Danger....

226 4 2
                                    

​" You have treaded on a very dangerous water man" ani Lorenz sa kaharap na binata. 

Kasalukuyan silang nasa bahay ni Zia at kausap ito tungkol sa mga nakalap nito.

"Mr. Cervantes is not just an ordinary rapist. Kilala din itong mamatay tao, although wala pa talagang napapatunayan sa mga kaso nito dahil nga sa walang lumalantad. Wala ring makalap na ebidensiya, malinis trumabaho ang gago."

​Marahang umiling si Kenneth.

"Magaling magtago ang tarantado, hanggang ngayon hindi pa siya nahuhuli"

​"Huwag na kayong masyadong mag-alala, My men are now tracking the man. Basta mag-iingat lang kayo at hindi natin alam kung empty threats lang ba ang mga banta niya sa iyo o totoo. Mas mabuti na ang nag-iingat."

​"We will, my only regrets ay ang madamay si Zia sa gulong napasok ko. Ayokong pati ikaw ay mapahamak sweetheart" .

Nakakaunawang pinisil lamang ni Zia ang kamay ng kasintahan.

​"Fiancee mo ako Kenneth, anumang problema mo, magkatuwang nating. Lorenz, isa lang ang pakiusap ko, huwag mo na itong ipapaalam kina Mommy please. Mag-aalala lang ang mga iyon at baka umuwi pa dito. Mas mabuting naroon sila sa US".

​Nakakunawang tumango naman ang pinsan ng dalaga.

​"Kailangan natin ng plano upang mapalabas sa lungga niya si Cervantes at nang matapos na ang problema niyong ito. Alam kung napapabayaan niyo na ang pag-aayos sa kasal niyo".

​"So, what do you suggest that we do?" tanong ni Kennethn dito.

​"Go out, socialize, ipakita mong hindi ka apektado sa mga banta niya. That way lalo siyang magngingitngit at lalabas sa pinagtataguan niya."

​"Damn it, Lorenz, pati si Zia, madadamay sa plano mong yan"

​"Sa tingin mo ba Kenneth, hindi ko alam yan, alam kung may possibility na mapahamak kayong pareho pero sa tingin mo ba hahayaan kong mangyari iyon. Ipapain ko lang kayo upang mahuli ang taong ito at matapos na ang problema natin."

​"Matitiyak mo bang hindi mapapahamak si Zia"

​"Nangangako akong gagawin ang lahat ng makakaya ko to keep you both safe"

Labag man sa kalooban ay wala siyang mapagpipilian kundi ang sundin ang suggestion ni Lorenz. If there is just another way, he will never consent to putting Zia's life to any danger.

​Ginawa nga nila ang suggestion ni Lorenz, sa halip na laging maging cautious ay lumalabas lang silang magkasintahan kahit gabi na. Ngayon nga ay magdi-dinner sila ni Zia pagkasundo niya rito mula sa shop nito.

​Pauwi na sila pagkagaling mag-dinner nang gabing iyon nang mapansin niya ang sasakyang nakasunod sa kanila. Napansin niyang nakita na rin ito ng kasintahan dahil bahagya nitong hinawakan ang braso niya.

​Kanina pa  tinitingnan ni Zia ang kotseng nasa bandang likod nila. Hindi naman ito dumidikit sa kanila. Pinananatili nito ang apat o limang sasakyang pagitan nila. Hindi niya maipaliwanag ang kabang nararamdaman. May pakiramdam siyang sinusundan sila nito. Nakita na niya ito kanina noong sunduin siya ni Kenneth. Nakasunod ito kahit na noong kumain sila kanina. Inihinto nito may di kalayuan sa restaurant na kinainan nila ang sasakyan nito at tila ba hinintay sila. Ngayon nga ay heto na naman ito at nakasunod sa kanila.

​"Sweetheart nakikita mo ba yong itim na kotseng iyon, nasa tabi nung kulay pulang van mga limang sasakyan ang pagitan sa atin" pukaw niya sa atensiyon ng kasintahan.

Makikita ang tinutukoy niya sa side mirror nito.

"Parang kanina pa 'yan nakasunod sa atin"

​Sinilip ni Kenneth ang tinutukoy niya at bahagyang napamura nang makita ito.

"Napansin mo na din pala. Ang totoo kanina pa pag-alis ko sa office ay napansin ko na iyan. Hindi na nga sana kita susunduin para di ka madamay. Naisip ko lang na baka mahalata niyang alam ko ng sinusundan niya ako and would target you instead. And I can't afford that to happen. Put on your seatbelt sweetheart, bibilisan ko ang pagmamaneho. Pagliko natin mamaya ay madilim na ang daan at halos wala ng sasakyan, ayokong abutan niya tayo dun" anito na binilisan na ang takbo nila.

​Napansin niyang bumilis din ang takbo ng kotse at doon na lalong tumindi ang kabang nararamdaman niya.

"Nakasunod pa din siya sa atin Kenneth" aniyang nilingon ito ngunit hindi na siya nito pinapansin. Kausap na nito ang pinsan niya.

​"Damn it Lorenz, where are your men. There is a man who's been tailing us kanina pa. Mukhang humahanap lang ng tiyempo.... Paliko na kami sa kalye papasok ng subdivision. That road is deserted Lorenz, he might try his luck there. Be ready" he snap and put his phone down to concentrate on driving.

NIlingon pa uli ni Zia ang likuran nila at napansing nawala na ang nakasunod sa kanila.

​" He's no longer.... " hindi na niya natapos ang sasabihin dahil bigla na lang nag-preno si Kenneth pagliko nila.

Hindi na niya naintindihan ang nangyayari dahil bigla na lamang siyang niyakap ng kasintahan at itinakip ang katawan sa kaniya. Kasabay niyon ay narinig niya ang sunud-sunod na putok ng baril. ​

​Hindi makakilos si Zia dahil sa mahigpit na pagkakayakap ni Kenneth sa kaniya.  Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa labas. Ang naririnig lang niya ay ang sunod-sunod na sagitsit ng gulong ng mga dumating na sasakyan at magkakasunod na putukan ng mga baril. Ilang minuto lang ang itinagal ng putukan. Maya-maya pa ay bumukas ang pintuan ng sasakyan nila at sumilip ang pinsan niya.

​"Ayos lang ba kayong dalawa?" tanong nito.

​Bahagya lang siyang pinakawalan ng kasintahan upang tiyaking maayos ang lagay niya.

"Are you okay?"

​"I am, how about you?" noon niya napansing nakangiwi ito at may umaagos na dugo sa mga balikat nito. "Kenneth, may tama ka.." nag-aalalang wika niya.

​"Shit... mura ni Lorenz ng mapansing hindi lang sa balikat ang tama nito. May tama din ito sa likod , sa bandang tapat ng puso. Sana ay hindi tinamaan ang puso nito.

"Kenneth ayos ka lang ba?" Ngunit hindi na sumagot ang binata at tuluyan na itong nawalan ng malay

The First Time I Saw YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon