Unlucky 5: Masaya na Hindi?

514 17 0
                                    

Gaby's POV

Kringgg!! (bell rings)

Naalimpungatan ako nang tumunog yung bell ng school,isang oras na pala akong natutulog at uwian na rin pala 'mukhang uulan pa yata ha'

Napansin kong makulimlim kaya tinignan ko kung may dala akong payong at..swerte meron nga! at sakto agad namang bumuhos ang ulan,kaya nagpayong na agad ako at umalis.

Habang naglalakad papalabas ng school ay nakita ko si Lucky na basang-basa sa ulan habang naglalakad 'tss tong babaeng to talaga hindi nanatuto lagi nalang kinakalimutan yung payong nya!' 

Naawa naman ako kaya agad ko syang pinayungan,baka kasi magkasakit to at ako pa ang masisi.

Habang pinapayungan ko sya nakita kong nakatitig sya sa akin kaya nagsalita ako para malipat ang atensyon nya,

'naaalibadbaran na kasi ako'

"Anong tinitingin tingin mo dyan? Tara na at baka lumakas pa tong ulan"

Pero nagulat ako nang hindi nya alisin ang pagkakatitig niya sa akin walang patid niya akong tinitigan,nakita ko na parang ang lungkot lungkot nya kitang kita iyon sa kanyang mga mata 

'bakit kaya? ano kayang problema nitong babaeng to?' 

Nakita kong parang papaiyak na siya pero nagdadalawang isip ako na baka dahil lang yun sa ulan,bigla siyang tumakbo..at wala akong balak na habulin pa sya.

"Tignan mo tong babaeng to siya na nga tong pinapayungan,siya pa tong nag-iinarte! bahala ka nga dyang mabasa ng ulan!">_< sabi ko sa sarili ko.

Hindi ko na inabala ang sarili ko kakaalala pa sa kanya at umuwi nalang ako ng maayos..

Lucky's POV

Dumating ako sa bahay na basang basa 'sana wala si mama sa bahay dahil panigurado ay sisermonan nanaman nya ako' agad na akong kumatok sa gate ng bahay namin,nakita kong lumabas si manang Celia ng bahay.

Si manang Celia ang kasambahay namin bata palang ako ay nandito na sya,si papa daw ang naghire sa kanya.

"Oh Lucky bakit ka nagpabasa sa ulan?" sabi ni manang

"Ah kasi po nakalimutan ko po ang payong ko" matamlay kong sagot.

"Ganun ba,o sya! tara na't pumasok ka na at magpatuyo agad,baka magkasakit ka nyan!"

"Opo.."

Agad akong binigyan ni manang ng tuwalya,at umakyat na ako sa kwarto ko para magpatuyo,pagkatapos kong magpalit ay humiga muna ako at saglit na nagpahinga nang biglang may kumatok.

Tok! tok! tok!

"Bukas po yan,tuloy po"

"Lucky ito oh may dala akong mainit init pang sopas para sayo,kainin mo na para mainitan yang sikmura mo" sabi ni manang Celia

MY UNLUCKY GIRL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon