Unlucky 3: Happiness and Sadness

639 15 0
                                    

Gaby's POV

Nandito ako ngayon sa garden mag-isang kumakain ayaw ko kasing kasabay yung babaeng yun na napakakulit,nakakainis sya! bakit ako naiinis sa kanya? wala lang gusto ko eh. Pero ang totoo ay may malalim pang dahilan kung bakit galit at naiinis ako sa kanya..gusto nyong malaman? wag na! ayoko ng ikwento pa dahil ayoko ng maalala pa.

Hindi ako pumasok sa next subject namin nakakatamad kasi eh at isa pa ayokong katabi yung babaeng yun mangungulit na naman yun maya-maya pa ay may biglang dumating.

"Hi! nag-skip class ka din ba?"

Si Mae! sino si Mae sa sa buhay ko?si Mae ang babaeng gusto ko mula pa noong first year kami,maganda kasi siya at napaka-sophisticated.Lagi ko siyang sinusundan ng tingin at sinusundan ko rin siyang sinusundan noon pa,para na nga akong stalker,pero hindi niya ako napapansin dahil madami ang nagkakagusto sa kanya na mas lamang sa akin.

"Ah hello?"sabay kaway kaway ng kanyang kamay sa harap ng mukha ko.

"Ah sorry,ano yun?"

"Sabi ko nag-skip class ka din ba?" tanong niya ulit

"Ahh oo nakakatamad kasi eh"

"Pareho pala tayo tinatamad din ako sa next subject natin"sabi niya sabay upo sa tabi ko.

"Ahehe siguro nga" ang ganda nya talaga lalo na pag malapitan

"Ahmm...you are Gaby right?"

"Kilala mo ako?"

"Oo kinikwento ka sa akin ng mga friends ko at nakikita din kita paminsan-minsan"

"Ganun ba? ano naman ang sinasabi ng mga kaibigan mo tungkol sa akin?"

"Na gwapo ka raw at napaka-gentleman"

"TALAGA!!!? ang ibig kong sabihin talaga sabi nila yun?"

"Oo,may girlfriend ka na ba?"

Wala,wala akong girlfriend gusto mo akaw nalang?

"Ah eh wala..eh ikaw may boyfriend ka na ba?" sana wala,san wala!

"Ako? wala,gusto mo ikaw nalang? gusto ko kasi yung tipong katulad mo"

"Ahehehe" natawa ako sa sinabi sobra kasi akong natutuwa sa nangyayari ngayon grabe! para akong nasa langit ang sarap ng pakiramdam na gusto ka rin ng taong mahal mo ang saya ng araw na to.

Gem's POV

Nasaan na kaya si Lucky? kanina napapansin kong parang hindi siya mapakali,tapos nagpaalam siyang magbabanyo lang siya pero hanggang ngayon hindi pa siya bumabalik nasaan na kaya siya nagpunta?

"Uy Gem bakit kanina ka pa palinga-linga dyan ha? may problema ba? "pabulong na sabi ni Kaye sa akin,may nagtuturong guro kasi.

MY UNLUCKY GIRL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon