Chapterizationalism 1

167 23 5
                                    

Eyebrows? Check! On fleek talaga!

Eyes? Check!

Nose? Tangos a! Check!

Lips? Dagdagan ko pa siguro ng liptint? Okay, Done! check na check!

Hair? Wag ko nang itali.

And now I'm fi-

"Lintek Jarzie! Para kang namamasyal sa buwan, kanina pa nasa baba si Harry! Pambihira kang bata ka!"

"Eto na, Ma!"

Bumaba na ako at sinilip ko sa bintana si Harry pero hindi siya ang nakita ko, isang magandang sasakyan! Aba mayaman to! This is my first date kaya dapat act normal. Kaya mo to Jarzie! Binuksan ko ang aming main door at bumungad sa akin si Harry.

"Hi, Harry!"

"Magandang umaga mahal kong prinsesa," sabay halik sa aking kanang kamay. "Tara na" OMG I CAN'T TO RIDE ON THAT CAR.

Nakilala ko lang si Harry sa Facebook hindi pa namin gaanong kilala ang isa't isa.

Lumapit na ako sa kotse at hindi man lang ako pinagbuksan ni Harry ng pinto!? Saan na ba yon? Ah! baka nagpaalam pa kay Mama. Pasok na nga lang ako sa loob. Excited na kasi ako e. Binuksan ko ang pinto.

"Manong, sino po kayo?"

"Ikaw? Sino ka?"

"Hoy manong! Ano ang ginagawa mo sa kotse ng boyfriend ko?"

"Jarzie, ano ang ginagawa mo diyan? Bilisan mo na!" tumingin ako sa kanya at nakasakay na ito ng motorcycle. Binalik ko ang tingin ko kay Manong.

"Ah manong pasensya na po. Kala ko po kasi kotse ito ng boyfriend ko magkamukhang magkamukha po kasi e" pagsisinungaling ko. Sinirado ko agad ang pinto ng sasakyan at lumapit ako kay Harry.

" Kilala mo yon?"

"Ah, oo ninong ko yon. Napadaan dito sa bahay binisita si Mama" I lied.

"Oh okay. By the way, saan mo gustong pumunta?"

"Kahit saan lang." sumakay na ako sa kanyang motor. Pinaandar na niya ito at umalis na kami.

******

Andito na kami sa place na maraming restaurant. Wow! Ganda dito!

"Saan tayo kakain?"

"May alam akong kainan dito na masasarap ang kanilang mga luto! Wait, dapat nakablindfold ka." Excited ako!

Hindi na ako umangal pa, kinuha ko ang akng panyo nilagay ko na sa aking mga mata. Dali-dali niya akong hinila.

"Malapit na tayo."

"Lakas ng trip mo Harry"

"Andito na tayo," hinubad na niya ang panyo. Wow, Harbour City! Mukhang masasarap nga dito ang mga pagkain. "Ta-da! Mang Berting's Street Foods!," Huh? Saan na ba siya? Tumalikod ako. WHATT THEE!? STREET FOODS!? Yuck!

"Wow. Mukhang masarap nga dito," sabi ko with fake smile. Ngumiti din ang GAGO!

"Ano gusto mo?"

"Ikaw ang bahala"

"Okay, ang paborito ko na lang. Manong, 2 orders nga ng fishball. Salamat."

"Ang ganda naman ng girlfriend mo, iho."

"Ang swerte ko nga po sa kanya e." Swerte mo mukha mo.

"Eto na ang dalawang fishball para sa magkasintahan."

"Salamat po, manong. Eto po ang bayad." Inabot niya ang 50 pesos. "Keep the change na lang po"

"Godbless you, iho. Salamat."

LOVING HIM IS NOT A CRIME(PEKINING ON GOING)Where stories live. Discover now