Worry.....

207 6 0
                                    

Naging abala na si Zia ng mga sumunod na araw sa pagbubukas ng kaniyang shop. Ganundin naman si Kenneth sa kasong hinahawakan nito. Nabanggit nito sa kanila ang kasalukuyang kaso ng pang-aabuso na hawak nito. Nag-aalala si Zia para sa kasintahan lalo na nang malaman niya kung sino nag kalaban nito, lalo na at ayon na din kay Leah ay maimpluwensiyang tao ang binabangga nito. Nabanggit niya ang tungkol dito sa kasintahan but he just assured her na wala siyang dapat ipag-alala. Ayos lang daw ang lahat ayon dito.

​Lilipad sila next week papuntang US upang makilala naman nito ang pamilya niya. Kaya naman inaayos niya muna ang lahat ng maiiwan niya para di naman mahirapan ang kaibigan niya. Two weeks din kasi ang itatagal ng bakasyon nila doon then isang lingo naman sa Paris para sa fashion show para sa launch ng bago niyang clothing line. Tanging ang clothing line lang ang idi-distribute niya doon. Ang bagong line niya ng bag ay sa US at Asia niya lang ilalabas.

​Heto nga siya ngayon at inaayos ang mga maiiwang trabaho sa kaibigan habang wala siya.

​"Hey, tama na yan. Kayang-kaya ko ng gawin yan. Ang mabuti pa umuwi ka na, bukas na natin ituloy 'to. Nandiyan na ang sundo mo sa labas" anang kaibigan niya.

​Dali-dali na siyang tumayo at nagligpit ng gamit. Kahit gaano ito kaabala, inihahatid at sinusundo pa rin siya nito araw-araw. Tinutulan niya ito nung una dahil kaya naman niyang magpunta sa shop ng mag-isa upang hindi na ito maabala, ngunit mas gusto daw nitong gawin iyon upang masigurong maayos siyang makakapuntang opisina at makauwi. Lalo tuloy tumataba ang puso niya sa ginagawi ng kasintahan.

"How about you? Asan ang sundo mo?"

​"Nasa labas na din si Jeremy, kausap si Kenneth. Sige na, mauna ka ng umalis, ako na ang magsasara ng shop"

​"Thanks Leah, bye, mag-ingat kayo ni Jeremy sa pag-uwi"

​"Hey, you look tired" bati ni Zia sa nobyo nang makalapit siya sa dalawa. Hinalikan muna siya nito at iginiya sa sasakyan. Nagpaalam na rin sila sa kaibigan nito na sinundan na si Leah sa loob.

​"Medyo marami lang trabaho ngayon sa opisina sweetheart"

​"Hindi mo na lang sana ako sinundo para nakapagpahinga ka na. Puwede naman akong mag-taxi na lang pauwi." Nakakaunawang sagot niya rito.

​"Hindi rin naman ako mapapakali na hindi ako nakakasigurong ligtas kang nakauwi sa bahay. Nagugutom na ako. Hindi na ako nakapag-lunch kanina sa dami ng trabaho sa firm tapos may board meeting pa kanina sa negosyo namin, tapos nagka-problema pa sa resort"

​"Sa bahay na lang tayo kumain, nagpaluto ako ng kare-kare kay Neneth"


​"Are you sure kaya mo pang mag-drive? Mukhang pagod na pagod ka na at inaantok. Baka kung anong mangyari sa iyo sa daan." Nag-aalalang wika niya sa kasintahan.

Pagkatapos nilang kumain pagkahatid nito sa kaniya ay nag-stay pa ito saglit upang kumustahin ang araw niya. Kaya naman ginabi na ito sa pakikipagkuwentuhan.

​"Don't worry sweetheart, nakapagpahinga na ako. I'll call you when I get home, okay. Pumasok ka na sa loob"

Pinagmasdan ni Kenneth ang pigura ng kasintahan habang papasok ito sa loob ng bahay. Ang totoo ay balewala naman sa kaniya ang dami ng trabaho niya. He's weary because of the danger he's putting her in. Nakatanggap na naman siya ng sulat at nakalagay roon ang kaalaman ng kalaban niya tungkol sa kaniyang nobya. He is scared for her life, so scared.

​Ang konsolasyon na lang niya ay aalis sila sa susunod na lingo. Kahit paano, maiaalis niya si Zia sa panganib at may oras na ang mga tauhan ni Tito Matt na hanapin ang nagtatagong negosyante.

The First Time I Saw YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon