Unlucky 29: The Revelation

530 39 0
                                    

(Mrs. Unice Yllana'sPOV)

Pilit kong itinago ang katotohanan kay Lucky para hindi sya masakatan, pero sadya talaga yatang walang lihim na hindi nabubunyag..

"Lucky anak..."

"Ma! ano po ba ang totoo?!"

"Sasabihin ko na sayo ang totoo Lucky anak,pero maupo muna tayo"

Umupo muna kami sa sofa at doon ko na ikinuwento ang lahat..

(Flashback)

Nasa bahay ako noon at biglang dumating si Leonardo na ama ni Lucky na may kasamang isang babae at isang batang babae na sa palagay ko ay kasing edad lang ni Lucky pero mas matanda si Lucky ng isang gulang..

"Sino sya Leonardo?"

"Siya si Margarita at ito si Mae ang..ang anak namin"

"Anak nyo!? nahihibang ka na ba sa sinasabi mo Leonardo!? paano mo magiging anak yan!?"

"Patawarin mo ako Unice pero nagkasala ako sayo"

"Nagkasala!?"

"Oo nagtatatrabaho ako sa papa nya at isang Gabi noong galing kami sa celebration ng company ng papa nya,hindi inaasahan ay may nangayari sa amin at si Mae ang naging bunga"

"Walang hiya ka! anong gusto mong mangyari!? dalawa kaming maging asawa mo!? legal tayong kasal Leonardo! at kung tutuusin walang karapatan yang mag-inang yan!"

"Sumusobra ka na ha!"

"Tumahimik ka! mamili ka Leonardo! sila! o kami ng legal mong Anak na si Lucky!?"

Tinignan nya kaming dalawa at..

"Patawarin mo ako Unice,pero kaya kami nandito ay para pakiusapan ka na sana maayos natin ito kasi gusto ng Papa ni Margarita na may tumayong ama kay Mae kahit anong mangayari at naiipit ako dito"

"So anong sinasabi mo? na pinipili mo sila kaysa sa amin!?"

"Pansamatala lang naman to Unice"

"Pansamantala?! kaya sana kitang patawarin sa pagtataksil  na ginawa mo sa akin at sa anak mo! pero ang hindi ko mapapatawad ay ang mas pinili mo yang kabit mo! at bastarda mong anak kaysa sa amin!"

"Unice!"

"Ito ang tatandaan mo Leonardo! simula sa araw na to! hinding hindi ko na papayagang makita mo si Lucky! at hindi ko na hahayaang makita mo pa kami!"

"Unice! wag mo namang gawin to! pakiusap!"

"Walang kapatawaran ang ginawa mo! kaya simula ngayon! ituturing ka na naming patay!"

"Unice! makinig ka muna please!"

"Lumbas na kayo!!"

Ipinagtulakan ko sila sa labas at isinara ang pintuan.. 'walakangkwentaLeonardo! mas pinilimopa sila kaysasaamin! hayop ka!' kinabukasan agad kaming nag-empake ni Lucky at kaagad na umalis at lumipat sa ibang bahay na malayong-malayo sa dati naming tinitirahan,nagpakalayu-layo na kami at hindi na muli pang nagpakita kay Leonardo.

Palaging itinatanong ni Lucky kung nasaan ang papa nya kaya ang sinabi ko nalang sya namatay na sya dahil parang ganun din naman yun hindi nagtagal ay natigil na sya sa pangungulit hanggang sa dumating ang araw na ito,ang araw na ikinatatakot ko at yun ay ang malaman na ni Lucky yung totoo

MY UNLUCKY GIRL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon