"Di ka na ba talaga magpapapigil anak? Wala kang kasama sa Pilipinas. Mag-iisa ka lang dun." Anang Mommy ni Zia habang tinutulungan siya sa pag- aayos ng gamit nya.
"It's been thirteen years mula nung umalis ka. Hindi ka na sanay sa buhay doon"
"Mom, don't worry. Sasamahan naman ako ni Leah pansamantala" tukoy ni Zia sa kaibigan. Hindi nawala ang communication nilang magkaibigan kahit pa nasa malayo siya. They remained the best of friends. Paminsan-minsan ay nagbabakasyon siya sa bahay ng mga ito sa nakalipas na mga taon.
"Isa pa, umuuwi naman ako sa tin paminsan-minsan kaya sanay ako dun. Sa ngayon maayos na ang dating bahay natin, naasikaso na yon ni Leah. "
"Do you really have to leave and stay there. Pwede ka namang magbakasyon lang, you can go to France o sa Spain, sa mga lola mo."
"Mom, I need this. Kailangan ko ng tahimik na buhay. Sawang sawa na ako sa mga paparazzi, sa kabi-kabilang interviews. Gusto ko naman ng simple at tahimik na buhay"
"Kung gusto mo pala ng ganyang buhay di sana'y di mo ginalingan ang pagiging designer mo para di ka nakilala sa field na yan. Nagtrabaho ka na lang sana sa company natin gaya ng mga kuya mo."
"Mom, don't get me wrong. I love my job. Hindi ako nagsisisi na nakilala ang mga designs ko. Napapagod lang talaga ako sa limelight. Kilala ako dito at sa Europe, pero sa Pilipinas walang nakakakilala na isang Pilipino ang may-ari ng isa sa pinakasikat na fashion company . Ang alam ng lahat ay isang American ang may-ari ng Leinays. I'll have a normal and peaceful life there. Don't worry babalik-balik din naman ako dito. Nandito ang negosyo ko."
" May magagawa ba ako. Basta mag-iingat ka dun and come back pag di mo na kaya ang mag isa dun"
"I will Mom, thanks, I love you" ani Zia na hinalikan ang ina. Sa susunod na araw ay uuwi siya ng Pilipinas upang humanap ng katahimikan. May nais din siyang makita sa pagbabalik niya ng bansa. Sa tuwing magbabakasyon siya ay natutukso siyang hanapin ito ngunit sa huli ay nagbabago ang isip niya. Kumusta na kaya siya?
Nakasakay na si Zia sa eroplano pabalik ng Pilipinas. Sa nakalipas na labing-tatlong taon mula nang umalis siya ng bansa ay nakapagtapos siya ng pag-aaral at nagsimulang makilala bilang isang designer. Kilala ang clothing line niya lalo na ang bag na design niya. Pero sa kabila ng success ng career niya, she felt empty. Sabi nga ni Leah, wala daw siyang lovelife kaya ganun ang pakiramdam niya. Siguro nga ay tama ang kaibigan niya. Hindi kasi siya kailanman nagkainteres sa lalaki. Hanggang ngayon kasi ay di pa rin maalis sa isip niya ang isang taong nakilala niya thirteen years ago.Nakakapagtakang nanatili ito sa puso at isip niya gayong wala naman silang relasyon dahil na rin sa kagustuhan niya At kung tama nga ang kaibigan niya na kung sila ang nakatadhana sa isat-isa ay muli silang magkikita. Umaasa siyang makikita nga niya ito sa pagbabalik niya. She must be out of her mind for hoping that.
NAPABALIKWAS ng bangon si Kenneth. Tinanghali siya ng gising dahil pinag-aralan pa niya ang kasong hawak niya kagabi. Isa iyong rape case laban sa isang kilalang negosyante. Inabuso nito ang isang dalagang nagtratrabaho rito bilang katulong. Ilang abogado na ang nilapitan nito ngunit tinanggihan ito dahil sa isang kilalang tao ang kalaban nito. Dahil sa awa ay tinanggap niya ang kaso kaya nga pinagpuyatan niyang pag-aralan ito kagabi. Kahit gusto pa niyang matulog ay kailangan na niyang bumagon dahil may meeting siya ng alas-diyes sa buyer ng lupa ng Tito Henry niya. Kapatid ito ng mother niya. Siya ang kakausap sa bibili ng lupa nito sa may Quezon City. Isang negosyante ang buyer at balak yatang magpatayo ng opisina doon.Bago magtungo sa banyo ay sumulyap muna siya sa larawang nakapatong sa mesa malapit sa kama niya at napabuntong hininga. It has been thirteen years and still he couldn't get her out of his heart and mind. Kumusta na kaya ito. Yes, he had have relationships but none of those were serious, dahil hanggang ngayon ay iisang tao pa rin ang hindi maalis-alis sa puso at isip nya. Nasisiraan na nga yata siguro siya ng ulo para patuloy na mahalin ang babaeng nakilala niya thirteen years ago gayong wala naman silang ipinangako sa isa't-isa. Sabihin pang pareho pa silang bata nang mga panahong iyon. Napabuntong-hininga siya at pumasok na sa banyo para maligo, hindi siya dapat mahuli at nakakahiya sa kausap niya.
" Good morning Tito", bati ni Zia kay Atty. Domingo. Abogado na ito ng pamilya nila noon pa man at ama ito ng kaibigan niyang si Leah. Ito ang umaasikaso sa pagbili niya ng lupa na pagtatayuan ng negosyo niya. Balak niyang maglagay ng branch ng Leinays upang may mapaglibangan siya habang nasa bansa siya.
BINABASA MO ANG
The First Time I Saw You
RomantizmZia and Kenneth met each other when they are still too young. Yet despite their age, they found true love. But circumstances pushed them apart. By fate, they are reunited. Will they continue where they left of or will they realize that they are no...