Unlucky 16: LUCKY charm

402 15 0
                                    

(Gem's POV

Nasa bahay ako ngayon ni Lucky actually 'kami' pala bigla kasing nagbago ang isip nitong si Gaby 'sabi ko na nga ba eh! hindi nya kayang tiisin na may ibang makakasamang lalaki si Lucky sa bahay nila,tama ako *evil laughed*' kasalukuyan kaming nag-aaral ng mga namiss naming subjects, masyadong madami kaya medyo mahihirapan si Lucky nito..

"Lucky ihuli natin ang geometry, ang hirap kasi nun eh!"

"Tsss.. anong gusto mong unahin? Filipino!? nakakabagot kaya yun! -_-"

"Teka! para mas maayos tayong makapagsimula,wag muna kayong magtalo pwede!? ang mabuti pa sundin nalang natin yung mga schedule ng bawat subject,ano? ok ba sa inyo yun?"

"Ok na ok sa akin yun! ^_^"

"Ayos lang"

"Kung ganon simulan na natin! :)"

Sinimulan nang ituro ni Lucky ang lahat ng lesson sa lahat ng subjects na namiss namin 'ang hirap palang intindihin ng mga 'to sobrang dami,tapos kakaunti lang ang oras namin' mayamaya pa ay lumubog na ang araw at hudyat na yun para umuwi kami ni.. 'teka nasaan si Gaby?, ay ayun pala tulog!? 0_0'

"Nakatulog na pala si Gaby"

"Oo nga eh! hindi manlang ako makakapagpaalam"

"Mukhang ganun na nga.."

"Ok lang! sige Lucky mauna na ako!"

"Tara ihahatid kita sa labas"

"Sige! :)"

Inihatid na ako ni Lucky Lucky sa gate nila...

"Bye Gem! mag-iingat ka! ^_^"

"Oo sige! basta bukas ha!? agahan mo!?"

"Oo na!"

"Salamat Lucky!"

Sabi ko sabay yakap kay Lucky 'alam ko na hindi totoong natutulog si Gaby, napakaimposible na nakatulog sya,dahil binabantayan nya lang kami ni Lucky,in short nagtutulog-tulugan lang sya tignan natin kung hanggang saan ang itatagal nyang pagkukunwari mo Gaby,hindi ka pwedeng magkunwari nalang habangbuhay' Bumitaw na ako sa pagkakayakap ko kay Lucky

"Sige Lucky aalis na ako! :) bukas ha!?"

"Oo! maiingat ka sa pag-uwi!"

Umalis na ako at nagpaalam 'unti-unti nang nangyayari ang mga gusto kong mangyari,hindi magtatagal at makukuha na ni Lucky ang inaasam nyang kaligayahan,sabi ko nga basta makita ko lang syang masaya ayos na kaya wag kang mag-alala Lucky malapit ka nang sumaya'

MY UNLUCKY GIRL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon