Engaged

216 9 0
                                    

​"I'm so glad, you finally get to visit us hija. Akala ko ay kinalimutan mo na kami ng Daddy mo" anang Mommy niya na mahigpit ang yakap sa kaniya.

Dinalaw ni Zia ang mga magulang sa US at isinama na rin niya ang kasintahan upang ipakilala sa mga magulang ng personal.  Ramdam niyang kinakabahan ang nobyo sa kaniyang tabi. Pinisil niya ang palad nito bilang reassurance dahil hindi pa siya binibitawan ng ina sa pagkakayakap nito.

​"Mom, I can't breath. Hi Dad" bati niya sa ama na nasa likuran nito.

​"Welcome home baby. Hon, let go of your daughter para maipakilala naman niya sa atin ang kasama niya" nakangiting wika ng ama.

​"I'm Kenneth Montero Sir, kusang pakilala ng binata sabay abot ng kamay sa ama ng kasintahan.

​"Just call me Tito Luis young man and this lovely lady here is my wife, your Tita Betina."

​"How are you hijo?" bati ng ina ni Zia dito. "Tama nga ang pagkaka-describe sa iyo ng anak ko sa iyo as the hunky lawyer who is too handsome for his own good'", nakangiting turan nito.

Pulang-pula si Zia sa sinabi ng kaniyang ina lalo na ng makita niya ang makahulugang ngiti sa mga labi ng kasintahan.

"Mabuti pa, pumasok na tayo sa loob. Malamig dito" aniyang nauna ng pumasok.

​"You look happy darling" ang Mommy ni Zia. Sinundan siya nito sa kuwarto niya upang tulungan sa pag-aayos ng kaniyang mga gamit. Iniwan niya ang mga ito kanina sa ibaba habang kausap si Kenneth.

​"I'm happy Mom. I have never been this happy in my entire life kahit na noong makilala ang Leinays ay hindi ko ito naramdaman. Parang kulang ang kaligayahan ko noon di tulad ngayon. "

​"anong plano niyong dalawa?"

​"We are taking things slow for now. One at a time, after all kakasimula pa lang naman ng ralasyon namin"

​"I thought there was already something between you thirteen years ago?"

​"It has never materialized back then Mom. Kaya ngayon pa lang talaga kami nagsisimula. Kinikilala pa lang naming ang isat-isa"

​"If you say so..." anang ina niya na nagkibit-balikat. "I'm just so happy that there is now a spark of life back in your eyes. I miss that look so much. Alam kong naapektuhan ka ng husto sa pagsunod mo dito noon. Hindi ko naman alam ang dahilan kung bakit. Ngayon ko na lang nalaman dahil sa kuwento mo. I'm so glad you finally found him" anito na niyakap siya.

​"Thank you Mom"

​"Tama na nga 'to, mabuti pa bumaba na tayo at baka ginigisa na ng ama mo si Kenneth. Mayamaya lang ay darating na rin ang mga kuya mo. Dito sila magdi-dinner."

​"What happened to you at nagustuhan mo ang brat na to?"  tanong ng kuya Tristan niya kay Kenneth. Ito ang panganay na kapatid niya, sumunod dito ang Kuya Jace niya.

Kasalukuyan silang naghahapunan noon kasama ang mga kapatid niya na dumalaw din sa bahay nila upang makilala ang binata.

​"Mom, di nyo naman tinuruan itong bunso niyo ng voodoo bago natin iniwan sa Pilipinas di ba? Baka kasi ginayuma lang niya itong si Kenneth kaya niya nadale" segunda ng kuya Jace niya.

​"I really love you guys. Hindi niyo talaga mapapalampas ang pagkakataon para inisin ako. It's a good thing your wives are already your girlfriends when I got here, otherwise, you'll be the first to taste my knowledge in voodoo" napipikong banat niya sa mga ito.

​"Hey, little sister, Huwag ka namang pikon. Ito naman, para nilalambing lang" She just stuck out her tongue to her brothers.

​"Tama na nga iyan, kumain na tayo. Tigilan niyo iyang kapatid niyo" saway dito ng kanilang ama. Pinandilatan niya ang dalawang nakatatandang kapatid.

​"See, what I need to put up to" baling niya sa katipan. "It's a good thing nahuli ako ng isang taon dahil tinapos ko muna ang highschool. Kahit paano nakawala ako sa dalawang yan" . Masuyo lang siyang tinitigan ng katipan, na napansin niyang kanina pa tahimik at parang kay lalim ng iniisip.

​"Mukha kang kinakabahan?" puna ni Zia sa kasintahan. "Kanina ka pa walang imik."

Kanina nang nasa itaas ang nobya ay kinausap niya ang ama nito upang pormal na hingin ang kamay ng kasintahan. Bago talaga sila tumulak papunta roon ay may binili na siyang engagement ring.

"Relax, di ka kakainin ng dalawang monster na nandito. Lagot sila kina Ate Gemma at Ate Lexie" tukoy nito sa asawa ng mga kapatid. Tumikhim muna si Kenneth bago nagsalita.

​"Sweetheart, nakausap ko na ang Mommy at Daddy mo, I already ask their permission and they have willingly given their blessing. Sagot mo na lang ngayon ang kailangan ko" anitong tumayo at hinawakan ang kamay niya at iniharap siya dito.

​"Kenneth, ano ba, kinakabahan ako sa ikinikilos mo. Ano bang sinasabi mo" nalilitong turan niya.

Napansin niya na nakangiting nakatingin sa kanya ang buong pamilya niya. Tumikhim uli ang kaniyang nobyo at huminga ng malalim bago lumuhod sa harap nya.

​"Sweetheart, I know this isn't the most romantic proposal, pero gusto kong nakaharap ang pamilya mo kapag tinanong ko sa'yo to. "nanlalaki ang mga mata na napatakip na lamang si Zia sa bibig niya at nagsimula ng tumulo ang mga luha niya habang titig na titig sa kasintahan. Hindi pa man ay alam na niya ang kahahantungan ng tagpong iyon.

"I love you so much love at sa harap ng pamilya mo, nangangako ako na mamahalin kita habang buhay. I will take care of you forever. I promise to make you happy for the rest of your life" may dinukot ito sa bulsa nito at mula doon ay inilabas nito ang isang kahita at tumambad sa harap niya ang isang singsing.

Napakaganda niyon. White gold at may isang malaking diamond sa gitna na kumikinang. Lalo pang bumukal ang luha sa kaniyang mga mata. Hindi niya inaasahang ang pagdalaw nila sa mga magulang niya any mauuwi sa pagpo-propose ng kasintahan. Humugot uli ng malalim na hininga ang nobyo before he popped up the question.

"Alizia dela Rosa, will you marry me?" tanong nito habang titig na titig sa kaniya. Mababanaag sa mga mata nito ang lubos na pagmamahal sa kaniya at pag-asam na sana ay pumayag siya.

​Hindi makapagsalita sa labis na kasiyahan na napatango na lang siya sa tanong ng kasintahan. Iyon lang at isinuot na nito ang singsing sa kaniyang kamay bago siya nito niyakap ng mahigpit at ginawaran ng masuyong halik sa labi. Napansin niyang naluluha na din ang kaniyang ina gayun din ang dalawa pa niyang hipag ng maghiwalay sila ni Kenneth.

​"Oh, I'm so happy for you baby" anang kaniyang ina na niyakap siya pagkatapos siyang pakawalan ni Kenneth. Ganun din ang Daddy niya na niyakap silang mag-ina.

​"Don't make my daughter cry young man. Make her happy" wika pa nito sa kaniyang kasintahan.

​"I won't make her cry Tito"

​"Welcome to the family tol" anang kuya Jace niya, tinapik lamang ito sa balikat ng kuya Tristan niya.

The First Time I Saw YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon