Threat....

231 5 0
                                    

Hindi mapuknat-puknat ang ngiting nakapagkit sa mga labi ni Kenneth habang nagmamaneho ito pauwi. Masayang masaya siya dahil sa wakas ay tinugon na din ni Zia ang pagmamahal niya. Nakangiti pa din siya ng sagutin ang tawag ng kaibigan.

​"Yes, bro?"

​"Tol may mga nakalap na kami laban kay Cervantes. Pero may nabalitaan din ako mula sa kampo niya bro. Mag-iingat ka, mukhang may binabalak na hindi maganda ang gago."

​"Anong ibig mong sabihin Jeremy?"

​"Sinundan ng tauhan ni Dad ang mga tauhan nito, may mga kinausap itong mukhang mga goons. Mukhang may niluluto laban sa'yo. Hanggang ngayon ba ay hindi pa siya nahuhuli?"

​"Nagtatago ang gago kaya hindi ma-serve ang warrant of arrest. Kung may mababalitaan naman si Tito pakibalitaan naman ako. "

​"We're already on that. Ang totoo papunta kami ni Daddy sa bahay niyo para kausapin si Tito. I guess pauwi ka na din, magkita na lang tayo dun."

​"Salamat 'tol. Can you also send someone to watch Zia. Sabihan mo lang pero na huwag na lang lalapitan si Zia. Ayoko siyang matakot"

​"I already did that 'tol bago pa kita tawagan. May nakasunod na sa inyong security kanina pa ng sunduin mo siya. Nabilinan ko na, na 'wag iiwanan si Zia. Ikaw ang walang security sa ngayon Kenneth, kaya...." Di na nito natapos ang sasabihin dahil bigla na lang nagmura ang kaibigan.

​"Shit! What the..." mura ni Kenneth sabay kabig ng manibela upang maibalik ang kontrol ng sasakyan.

May bigla na lang bumunggo sa tagiliran ng sasakyan niya. Agad namang humarurot ito ng takbo. Walang plate number ang sasakyan, na isang itim na pajero.

​"Hello Kenneth, what happened?"

​" May bumunggo sa akin. Walang plate number ang sasakyan. Humarurot na palayo. Damn, mabuti na lang mabagal ang takbo ko at wala akong kasalubong. Shit, mukhang seryoso nga ang mga threat na natatanggap ko."

​"Mag-iingat ka Kenneth. Magkita tayo sa bahay niyo"

​"Hi Ma, " bati ni Kenneth sa ina pagdating sa bahay nila.

​"Your Tito Matt and Jeremy is here, kausap ng Papa mo. Sumunod ka daw sa study pagdating mo. What is the matter son, is there something wrong?" nag-aalalang tanong ng ginang.

​"Nothing Ma, nagpapatulong lang ako kina Tito tungkol sa bagong kasong hawak ko. Alam mo naman si Tito maimpluwensiya, so mas mapapadali ang trabaho ko with his help.  Aakyat lang ako sa taas Ma"

​Seryoso ang mukha ng ama ng datnan ito ni Kenneth kausap ang ama ni Jeremy.

​"Bakit di mo sinasabi sa akin ang bagay na to Kenneth?" bungad agad nito sa kaniya.

​"I did not think that the threats were serious Pa. Akala ko empty threats lang ang mga iyon para bitiwan ko ang kasong hawak ko."

​"You know very well na hindi maganda ang reputasyon ng taong yon hijo" anang Tito Matt niya.

"Look what happened kanina lang. Siguradong warning sa 'yo iyon, na next time, buhay mo na ang target niya."

​Nakuyom lang niya ang kamao niya sa galit na nararamdaman. Natatakot siya hindi para sa sarili niya kundi para kay Zia. Ayaw niyang madamay ito at malagay sa panganib. Ngayon pa lang niya uli ito nakakasama at hindi siya papayag na may mangyari dito. Damn that man, sisiguruhin niyang mabubulok ito sa kulungan.

​Pagkahatid niya sa labas sa kaibigan at sa ama nito ay bumalik siya sa study upang kausapin ang ama. Puno ang pag-aalalang sinalubong niya ang tingin nito pagbalik niya.

​"Don't worry hijo, everything will be alright"

​"I hope so Dad. Hindi ko puwedeng bitawan ang kasong to. Wala ng tutulong sa mag-ina para maparusahan ang hayop na negosyanteng yon. Ang balita ko nga hindi lang si Mara ang naging biktima ng kahayupan niya, meron pang iba. Ang nakakapagtaka ay walang nagdedemanda, kung meron man inuurong din lang sa huli."

​"Do what you need to do hijo. Nandito lang kami sa likod mo para sumuporta sa'yo"
​"Thanks Pa"

​"Mabuti pa puntahan na natin ang Mama mo at mukhang may ibabalita ka pa sa amin.
Mukhang sinagot ka na ni Zia base sa pag-aalala mo" nakangiting sabi nito na inakbayan na siya palabas.

​Tamang-tamang paakyat naman sa study ang kaniyang ina paglabas nilang mag-ama roon. Mababakas ang pag-aalala sa mga mata nito.

​"May problema ba Eduardo, Kenneth?" agad na tanong nito.

​"Hon, it's nothing serious" anang ama nito na nilapitan ang kaniyang ina at inakbayan.

"Ang mabuti pa magkape muna tayo sa kusina at mukhang may ibabalita sa atin ang panganay mo"

​"Hijo?" baling ng kaniyang ina sa kanya.

​ Nginitian niya ang ina at saka ibinalita ang pagsagot sa kaniya ni Zia.

​"I'm so happy for you hijo. Paglipas ng napakahabang panahon. Nate-tempt na nga akong dalhin ka sa psychiatrist dahil ang akala ko masyado kang naapektuhan ng unang pagkabigo mo. Paano naman kasi mula noon wala ka ng naging girlfriend. You date women but you were never serious about them" mahabang pahayag nito.

"Dalhin mo siya rito. I want to finally meet her. I want to meet the girl who held your heart for thirteen years"

​"ang sabihin mo hon, gusto mo lang malaman kung totoo ba talagang nag-e-exist ang babaeng tinutukoy ng anak mo"

​"Ano ka ba naman Eduardo"

​Natutuwang pinagmasdan ni Kenneth ang mga magulang. "Don't worry Ma. Ipapasyal ko siya dito bukas. Dito kami magla-lunch"

The First Time I Saw YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon