Happiness

493 11 0
                                    

​Isang napakagandang kasal ang nagaganap sa Manila Cathedral. Napakalamyos ng musikang maririnig na tila ba mga anghel ang umaawit. Humahalimuyak sa bango ang simbahan na punong-puno ng iba't-ibang klase ng bulaklak. Halos lahat na yata ng bulaklak ay makikita na sa simbahan, mula sa Pilipinas ganun din ang sa ibang bansa lamang makikita. Sadyang ipina-angkat pa ni Kenneth ang mga iyon sa ibang bansa para lamang sa pag-iisang dibdib nila ng minamahal. Sinikap ni Kenneth na ibigay ang pinakamagandang kasal sa babaeng pinakamamahal, sa kabila ng maiksing panahon ng paghahanda. He wants the best wedding for Zia, para sa kaniya, minsan lang silang ikakasal kung kaya lahat ng kaya niyang gawin ay ibibigay niya.  Nais niyang maramdaman ng sinumang dumalo sa kasalang iyon ang labis na pagmamahalan sa pagitan nila ni Zia.

​The groom looks so handsome in his pristine Armani suit. Lalong tumingkad ang kakisigan nito lalo na't mababakas sa mukha nito ang kaligayahan. Kahit sino ang tumingin sa groom ay makikita sa mga mata nito ang labis na pagmamahal para sa mapapangasawa.

​The bride on the other hand is very beautiful in her simple yet very elegant Channel gown. She is so radiant and happiness is reflected on her eyes. Makikita din sa mga mata nito ang pagmamahal habang nakatitig ito sa lalaking naghihintay dito sa harap ng altar.

​Hindi inaalis ni Kenneth ang mata kay Zia habang naglalakad ito palapit sa kaniya. May ngiti sa kaniyang mga labi nang matanto niyang sa wakas ay patungo na ngayon sa kaniya ang direksiyong tinatahak nito hindi kagaya noon na lagi na lamang palayo.  Bumalik sa alaala niya ang panahong nagdaan.

Matapos ang paghihiwalay nila noon ni Zia sa Zambales, nagtungo siya sa paaralan nito. May dalawang linggo pa noon bago ang graduation nito kung kaya't pumapasok pa ito. Ilang beses siyang nagtungo doon upang abangang lumabas ang dalaga ngunit hindi siya nagkalakas ng loob na lapitan ito. Pinagkasya niya na lamang ang sariling pagmasdan ito sa malayo. Kahit na nang araw na umalis ito ay naroon siya sa airport upang ihatid ito ng tanaw. Si Leah ang nagsabi sa kaniya kung kailan ang alis nito, hindi niya alam na nakita pala siya nito kung kaya nilapitan siya. Ibinigay din ni Leah sa kaniya ang e-mail ni Zia noong araw na umalis ito. Ngunit sa pagnanais na irespeto ang kagustuhan nitong manatiling wala silang communication ay sinadya niyang iwan sa basurahan sa airport ang papel na kinasusulatan nito. Lagi na lamang isang palayong Zia ang naiiwan sa kaniyang ala-ala.

Kaya naman wala pagsidlan ngayon ang kaligayahan niya ngayong sa wakas ay isang Zia na palapit na sa kaniya ang kaniyang natatanaw. Sa wakas ay makakapiling na niya ito habang-buhay kasama ng magiging anak nila. Pagkagaling nila noon sa opisina nito nang araw na magka-ayos sila ay nagpa-chek-up ito at nalaman nilang limang linggo na itong buntis. Kaya nga minadali niya ang pag-aayos sa kasal nila upang hindi pa gaanong mahalata ang tiyan nito.

​Marahang naglalakad si Zia palapit sa lalaking minamahal sa pagitan ng mga magulang. Hindi niya inaalis ang tingin sa lalaking naghihintay sa kaniya sa harap ng altar. Alam niyang simula sa araw na ito ay malulubos na ang kaniyang kaligayahan sa piling ng lalaking minamahal. Finally her heart has found home. She thought she won't be able to go back home after she has left it to Kenneth thirteen years ago. Habang naglalakad ay di niya mapigilan ang daloy ng ala-ala...

​"Til we meet again Kenneth" aniyang sumakay na sa bus.

Sinadya niyang hindi ito lingunin dahil ayaw niyang makita nito ang lungkot sa kaniyang mga mata. At ayaw niyang magbago ang isip niya dahil alam niya kapag nilingon niya ito ay babalikan niya ito upang sabihing gusto niyang ituloy ang nasimulan nila. Na hihilingin niya dito na kahit sa pag-alis niya ay ipagpatuloy pa din nila ang communication nila. Ayaw niya iyong mangyari dahil unfair iyon para dito. Maari pang may makilala itong iba at ayaw niyang itali ito sa kaniya habang malayo siya.

​Kasabay ng pag-usad ng bus nila paalis sa lugar na iyon ay ang pagpatak ng luha niya at pamamaalam sa unang lalaking minahal. Alam niyang hindi niya ito malilimutan kailanman dahil alam niya sa kabila ng kabataan niya, na ibinigay na niya ang puso dito at alam niyang hindi na siya magmamahal pa ng iba.

​Kaya namang ngayong natagpuan na niya uli ito ay labis-labis ang pasasalamat niya sa Maykapal.

​Buong pagsuyo at pagmamahal na inabot ni Kenneth ang kamay ni Zia nang makarating ito sa harap niya at buong ingat itong inakay sa altar.

"I love you sweetheart" bulong niya rito.

​"I love you too Kenneth"

​Hindi binitiwan ni Kenneth ang kamay ni Zia sa buong misa para sa kanilang kasal. And when the priest pronounced them to be man and wife and for him to kiss his wife, tumingin muna siya sa itaas at umusal ng pasasalamat .

"Thank you Lord for this wonderful gift you have given me to love and to cherish forever'.

​Inangat niya ang belo ng asawa at ginawaran ito ng masuyong halik sa labi kasabay ng masigabong palakpakan ng mga sumaksi sa kanilang pag-iisang dibdib. Sa puso ng dalawang ikinasal, alam nilang ito na ang simula ng kanilang walang hanggang kaligayahan... sa piling ng bawat isa at ng magiging anak nila.

The First Time I Saw YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon