This is the end guysssss finally!!! Tapos na din siya. Masisimulan ko na ang other drafts ko.
Point of view ito ni Chanyeol since Book 1 though some parts lang pero I made sure na na-explain ko ng ayos sa inyo. Feel free to leave comments :)
-dyoderou
-----
Park Chanyeol's PoV
I was on my way to home when I received an international call.
"Who's this?" I asked.
"Chanyeol, si Nana ito. Tulungan mo ako. I'm pregnant at wala na ang tatay ng anak ko. Sana matulungan mo ako." Sunod-sunod na paghikbi ang kasunod niyon. "Ikaw na lang ang mayroon ako." Hindi ko alam kung bakit but I pictured Baekhyun on the same situation. Buntis ito at walang nag aalaga.
"Kakausapin ko ang sekretarya ko mamaya. Tatanungin ka niya ng mga detalye. I'll help you, okay?" She thanked me before I cut off the call.
My grip on the steering wheel tightened. I'll never do that to him.
I gave him his freedom. Pinayagan ko siyang umalis dahil natatakot ako na
baka pag nasakal siya sa akin ay isipin niyang hindi niya pala ako mahal. Pero hindi ko siya maaring pabayaan, I used my men to watch over him hanggang sa hindi ko rin napigil ang sarili ko at pinauwi ko din siya.I went abroad to help Nana and lied to Baekhyun. I felt guilty of it. Sinabi ko sa kaniya na business trip pero naroon ako para tumulong sa aking ex.
Araw pa lang ang lumilipas but here I am parang baliw at walang ibang iniisip kundi siya. This is bad, look what you've done to me baby.
I admit that I am at fault nang hindi ko linawin kay Baekhyun ang mga tunay na nangyari sa video call namin na iyon. Pag uwi ko ay wala na siya sa silyang palagi niyang inuupuan. Hindi ako mapalagay that's why I asked for Sehun's help pero kahit daw si Luhan ay walang ka alam alam dito.
"Kasalanan mo ito, Chanyeol! Kung hindi ka ba naman pabayang asawa edi sana andito lang si Baekhyun!"
Sinenyasan ako ni Sehun na lumayo na sa kaniyang asawa.
I received a call from my secretary. Si Nana raw ay isinugod sa ospital ng mga kasambahay.
Nahati ako sa pagitang ng paghahanap kay Baekhyun at pagpunta kay Nana.
Ginugol ko ang oras ko kay Nana dahil ayon sa doktor ay lumalala na daw ang kondisyon ng pag iisip nito at tama naman iyon. She is depressed at sinubukan patayin ang baby sa sinapupunan niya. Again, I pictured Baekhyun on the same situation so I started searching for him again. Nagdagdag ako ng mga tao.
At dahil na rin sa pagtuloy na paglaki ng kompanya nakarating ako sa kung saan saang lugar but there was no trace Baekhyun not until I heard from my private investigator.
"Saan ka pupunta, Chanyeol?" It was Nana. Pulang pula ang mga mata nito at bakat na bakat ang mga buto sa pisngi. Mukhang wala itong tulog.
Lumapit ito at nanginginig na hinawakan ang mga braso ko. "H-Huwag mo na hanapin si Baekhyun! Hindi ka na niya mahal! Ako yung nandito! Bakit pilit mong hinahanap ang taong ayaw magpakita sa yo!" Sa sobrang galit niya ay nakalmot niya ako sa braso.
"P-Pag tumuloy ka sa pag alis!" Umikot ang paningin nito sa paligid at mabilis na hinablot ang vase sa tabi. "Sasaktan ko ang sarili ko, Chanyeol!"
Dahan dahan akong lumapit at inalis ang vase sa pagkakahawak niya. Sinenyasan ko ang mga kasambahay na lumapit sa amin. "I'm going to work. Go to your room and rest." I lied.
Hindi ko alam kung sa paanong paraan at nalaman niya na hinanap ko si Baekhyun. Pag uwi ko ay galit na galit ito sa akin.
"Sinungaling! Wala ka talagang pakielam sa akin! Gusto mo na patayin ko na ang sarili ko diba? Ibibigay ko ang gusto mo Chanyeol!"
Niyakap ko siya ng mahigpit. Nahanap ko na si Baekhyun at masisimulan ko na ulit ayusin ang nasira naming pamilya.
Lumapit sa akin ang aming family doctor pagkatapos ng check up kay Nana. Mas lumalala na raw ang kaso nito. It is best if we put her on a mental institution pero sinabi niya rin na kailangan ni Nana ang pag aaruga at pagmamahal.
Things wasn't easy for me. Ang pag aaway ni Baekhyun at Nana pati na rin ang pagratrabaho ko sa Maynila pero hindi ako sumuko.
Mahal na mahal ko si Baekhyun at hindi ako mapapagod na ipakita iyon sa kaniya.
Iginarahe ko ang kotse sa tabi. I picked up the flowers that I bought earlier pati na rin ang isang paper bag na naglalaman ng tsokolate.
Umamoy ang ulam na niluluto pagpasok ko. Niyakap ako ng mga anak ko at pagpasok ko sa kusina ay naroon si Baekhyun.
"Andito ka na pala. Magbihis ka na at nang makakain na tayo." My eyes travelled from his face to his exposed legs. I groaned.
Niyakap ko siya ng mahigpit. "Why are you wearing my shirt, huh? Inaakit mo ba ako?" Diretso kong tanong.
Marahan niya akong itinulak palayo. Tumungo ito at pilit itinatago ang ngiti.
"Baka makita tayo ng mga bata!" Suway nito sabay kagat ng labi.
"Wala naman akong sinabi."
Pagkatapos ng hapunan ay nauna na akong pumasok sa kuwarto upang tapusin ang mga nabitin na trabaho. It is past 9 o 'clock nang makabalik si Baekhyun.
Isinarado ko ang laptop at humiga na. I was about to close my eyes and sleep we he talked.
"Chanyeol." Bulong nito. "Gising ka pa?"
"Hmm?" Mas hinigpitan ko ang yakap sa beywang niya at isiniksik ang sarili ko sa kaniya.
"Anong nangyari nung dinala mo si Nana?" Nahihiya itong yumuko at nilaro ang mga daliri. "Ang ibig kong sabihin, diba dinala mo na siya sa mental hospital."
"I wasn't there. Mga kasambahay lang ang naroon, ang sabi ay naging maayos naman."
Saglit kaming nagkatitigan ni Baekhyun. Nag iwas ito ng tingin at pumwesto na ng pagtulog.
"Baekhyun." I called.
Paglingo niya ay kinabig ko siya palapit sa akin. Hinalikan ko siya sa noo at kinuha ang nakatagong sing sing sa ilalim ng unan.
Iniangat ko ang kamay niya at mabilis na ipinadulas doon ang sing sing.
"Marry me, again. This time let's make it last....forever." There were tears on his cheeks before nodding.
"Yes, Chanyeol. Pakakasal ako ulit sa yo."
------
Sorry dahil medyo natagalan. Medyo madami din kasi akong inaasikaso at hindi pa ako nakaka enroll HAHAHA. Pasensya na kung bitin o feeling niyo ay hindi ito sapat pero buong puso ko siyang itinype.❤
Beautiful Nightmare (KaiSoo) will be updated soon! Sana subaybayan niyo din❤❤
-dyoderou
BINABASA MO ANG
THE POWER COUPLE (BOOK2)
FanfictionChanyeol finds his long lost husband. Park Baekhyun -dyoderou