Problem....

228 8 0
                                    

​ Pagkagaling ng US at Paris ay balik trabaho na agad silang dalawa ni Zia. Kasabay ng mga trabaho nila ay ang pag-aayos na rin para sa kasal nila. Sa kabila nang kaabalahan at excitement sa paghahanda sa kasal nila ay ang agam-agam niya patungkol sa kasong hawak niya. Alam niyang may panganib pa ring nakaamba dala ng bagong hawak niya, at ayaw niyang madamay ang fiancée niya kung sakali.

Kakatapos lang ng hearing ni Kenneth at palabas na siya sa court nang mag-ring ang cellphone niya. Napangiti siya nang makitang numero ng nobya ang tumatawag.

​"Hey love, napatawag ka?"

​"Hindi ba kita naabala?" tanong ng kasintahan sa kabilang linya.

​"For you, I have all the time in the world, what is it?"

​"Puwede mo ba akong sunduin dito sa Megamall. May gusto akong ipakilala sa iyo. Kakabalik lang niya from honeymoon kaya ngayon lang kami magkikita"

​"Sure, wala naman na akong hearing, saan kita susunduin?"

Sinabi nito kung saan sila magtatagpo at pagkatapos tawagan ang sekretarya ay sumakay na siya sa kaniyang sasakyan upang puntahan ang nobya. Hindi pa siya nakakasakay ay muling tumunog ang cellphone niya.Hindi niya kilala ang number na nakarehistro sa screen nito. Ngunit baka kliyente ang tumatawag kaya sinagot niya ito.​

​"Matapang ka Montero, ayaw mo pa rin akong lubayan. Pero tingnan natin kung hanggang saan ang tapang mo. Napakaganda ng nobya mo Montero, isang sikat na designer, ano kaya ang gagawin mo kung kunin ko siya sa iyo" nakakalokong wika ng nasa kabilang linya.

​"Putang-ina mo Cervantes, leave Zia out of this, wala siyang kinalaman dito."

Humalakhak lang ang nasa kabilang linya at pinutol na nito ang tawag.

​"Damn it, I'll kill you with my own hands Cervantes oras na kinanti mo si Zia" nakakuyom ang kamaong bulong niya sa sarili bago tinawagan ang sekretarya.

"Sheena, please cancel all my appointments for the rest of the day. Hindi ako makakabalik diyan ngayon and if ever na may tawag para sa akin, just take all their messages. " pagkatapos ay ang ama ng kaibigan naman ang kaniyang tinawagan.

"Tito, I just received a call from the bastard. He's threatening to hurt Zia, please make sure she's safe Tito...Thank you"

Pagpasok sa restaurant na sinabi ng kasintahan ay nakita niya agad itong may kausap na lalaki, agad na umusbong ang paninibugho sa puso niya nang makita ang matamis nitong ngiti sa kaharap na nakangiti din dito. Iniisip pa niya kung iistorbohin ba niya ang dalawa nang lumingon ang kasintahan sa direksiyon niya at agad na ngumiti ng matamis nang makita siya. Lumapit siya sa mga ito at kinintalan halik sa pisngi ang kasintahan. Nakita niyang bahagyang tumaas ang sulok ng labi ng kasama nitong lalaki sa bahagyang pagngisi.

​"Lorenz, I want you to meet my fiance, Kenneth. Sweetheart this is my cousin, Lorenz, kababalik lang nilang mag-asawa from their cruise kaya ngayon lang kami nakapagkita".

​Bahagyang napahiya si Kenneth dahil sa pagseselos ng walang dahilan ngunit agad din namang nakabawi at inabot ang kamay sa lalaki.

​"It's nice to meet you Atty., finally, the hotshot lawyer" anitong nakangisi na tila ba sinasabing alam nito ang inisip niya kanina. Bahagya siyang tumikhim at saka sumagot.

​"Likewise"

​"Hon, kinatagpo ko si Lorenz kasi kabilang siya sa private intelligence group ng military natin. Nag-e-especialize sila sa pag-investigate sa mga criminal cases involving well known person. Naisip ko baka makatulong siya sa kasong hawak mo ngayon. Ayoko sanang makiaalm, pero napapansin ko lately, medyo naapektuhan ka na sa latest case mo. I'm sorry."

Masuyong nginitian lamang siya nito.

​"It's okay sweetheart, medyo seryoso na nga 'tong na hawak ko, pero ayokong pag-usapan ito dito. Umuwi muna tayo sa inyo at 'dun tayo mag-usap." Seryosong turan niya sa dalawa.

​"What's going on Kenneth. What are you not telling me? Mukha kang aburido" agad na tanong ni Zia pagkarating na pagkarating nila sa bahay niya.Napabuntong-hininga ang binata bago ito nagsalita.

​"Siguro nga ay dapat mo na itong malaman. Hindi ko sukat akalaing ganito kasama ang Ricky Cervantes na ito nang tanggapin ko ang kaso laban sa kaniya. Nalaman ko na lang ng makita ko ang report ng tauhan ni Tito Matt."

Ikinuwento niya rito ang tungkol sa rape case laban sa isang kilalang negosyante gayundin ang mga pagbabanta sa buhay niya. Napag-alaman din niyang magkakilala Palma Ito at ang ama ng kaibigan .  Aton dito at makikipag-usap na lang ito kay Tito  Matt Kung ano ang gagawin nila.Hindi na niya kailangang idetalye lahat at dahil sanay sa mga ganoong kaso ay alam niyang maaasahan ang pinsang ito ni Zia.

​"Why didn't you tell me everything sweetheart?"

​"Ayokong mag-alala ka" aniyang nilapitan ang kasintahan at niyakap. Hinigpitan pa nito ang pagkakayakap kay Zia at kinintalan ito ng halik sa ulo.

​"Mangako kang mag-iingat ka Kenneth, hindi ko hihingin sa iyong bitiwan mo ang kaso dahil alam kong dadalhin mo iyan sa konsensiya mo, but promise me, you are not going to put your life in danger."

​"I promise sweetheart, mag-iingat ako"

The First Time I Saw YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon