Sa mga sumunod na araw ay naging abala na siya sa pagsisimula ng negosyo niya. Patapos na ang construction ng building niya at ang aasikasuhin naman na niya ay ang shipment ng mga products niya at ang paglabas ng bagong collection niya. Plano niyang sa Pilipinas at US lamang i-distribute ang bagong design niya. Di na muna niya ito ilalabas sa mga European countries kung saan meron siyang mga sangay.
"Hey, mukhang busy ka" bungad ni Kenneth nang pumasok ito sa shop niya.
Kasalukuyan niyang tsine-check ang dumating na mga produkto niya. Wala silang usapan ng araw na iyo kaya sisimulan sana niya ang inventory, kaya nagtataka siya kung ano ang ginagawa nito sa shop niya
"Napadaan ka? " nakangiting tanong niya rito at nagpasalamat sa dala nitong bulaklak na inabot nito sa kaniya.
"Nahihirapan kasi ako sa kasong hawak ko gayon kaya kailangan ko ng inspirasyon. Kaya heto ako ngayon, kumukuha ng inspirasyon," he winked at her." Kailangan mo ba ng tulong diyan?" tukoy nito sa mga kahon sa harapan niya
"Hindi ka na ba babalik sa opisina mo? Baka hanapin ka dun?"
"Nah, may oras pa ako para tapusin yon. Tutulungan na lang kita dito then mag-dinner tayo"
"Ikaw ang bahala, nakakahiya naman, sikat na lawyer pa ang mag-i-inventory ng stocks ko."
Dinala siya ni Kenneth sa isang eleganteng restaurant pagkatapos nilang tapusin ang inventory ng mga shipment niya. The place speaks of elegance and there is a romatic feeling in the air. May classical music na banayad na pumapailanlang sa buong restaurant. Kenneth guided her to their reserved seat."This place is so nice Kenneth"
"I'm glad nagustuhan mo. Naisip kong ito ang akmang lugar para sa espesyal na araw na ito" anito habang matamang nakatitig sa kanya. Sumikdo and dibdib niya dahil sa tinging ipinagkakaloob nito sa kaniya.
"Zia, it's been weeks and..." di mapakaling turan ng binata na hindi alam kung paano sisimulang buksan ang namamagitan sa kanilang dalawa.
Nakatingin lang si Zia dito at hinihintay ang sasabihin nito ng maagaw ang pansin niya ng matinis na tinig ng isang batang lalaki.
"Papa Kenneth...." Matinis na tawag nito sabay takbo palapit sa binata at yumakap dito.
Nakangiting niyakap ni Kenneth ang bata at pinupog ito ng halik .
"Myco baby. What are you doing here? Sino'ng kasama mo?" tanong nito sa pamangkin.
"Si Mama at Lola" sagot nito.
Matamang pinagmasdan lang ni Zia ang dalawa, Sa tantiya niya ay mga limang taong gulang ang bata at medyo may pagkakahawig ito sa binata. Sino ang batang ito at bakit Papa ang tawag nito kay Kenneth. Maari kayang anak ito ng binata. Sa naisip ay biglang sumama ang pakiramdam niya. Parang tinutusok ang puso niya. Lalo pang tumindi ang sakit ng lumapit ang isang babae sa kanila. The woman is beautiful and very sexy.
"Hi Kenneth" bati nito at humalik sa binata .
"Myco you're disturbing Papa, may kasama siya. Pasensya na sa anak ko, na-excite lang na makita ang Papa niya" Turan nito na ngumiti sa kanya.
"It's okay" ani Zia na pinilit ngumiti. Hindi niya maipaliwanag ang pakiramdam na sa kabila ng ngiti ng kaharap ay parang ayaw nito sa kaniya.
"Zia meet Kriselda, Mycos' mother. Kriselda meet my beautiful date Zia" pakilala ni Kenneth sa dalawa.
"Nice to meet you Zia. Mauna na kami sa inyo at mukhang nakakaistorbo na kami" anito na kinuha na ang bata at nagpaalam na sa kanila.
Nakaalis na ang mga ito ngunit tila may naiwan pa ring mapait sa kaniyang panlasa. Lalo na at wala namang binabanggit si Kenneth kung ano sa buhay nito ang mag-ina.
BINABASA MO ANG
The First Time I Saw You
عاطفيةZia and Kenneth met each other when they are still too young. Yet despite their age, they found true love. But circumstances pushed them apart. By fate, they are reunited. Will they continue where they left of or will they realize that they are no...