Pictures

242 7 0
                                    

Excited na bumaba ng hagdan si Zia matapos siyang katukin ni Neneth at sabihing nasa baba na ang kaniyang nobyo. Halos hindi siya nakatulog kagabi sa kaiisip dito. Pero kahit puyat ay maaga siyang nagising upang maghanda sa pagdating nito.

They will be having lunch in his parent's home then ipapasyal siya nito sa sariling bahay nito which is only two blocks away. Nasa iisang subdivision lamang sa Paranaque ang bahay nito at ng mga magulang.

​Matamang pinagmasdan ni Kenneth ang nobyang pababa ng hagdan. She's wearing a light yellow sleeveless sundress na lalong nagpalitaw sa taglay nitong kaputian.

Hangang tuhod ang haba nito kaya litaw na litaw ang makikinis nitong binti. She really has a very nice pair of legs. Napangiti siya ng magsalubong ang mata nila at mabasa niya sa mga mata nito na alam nito ang tumatakbo sa isip niya.

​"Did I pass the examination Atty. Montero?" nakataas ang kilay na tanong niya, bagaman may ngiti sa mga labi.

Pinasadahan niya ito ng tingin, he is wearing a faded jeans and a light blue poloshirt na nakapaloob sa pantalon nito. Despite the casual attire, napakaguwapo pa din nito.

​"With flying colors sweetheart" nakangiting turan niya sabay kintal ng halik dito sa labi.

"You're always beautiful kaya nga namomroblema na ako kung paano ka itatago sa ibang mga lalaki."

Nakangiting umingos lang ito.

"Let's go, hinihintay na tayo sa bahay. I must warn you though na hindi ka na puwedeng magbago ng isip after mong makilala ang pamilya ko."

​"I'm actually excited and a bit nervous to meet them. Magugustuhan kaya nila ako para sa iyo?" may agam-agam na tanong niya sa nobyo.

​"Relax sweetheart, they'll love you. Nakakatiyak ako dun, lalo na si Mama"

​Nag-aabang na ang isang may edad na babae sa pintuan. Napakaganda pa rin nito sa kabila ng edad nito. Katabi nito ang may edad na ding lalaki na marahil ay ang ama ng kasintahan. Kitang-kita ang malaking pagkakahawig ni Kenneth dito. Kapwa nakangiti ang mga magulang ng nobyo, kaya hindi pa man niya pormal na nakikilala ang mga ito ay agad nang napalagay ang loob niya. His parents both had a very welcoming expression.

​Nakaalalay si Kenneth sa kaniya nang lumapit sila sa mga magulang nito. ​

​"Zia, I want you to meet my mother Marissa Montero and my father Eduardo Montero. Ma, Pa I want you to meet my girlfriend Alizia dela Rosa" pagpapakilala ni Kenneth sa kanila.

​Humalik siya sa pisngi ng mga ito bilang pagbati.

"It's nice to meet you Sir, Maam"

​"Call us Tito ang Tita hija" anang ama nito....

​"or better yet, start calling us Mama and Papa" singit ng ina nito na niyakap siya.

"I'm so glad to have finally meet you hija. My son has been talking endlessly about you mula ng makita ka niya ulit" nakangiting turan nito at inakay na siya papasok sa loob.

"Doon muna tayo sa lanai habang hinihintay natin ang tanghalian"

​Nahinto sa paghakbang si Zia ng makita nito ang isang dalagitang tumitili.

"Kuya Kenneth, I can't believe it, nandito talaga si Ms. Zia, ang may ari ng Leinays and is she really your girlfriend" patuloy na sigaw nito.

Napahinto ito ng mamataan siya ngunit agad ding tumili. "It's really you... oh my god.... Oh my god.... Hihimatayin ako" umaarteng wika nito.

​Napapailing na lang na inakbayan siya ni Kenneth at ipinakilala sa kapatid nito.

"Sweetheart meet my sister Tiffany. Pagpasensiyahan mo na at ganyan talaga yan, lalo na pag di natuturukan ng gamot" tumatawang wika nito.

The First Time I Saw YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon