The Kiss

251 6 0
                                    

Maaga silang umalis kinabukasan para di sila tanghaliin sa daan. Alas-kuwatro pa lang ng madaling-araw ay sinundo na siya ni Kenneth sa bahay niya.

​"Saan kayo sa Pangasinan Zia?"

​"Sa Alaminos talaga kami nakatira. Nung ten years old ako lumipat kami nina Mommy sa Quezon City dahil sa trabaho ni Daddy. Doctor kasi siya at nakuha siya sa isang ospital dun that time. After three years lumipad naman siya patungo States para dun magtrabaho then sumunod na kami sa kanya."

​"Bakit di niyo pa binenta ang mga properties niyo kung nandun na kayong lahat?"

​"Gusto ng parents ko na umuwi ng Pilipinas kapag nag-retire na sila. Anyway maiiwan naman sina Kuya sa US by that time para asikasuhun ang negosyo nila since nandun ang kani-kaniyang pamilya nila. Kaya hanggang ngayon ayaw nilang ipagbili ang farm kahit pa may mga gustong bumili niyon"

​"Ikaw, mas gugustuhin mo bang sa US tumira?"

​"Sa ngayon masaya ako dito. Yon lang ang masasabi ko." Umiiwas na sagot niya sa tanong nito.

"Medyo malayo ang biyahe natin, kung pagod ka na, pwede kitang palitan sa pagda-drive" pag-iiba niya ng usapan. Sasakyan nito ang gamit nila sa pag-uwi.

​"Nah, I'm fine, sanay ako sa long drive. Ang mabuti pa ay umidlip ka muna. Gigisingin kita pag papasok na tayo ng Pangasinan para maituro mo sa akin ang papunta sa inyo"

​"You have a nice place Zia" humahangang wika ni Kenneth pagdating nila sa farm ng pamilya nito.

Isang malaking bahay ang nakatayo sa malawak na solar. Mediterranean style ang bahay at kahit matagal ng walang nakatira doon ay hindi ito napabayaan. Napapaligiran ito ng mga iba't-ibang puno. Sa harap ng bahay ay iba't-ibang halaman naman ang namumulaklak.

"Sariwa ang hangin, ibang-iba sa Manila"

​"Thank you. Mga tanim ni Daddy ang mga puno ng apple mango na yan at mga sineguelas. Si Mommy naman ang nagtanim ng mga roses at chrysanthemum na nakikita mo. Mabuti naman at di sila pinabayaan ni Manang Trining" anito na ang tinutukoy ay ang matandang katiwala na sumalubong sa kanila.

​"Halika muna sa loob at nang makapagpahinga muna tayo bago mananghalian. Pagkakain, ituturo ko sa 'yo ang kwarto mo, baka gusto mong umidlip. Mahaba din ang biyahe natin at ikaw lang ang nagmaneho." Aniyang niyaya na itong pumasok sa loob ng bahay.

​Pagkakain ay nagpahinga lang sila bago naglibot sa buong farm. Overnight lang sila roon dahil umuwi lang naman siya upang kumustahin ang lagay ng farm nila. Bukas ay babalik din agad sila ni Kenneth sa Manila.

​Napamura si Kenneth ng mabuksan ang isang envelope sa mesa niya pagpasok niya ng araw na iyo. Nasira ang katuwaang nararamdaman niya dulot ng pagkakasama sila ni Zia nitong katatapos lamang na week-end. Naglalaman iyon ng babala na bitawan na niya ang bagong kasong hawak niya.

​"Sheena, pumasok ka muna rito sandali" tawag niya sa kaniyang secretary "Sinong nagdala nitong sulat na 'to. Walang stamp ng post office, ibig sabihin personal na dinala 'to dito"

​"Sir, hindi ko po alam. May nag-abot lang daw po niyan sa guard natin."

​"Okay" aniyang bumuntong-hininga na lang, "na-confirm mo na ba kung pupunta ngayon dito sina Mara. Kailangan ko silang maka-usap, isasampa na natin ang kaso bukas laban kay Mr. Cervantes."

​"Tinawagan ko na po sila Sir, darating daw sila around ten."

​"Okay, inform me when they arrived, for the meantime ayoko munang maistorbo. Handle all my calls. "

​"Okay po Sir, yon lang po?"

​"Yes, you may leave now. Thank you"

Pagkalabas ng secretary niya ay tinawagan niya ang kaibigan niya. Ayaw niyang ipagwalang bahala ang natanggap niya lalo na't kilalang tao ang kalaban niya at marami na rin siyang naririnig na masamang balita tungkol dito. Ayaw niyang malagay sa panganib si Zia gaano man ito kaliit dahil lamang sa kasong hawak niya. Kilala niya ang likaw ng bituka ng negosyanteng ito. Marumi itong maglaro, katunayan ay marami ng kasong naisampa dito ngunit lahat ay nadi-dismiss sa hindi maipaliwanag na dahilan. Ang ilan sa mga kalaban nito ay kusa namang inuurong ang kaso laban dito.

The First Time I Saw YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon