Pain

239 9 0
                                    

Hindi pa rin humihinto sa pag-iyak si Zia mula pa kaninang isinugod nila si Kenneth sa ospital. It's been three hours ngunit hindi pa rin lumalabas ang doctor mula sa operating room. Naroon na ang buong pamilya nito ganun din ang mga kaibigan nila. Naroon din ang pinsan niya. Ito ang kasama niyang nagsugod kay Kenneth sa ospital.

Tinawagan na nito ang mga magulang niya upang ipaalam ang nangyari at ayon sa sinabi nito ay uuwi ang mga ito in a week.

​Nahuli si Ricky Cervantes sa nangyaring engkuwentro at ngayon nga ay nakakulong na at tinitiyak ng pinsan niya at ng mga tauhan ng ama ni Jeremy na hindi ito makakalabas ng kulungan. Magbabayad ito sa mga krimeng nagawa nito gayundin sa nangyari sa kasintahan.

​"Tama na ang pag-iyak hija. Makakaligtas ang anak ko. Hindi mo gugustuhing makita ka niyang ganyan paggising niya. Magang-maga na ang mga mata mo." Alo sa kaniya ng Mama nito at niyakap siya.

​"Don't worry about my son hija" anang Papa nito. "He is a strong man at hindi iyon papayag na basta na lang mawala lalo pa at natagpuan ka na uli niya. He will live for you Zia. He has so much pride para lang hayaang mamatay siya sa tama ng baril" dugtong pa nito.

​Kahit na ano pang pang-aalo ng mga ito sa kaniya ay hindi pa rin siya mapapanatag hangga't hindi sinasabi ng doctor na ligtas na ito.

​Naghintay pa sila ng isang oras bago may doctor na lumabas sa operating room. Nagmamadaling lumapit dito ang ama ng binata.

"How is my son Doc?"

​"Huwag na kayong mag-alala, he is now completely out of danger. Mamaya lang ay dadalhin na siya sa kuwarto niya. He is lucky  na hindi tumama sa puso niya ang bala, but it was so close, so close. Barely a millimeter at tatamaan ang puso ng pasyente. I hate to think what could have happened kung nangyari yon" anito bago nagpaalam sa kanila.

​Umusal ng panalangin ang dalaga upang magpasalamat sa pagkakaligtas sa kasintahan. Relieved that he is now safe , she burst into another bout of tears.

​Buong pagmamahal na pinagmamasdan ni Zia ang kasintahan. Nailipat na ito sa kuwarto nito. Siya na rin lang ang naiwan doon upang bantayan ito. Ang pamilya nito at ang mga kaibigan nila ay umuwi na. Umalis na din ang pinsan niya kanina pa matapos ayusin ang lahat at matiyak na ligtas na sila. Nakausap na din niya ang mga magulang at kinumpirma nga na darating ang mga ito pagkatapos ng tatlong araw. ​

​Maputla pa ito at may nakakabit na suwero. Kani-kanina lamang ay tinanggal na ng nurse ang nakakabit ditong dugo. Medyo maraming dugo ang nawala sa kasintahan. Nakabenda ang kaliwang balikat nito ganun din ang likod nito kung saan bumaon ang bala. Malalim ang sugat nito sa balikat at muntikan ng tamaan ang puso nito. It was so close a call. Muntikan na itong mawala sa kaniya. Laking pasasalamat niya sa Diyos at hindi nito pinabayaan ang binata.  Lumapit siya sa kinahihigaan nito at umupo sa tabi ng kama nito. Hinawakan niya ang kamay nito at dinala sa kanyang mukha.

"I love you very much Kenneth. I'm so glad you're still here with me. I don't know how my life would be without you"

​Dahan-dahang iminulat ni Kenneth ang mga mata. Medyo napangiwi siya ng bahagyang naigalaw niya ang kaniyang nakabendang balikat. Nakita niya ang kasintahang nakayukyok sa tabi ng kama niya habang hawak-hawak nito ang kamay niya. Dahan-dahan niyang hinila ang kamay mula rito upang hawiin ang buhok nitong tumatakip sa mukha nito. Gusto niyang titigan ang nobya. Gusto niyang pawiin ang takot na naramdaman bago siya nawalan ng malay at tiyaking ligtas nga ito. Noon lang siya natakot ng ganoon sa buong buhay niya. He was so scared not for his life but for Zia's. Sa paghawi niya ng buhok nito ay nagising yata ito dahil nagmulat ito ng mga mata at ngumiti sa kaniya. And that smile of hers brighten the room at binura nito ang lahat ng takot at agam-agam na nararamdaman niya.

​"Hey, mangangalay ka diyan. Bakit diyan ka natulog? Umuwi ka na muna sana para nakapagpahinga ka" aniya sa nobya.

​"Para namang mapapanatag nga ako sa bahay" nakaingos na sagot nito. "Bakit kailangan mong saluhin lahat ng bala? May plano ka na bang iwanan ako?"​

The First Time I Saw YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon