Paris.....

224 7 0
                                    

Anong iniisip mo?" tanong ni Kenneth sa kasintahan at niyakap ito mula sa likuran.

Naroon sila sa hotel room nila sa Paris kung saan sila tumuloy pagkatapos bisitahin ang pamilya nito. Napakabilis natapos ng dalawang linggong bakasyon nila doon. Most of the time nasa opisina lang ang kasintahan at inaasikaso ang negosyo at ang launching ng bagong line ng bag nito at clothing line. Magkakaroon kasi ito ng fashion show na gaganapin sa susunod na araw dito sa Paris. Dahil doon, ang ama nito ang madalas niyang kasama. Ayaw namang sumama ng Mommy nito dahil wala daw itong hilig mangisda na siyang paboritong libangan ng ama ng kasintahan.

Abot-langit ang paghingi nito ng paumanhin dahil sa pag-iwan nito sa kaniya sa piling ng mga magulang nito na tinawanan lamang niya. Nangako ito na babawi sa susunod na biyahe nila. Balewala naman sa kaniyang naging abala ito sa negosyo habang nasa US sila. Naiintindihan niyang kailangan ito sa opisina nito.

​Nakapamasyal din naman silang magkasintahan kahit paano. Nag-ikot sila sa Central Park at binisita ang famous Statue of Liberty at ilan pang lugar pasyalan doon. Umasta silang mga turistang first time lamang makatuntong ng America. Sinulit nila ang unang beses na magkasama silang nagtungo roon.​

"Wala naman" tugon nito na humarap sa kaniya. "I was just admiring the city below. "

Tanaw na tanaw sa glass window ng suite nila ang siyudad sa gabi. The view is breathtaking pero wala iyon kung ikukumpara sa tanawing nasa mga bisig niya.

​"You scared me there lady, akala ko nagsisisi ka na sa pagpayag sa aking magpakasal and you're thinking of a way on how to break it to me gently" nakangising turan niya sa kasintahan.

​"Silly, hinding-hindi magbabago ang isip ko no. Baka ikaw pa, pero hindi ako" nakaingos na turan niya rito. Mabilis naman nitong kinintalan ng halik ang nakanguso niyang mga labi.

​"Kung ganon, soon-to-be Mrs. Montero, ihanda mo na ang sarili mong makasama ako habang-buhay dahil hinding-hindi magbabago ang isip ko. I love you very much sweetheart. You're my life, the air that I breath. I can't live kung hindi ikaw ang kasama ko" madamdaming pahayag nito.

​I love you too Kenneth" aniyang ikinulong ang mukha nito sa mga kamay niya.

Ipinikit niya ang mga mata ng bumaba ang mukha nito upang gawaran siya ng halik. Kusang yumakap ang mga braso niya sa leeg nito at tinugon ang halik nito. Kusa niyang ibinuka ang kaniyang labi nang palalimin nito ang halik.

​Kusa nitong pinutol ang halik at humihingal na tumitig sa kaniya. Makikita sa mga mata nito ang pinipigil na pagnanasa.

"We have to stop now sweetheart habang kaya ko pa. I want you so much at ayokong isipin mong sinasamantala kita"

​"Hinding-hindi ko iisipin yon. I love you so much love and I want you too" buong tapang na sagot niya habang nakatitig dito.

​"Oh sweetheart..." anito at muli nitong sinakop ang mga labi niya.

This time mas mapusok na iyon. But despite of the passion, Kenneth was so gentle, ramdam niya ang pag-iingat at pagmamahal sa halik nito. Tuluyan ng nawala sa huwisyo si Zia kung kaya naman nang pangkuhin siya ng kasitahan upang ihiga sa kama ay kumapit na lang siya sa leeg nito at buong pusong tinugon ang halik nito at nagpaubaya. Kenneth made love to her slowly and passionately. Bawat haplos ay puno ng pagmamahal. Bawat dampi ng labi nito sa bawat parte ng katawan niyang dinaanan ng kamay nito, ramdam na ramdam niya ang respeto nito at pag-iingat na lalo pang nagpainit sa apoy na tumutupok sa kanya.

​Kaya naman nang kapwa nila marating ang kasukdulan ay kapwa nila isinigaw ang pangalan ng isa't isa. Zia never imagined that her first time would be this amazing. Iningatan niya ang sarili para sa lalaking minamahal. At wala siyang nadaramang pagsisisi na ipinagkaloob niya ngayon ang sarili sa kasintahan.

​Kenneth has never felt this pure bliss before. Marahil dahil ang babaeng yakap niya ngayon ay ang babaeng nagmamay-ari ng puso niya. That's why making love to her brought him happiness he never felt before. Huwag nang idagdag pa ang kaalamang siya ang una sa buhay ng kasintahan. Hindi niya akalain na sa haba ng panahon ng pananatili nito sa ibang bansa ay napanatili nitong malinis ang sarili. That made him very proud and very happy.

​Niyuko niya ang kasintahan na nakaunan sa kaniyang dibdib.

"Are you happy love?". Ngumiti lang si Zia dito. She's so tired and sated to her toes to even answer.

"Did I hurt you?"

​"No, you were so gentle"

​"Asikasuhin na natin agad ang pag-aayos ng kasal natin pag-uwi natin. Pagkatapos ng nagyari sa atin, nararapat lang na panagutan mo ako sa lalong madaling panahon" pilyong wika niya rito sabay kindat.

Namumulang kinurot lang siya nito bago nagsumiksik sa kanya. Buong pagmamahal namang niyakap niya ito at inayos ang pagkakabalot ng kumot sa katawan nila.

"Sleep now sweetheart. I love you"

​​Kinaumagahan ay sinamantala muna nilang mamasyal na magkasintahan bago pa uli maging busy si Zia. Pagkagising ay medyo nahihiya pa siya dahil sa nangyari sa kanila nang nagdaang gabi, but Kenneth made her feel cherished at lalo pa itong naging maalaga sa kaniya.

​Nagising si Zia sa mabining halik na iginagawad sa kaniya ni Kenneth.

"Good afternoon sweetheart, kailangan mo nang gumising. Kung hindi ay mahuhuli tayo sa flight natin".

​"Anong oras na ba? " inaantok na tanong niya rito.

Madaling araw na natapos ang fashion show niya kahapon at halos umaga na sila nakabalik ng hotel where Kenneth made love to her in slow and prolonged hours. She was so exhausted after that kaya naman agad siyang nakatulog.

​"It's already three in the afternoon sweetheart at mamayang alas otso na ang flight natin pauwi. Kailangan na nating maghanda."

​"Whose fault do you think is it kung bakit tinatamad pa akong bumangon sa kama? Bakit di mo na lang ako samahan dito total maluwag pa naman ang oras"

​"I know its my fault sweetheart and though that is a very delectable and tempting offer, I'm afraid I can't do that. Kailangan mo pang mananghalian. Kagabi pa ang huling kain mo tapos kakaunti pa" anito na hinila na siyang patayo.

​"How about you?"

​"Nauna na ako kanina,  Gigisingin sana kita but I don't have the heart to do it dahil himbing na himbing ka plus the fact na ang sarap mong  panoorin habang tulog. You sleep like an angel sweetheart and I won't get tired watching you sleep for the rest of our life. "

​"Bolero, sige na babangon na po ako at maliligo, gusto mo akong sabayan?" pilyang tanong niya rito. Humahalakhak na tinalikuran siya nito at umorder na ng makakain nila.

The First Time I Saw YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon