go home." Ipinatong ko sa tabi ng planggana ang bimpo.

"You're staying here. Tinawagan ko na ang mga anak mo. It was answered by Heechul ba iyon? Siya daw muna ang bahala sa mga bata. Hindi ko sinabi ang nangyari sa iyo at baka mag alala." Heechul? Nasa abroad si Heechul ha?

Kinuha ko an cellphone sa bulsa. I saw missed calls and text from Heechul, saying that he is going home.

Minsan ko nga pala na nabanggit na uuwi na kami ng Maynila sa isa naming pag uusap. He even asked for my address na ibinigay ko naman. Hindi ko lang inexpect na babalik siya ng ganito ka aga.

"Please naman, Baekhyun. It is safer kung dito ka muna. Malakas ang ulan, hindi kita pababayaan na umalis." Nakita ko nga sa sliding window ang malalaking patak ng ulan but this is Taguig. Sigurado akong makauuwi ako ng ligtas.

Ganoon pa man ay tama si Luhan mas mabuti kung dito na lang ako at umuwi na lang pagtila ng ulan.

Tumawag ako sa mga anak ko afterwards I went to take a shower. Napaatras ako nang makita si Chanyeol sa labas ng banyo.

"Hapunan na. Kumain na tayo." Umiwas siya ng tingin at naunang maglakad sa akin.

"My clothes looks good on you, Baek." Umirap ako kay Luhan. He is already forty but still wear these kind of clothes!

Isang above the knee shorts at oversized tee and ipinahiram nito sa akin, sa laki nito ay nagmumukhang wala akong suot sa ilalim kaya napilitan ako na i-tuck in sa gilid.

"Nga pala Chanyeol, kelan ang shoot ko para sa advertisement ng produkto niyo?" It was Sehun talking. Nagmula ito sa dirty kitchen at may dalang isang wine at apat na baso. Produkto? Anong produkto?

"Pwe!" Nai-luwa ko agad ang gulay na nasa bibig ko. Ano ba ito? Okra? Ang weird ng lasa! Ang dulas sa bibig! "Huwag niyo akong pansinin, may kung ano lang ako na nakain." I continued listening to their conversation habang masusing pinipili ang mga gulay sa pagkain.

"What's that smell?" Ang baho! I tried searching for it pero hindi ko talaga mahanap kung saan nagmumula ang mabahong amoy.

"Anong problema mo, Luhan?" He's looking at me suspiciously. Umiling na lang ako at ipinagpatuloy ang pagkain.

Sumuko rin ako sa huli dahil sa inis sa pagkain. Ibinaba ko ng malakas ang kutsara at tinidor.

"Ang laki ng problema mo." Ani sa akin ni Chanyeol at kumuha ng karne at inilagay iyon sa plato ko. "Kung ayaw mo ng gulay mag-karne ka. Pinili mo ng pinili tapos hindi mo kakainin." I don't care! Nakaka-bwiset ka! Para kang si Papa noong nabubuhay pa!

Tuloy-tuloy akong sumubo at uminom ng tubig. Uubusin ko ng mabilis ang pagkain ko para makatulog na.

"Buntis ka ba?" Luhan said breaking the silence.

Hindi ako nakasagot agad. Gaano ka tagal na ba magmula nang ginagawa namin iyon? Ilang beses na ba namin ginawa iyon?

Hindi iyon malabong mangyari but—me? pregnant? again?

"B-Baliw! Stress lang ito!" Uminom ako ng tubig at tumayo. Nakatitig lang sila sa akin. Like I did something wrong. "Tapos na ako kumain! Saan ba ang kwarto ko? Ah, itatanong ko na lang sa maids!" Tumakbo ako palabas ng bahay hanggang sa teresa.

Napahawak ako sa tiyan ko. I know that babies are blessing pero kung sakali at buntis nga ako. Wrong timing naman!

Hindi pa ako nakakaahon sa mga issues at problema sa buhay!

"Take a test tomorrow and immediately tell me if it is positive." Nakahilig si Chanyeol sa hamba ng pinto at nakatingin sa akin.

"Hindi nga ako buntis! This is just stress! Kaya nagiging sensitive ako! Huwag mo gawin na big deal, okay?" Umupo ako sa swing doon at dahan dahan na inugoy ang sarili.

Hindi pa ba siya aalis sa pinto? Malamig kaya at ang lakas pa ng ihip ng hangin.

"Kahit na, subukan mo parin kumuha ng test. At kung buntis ka, susubukan ko na gumawa ng paraan para maayos natin ito."

Napa-ismid ako sa inis. Akala niya ba ganoon lang iyon? Pupulutin niya ako sa tuwing gusto niya?

"Ayoko na, Chanyeol. Hindi pa ba sapat na ginawa mo akong parausan? Ano ngayon kung buntis nga ako? Hindi naman ito ang first time mo na maging ama. Isa pa, kaya ko siyang buhayin kasama ang mga kapatid niya."

"Fuck! Do you think I want this? Sa tingin mo ba gusto ko na mawalay sa inyo? Kung naiintindihan mo lang, Baekhyun! Kaso hindi!" He said in gritted teeth at tila frustated sa sarili.

"I'm tired of dramas, Park. Sumama ka kay Nana kung gusto mo." Tumayo ako sa swing at naglakad palayo. Pagpasok ko ng bahay ay lumapit ang isang maid upang ibigay sa akin ang susi.

Umupo ako sa kama at kusa na tumulo ang luha sa aking pisngi. Maybe because of the stress.

I received a text from Park Chanyeol, ayoko pa sana na basahin iyon pero naisip ko nabubuksan ko din naman ang aking cellphone at mababasa ko din naman iyon.

Baby, Im so sorry.

Hayaan mo muna akong ayusin ang lahat. Hindi ko pa masasabi sayo ngayon, we are expecting a baby at ayokong makadagdag pa sa problema mo.

Take a good care of yourself habang hindi ko pa kayang gawin iyon para sayo. I'm sorry for being a bastard, for saying that I don't love you anymore.

I love you so much, Park Baekhyun.

Ibinaba ko ang cellphone at lumabas ng kwarto.

"Luhan! Si Chanyeol!?" Hindi ito sumasagot kaya ako na mismo ang naghanap sa kaniya sa paligid ng bahay..

"Umalis siya, Baek. Sumugod sa ulan. May kailangan daw siyang asikasuhin. ASAP."

------

10 comments for the Epilouge. Sabaw na sabaw ito. Babawian ko na lang kayo.😂😂😂 Lovelotttsss

-dyoderou

THE POWER COUPLE (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon