Hello....goodbye

764 12 0
                                    

Candelaria Zambales, February 2001

​          Nakaupo si Zia sa isa sa mga benches na nagkalat sa paligid ng retreat center na iyon. Kadarating pa lamang ng klase nila at inaayos ng adviser nila ang accommodation ng klase nila. Sa pagkakaaalam niya ay may makakasabay silang dalawa pang school na gagamit sa facility ng center na iyon. Huling buwan na bago graduation at iyon na rin ang huling activity ng klase nila. Ilang lingo na lang at tutulak na din siya patungong Amerika upang sumunod sa mga magulang niya doon. Nalulungkot man siyang iwan ang mga kaibigan ay kailangan niyang umalis upang ipagpatuloy ang pag-aaral sa naturang bansa.
​         
          Napukaw ang pag-iisip ni Zia nang dumating ang isang bus na may tatak ng St. Michaels Academy. Marahil ay ito na ang isa sa mga school na makakasama nila sa center.  Tamang tama namang tinatawag na sila ng adviser nila para magtungo sa building na ookupahin nila. Tumayo na siya sa kinauupuan bago pa man pumarada ang bus.

​          Nakatingin si Kenneth sa labas ng bintana ng bus habang papasok ito sa retreat center kung saan gaganapin ang huling retreat nila bago sumapit ang graduation. Napasimangot siya nang mapansing napakatahimik ng lugar. Maliban pa dun, ipinagbawal sa kanila ang magdala ng kahit na anong gadget maliban sa camera para daw may alaala sila sa lugar na pinuntahan nila.

          "Here comes one boring week" anito sabay buntong hininga. Noon niya napansin ang babaeng nakaupo sa bench malapit sa parking lot kung saan kasalukuyang nagpapark ang bus na sinasakyan nila. Nakatagilid ang babae at natatakpan ang mukha nito ng mahaba at itim na itim nitong buhok. Her hair is so straight and shiny like silk at may pakiramdam siyang napakalambot niyon. Base sa suot nitong uniporme ay kasama ito sa isa pang eskwelahan na gagamit sa retreat center na ito.

          Pinagmamasdan niya ito ng tumayo ito nang tawagin na ito ng mga kasama nito. At nuon nito hinawi ang nakatabing na buhok. Nahigit ni Kenneth ang hininga nang makita niya ang pinakamagandang mukha sa buong buhay niya. The girl looked like an angel. Napakaamo ng mukha nito na lalo pang pinaganda ng ngumiti ito sa kasama nito nang tulungan itong buhatin ang bag nito. Hindi niya maipaliwanag ang kakaibang reaksyon niya rito, biglang sumikdo ang dibdib niya at bumilis ang tibok ng kaniyang puso at ayaw niyang may nginingitian itong iba gayong ngayon lamang niya ito nakita at hindi naman sila magkakilala. He may be nuts for feeling that way, but then masisisi ba niya ang sarili na manibugho sa taong lumapit dito. Unang kita pa lamang niya sa babae ay humanga na siya rito, she literally took his breath away.

​          "Hoy anong tinitingnan mo dyan?" pukaw sa kaniya ng kaibigan nyang si Jeremey na napansin marahil ang pagkatulala niya sa bintana na sumilip na rin. "

          "She's one pretty little thing isn't she?" anito nang makita ang tinititigan niya. "Quite a looker.  Looks like she's taken though. Boyfriend siguro niya 'yong tumulong sa kanya." Di na lang niya pinansin ito at tumayo na para bumaba ng bus. Makikilala rin niya ang naturang babae, he'll be damned kung di niya malalaman ang pangalan nito with or without her having a boyfriend. For the meantime, uunahin na muna niya ang pagdadala ng mga gamit niya sa room designation nila.

​"Zia, nakita mo ba yong school na dumating kanina? Maraming cute na guys." Anang kaibigan nyang si Leah. Naroon sila sa kuwartong gagamitin nila sa loob ng isang linggo at nag-aayos ng gamit nila.

​          "I haven't seen any of them yet. Tinawag na tayo para pumasok nang dumating sila, pumaparada pa lang ang bus nila at di pa sila nakakababa. " tugon nya sa kaibigan habang patuloy na nag-aayos ng gamit.

"Di bale makakasama naman natin sila pag nag-start na ang orientation mamayang gabi. I'm telling you, wala kang itulak kabigin sa kanila, lalo ang boys ng St. Michaels, my God, naipon yata sa school na yon ang lahat ng mga guwapo. Baka dito mo na makilala ang first boyfriend mo friend" eksaheradong wika ng kaibigan.

​Nangingiting tiningnan na nga lang niya ang kaibigan sa tinuran nito.
"Hoy Leah Marie, retreat ang pinuntahan natin dito, hindi male hunting. Gusto mo bang mapagalitan ni Miss Soriaga at isumbong tayo pagbalik natin kay Sister Elly?"

The First Time I Saw YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon