I'll Court You

284 5 0
                                    

​"Nakita ko na uli siya " ani Kenneth sa kaibigang si Jeremy. Naroon siya sa bar na pag –aari nito. Nakasanayan na nilang magkaibigan na mag-inuman ng kaunti every Friday para mag-tanggal ng stress sa buong linggong pagtratrabaho at sa tuwina ay dun sa bar nito sila nagkikita.

​"Sino?"

​"Zia"

​"Zia? As in si Zia nung highschool tayo. Ang first and only love mo?" pang-aasar nito.
​"'Lol!, but yes the one and only"

​"And...."

​"Ganun pa din, the feeling is still there.. mas tumindi pa nga yata ngayong nagkita kami uli."

​"Pa'no kayo nagkita?"

​"Siya ang bumili ng lupa ni Tito Henry"

​"Nakabakasyon lang siya?"

​"I don't know, hindi ko na naitanong kanina"

​"Anong plano mo ngayon?"

​" I'll make sure not to let her slip away this time. Inalagaan ko ang nararamdaman ko for thirteen years. Naisip ko na ring I might be a fool for doing so. Pero anong magagawa ko kung ayaw tumibok ng puso ko sa iba. Sa loob ng labing-tatlong taon, umasa akong magkikita kami uli kahit walang kasiguruhan. Ngayong nakita ko uli siya, gago na lang ako kung pakakawalan ko pa siya." Seryosong turan niya sa kaibigan.

​"Naks tol, may itinatatago ka din palang ka-dramahan sa katawan. The high and mighty Atty. Montero, foolishly in-love" nakakalokong turan ni Jeremy sa kaibigan, pero sa loob-loob niya, sana nga ay magkaroon na din ng katuparan ang nararamdaman nito. Pinilit niyang maging normal ang kaibigan niya sa nakalipas na mga taon. Kung sinu-sino ang ipinakilala niya dito pero wala itong sineryoso sa mga ito. Iniisip na nga niyang nasisiraan na ito para patuloy na mahalin ang taong matagal ng wala. Now, he is hoping for the best para sa kaibigan niya.

Maagang dumating kinaumagahan ang binata sa bahay ni Zia upang samahan siya sa pamimili.

​"Mabuti di ka nahirapang tuntunin tong sa amin"

​"Madali lang naman hanapin tong subdivision niyo", anang binata sabay abot ng dalang bulaklak para sa dalaga.

​"Thanks. Let's go?"

​Inalalayan na nitong makasakay si Zia sa sasakyan niya. Kumain muna sila ng almusal bago namili ng mga bagong furniture at appliances para sa bahay ng dalaga. Hindi na sumama ang kaibigan nito sa kanila. Maghapong magkasama ang dalawa sa pamimili at tinulungan na rin nito ang dalaga sa pag-aayos sa mga gamit sa bahay nito. They had dinner afterwards.

​"Thank you for your help Kenneth, nakakahiya naman sa iyo, naabala ka na maghapon" ani Zia nang ihatid na nito sa gate si Kenneth pagkatapos siya nitong ihatid sa bahay niya pagkatapos nilang maghapunan.

​"It's my pleasure Zia. May gagawin ka ba bukas?"

​"Wala naman, bakit?"

​"Yayayain sana kitang magsimba."

​"Oh, hindi ba magagalit ang girlfriend mo sa yo kung hindi siya ang kasama mong magsimba bukas?" namumulang turan ng dalaga. Ang totoo gustung-gusto niyang malaman kung may asawa na ito o girlfriend, kaya lang ay hindi niya alam kung paano itatanong.

​Napangiti naman si Kenneth sa tinuran nito, obvious na gusto nitong malaman kung committed na siya pero halatang nahihiya ito. Alam na niyang dalaga pa ito at walang boyfriend. Kinapalan na niya ang mukha at tinawagan si Atty. Domingo kahapon para magtanong ng tungkol sa dalaga. The old man was very accommodating, nalaman niyang anak pala nito si Leah, ang kaibigan ni Zia.

"I'm not married Zia, and I am not currently committed to anyone, so you don't have to worry na baka may magalit sa 'yo pag magkasama tayo." Aniyang matamang nakatingin sa dalaga.

The First Time I Saw YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon