Ito na ang araw! birthday na ni Gaby ngayon maaga akong gumising para tumulong pansamantala sa mga preparations sa birthday ni Gaby..
"Lucky!"
"Oh Gem! nandito ka?"
"Oo tutulong din ako!"
"Mabuti naman! sige Tara! umpisahan na natin!"
Tumulong si Gem sa paghahanda ng mga kaylangan pa at..
"Wohh! tapos na!"
"Oo nga! Salamat Gem ha!?"
"Walang anuman!"
"Salamat Gem talaga ha!?"
"Para saan naman?"
"Sa lahat! sa lahat lahat ng ginagawa mo para sa akin! lagi kang nandyan para sa akin,handang dumamay lalo na kapag kaylangang kailangan kita"
"Ang drama mo ha! anong meron?"
"Wala lang! ^_^ ayaw mo?"
"Hindi naman sa ganun pero kasi sa mga sinasabi mo parang may kakaiba"
"Tss.. kung ano-anong pinagsasabi mo!"
Tapos na ang lahat at malapit na ang takdang oras,kasama ko na si Gaby ngayon at kunyare ay bibili kami ng cake para sa simple celebration nya..
"Gaby! anong gusto mong flavor?"
"Kahit ano!"
"Gaby! ganun parin ba ang favorite flavor mo?"
"Basta bahala ka! bilisan mo na! gusto ko na kasing umuwi"
"Sige kukunin ko na yung favorite flavor mo dati ha?!"
"Bahala ka nga.!!"
Binili ko na yung cake at umalis na kami agad dahil kaya namang lakarin,nilakad nalang namin pauwi..habang papauwi kami sa kanila medyo awkward at ang tahimik masyado kaya nagstart akong magsalita..
"Gaby.."
Hindi sya nagsalita..
"Gaby!"
"Oh?!"
"Mahal mo ba talaga si Mae?"
"Ano bang klaseng tanong yan?"
"Ayoko sanang sabihin pero paano kapag nalaman mong hindi ka nya mahal?"
"Ano bang pinagsasabi mo!?"
"Paano kapag nalaman mong ginagamit ka lang nya?"
"Sinisiraan mo ba sya sa akin Lucky!?"
"Hindi sa ganun pero si Mae,ginagamit ka lang nya para magkabalikan sila ni Dice"
'Ano bayan hindi ko na napigilang sabihin'
"Please wag ngayon Lucky! mag-aaway nanaman ba tayo!?
"Totoo ang sinasabi ko! hindi ka talaga nya mahal"
"Tumahimik ka! nawala na si Mama dati ng dahil sayo! hindi ko na hahayaan na mawala nanaman ang isang pang mahalagang babae sa buhay ko ng dahil sayo!"
"Sorry Gaby..sorry talaga,buong buhay ko na hiniling na sana ako nalang ang nawala at hindi si Tita"
"Sana nga! sana ikaw nalang! Sana ikaw nalang ang nawala at hindi si Mama!"
BINABASA MO ANG
MY UNLUCKY GIRL [COMPLETED]
Teen FictionA story of an unlucky girl,who becomes lucky when she found her true love..,magiging maayos kaya ang lovelife mo kung puro kamalasan ang nangyayari sayo?lalo na kung inlove ka sa bbf mo o boy bestfriend mo.Swertehin ka na kaya sa pagkakataong to!?. ...