"JARZIE LOVE KHYZER"
ANO ITO?! WHAT'S HAPPENING?! JARZIE LOVE KHYZER?
Nabitawan ko ang hawak ko na roll-roll.
"ARAYYYYY! UGHHHH!" Sumakit lalo ang ulo ko. PUTAA ANONG NANGYAYARI SA AKIN. Napaupo sa ako sa sobrang sakit. "Araayyy!" Lumapit sa akin si Boss.
"Jarzie, are you okay!?" Hinawakan niya ako sa shoulder. Niyakap niya ako.
"Mukhang okay ba ako, Boss? UGHHH!" Something may nagthrowback sa isip ko. Hindi pa rin siya kumalas.
"I'm so sorry na hindi ko sinabi ko sa iyo ng maaga."
Ano?! Anong pinagsasabi niya!? Ano ba ang meron diyan sa sulat na yan! Bakit parang may something yan dyan?
Parang may naaalala na ako. Parang malabo siya e. Parang hindi totoo. Parang hindi ko maexplain.
KAANO ANO KO SI KHYZER?! MAY ANO SA AMIN NI KHYZER?! NAPAANO BA AKO?! BAKIT HINDI KO MAALALA ANG IBA. PARANG MAY KULANG.
Kulang talaga.
"Boss?" Humihikbi hikbi ako. "Bakit may Jarzie love Khyzer yan dyan? Tayo ba yan? O iba? Ano ang lugar na to?"
"That's why sinama kita dito. Katingiting, Bulaywan. Hindi mo ba talaga naalala? Wala ka ba may naalala dito?"
"Wala. Wala talaga boss pero may something talaga sa place na ito. Dito talaga sa room na ito."
"We wrote this when we are kids. Dito tayo dati naglalaro. Dito iniiwan ng mga magulang ang mga bata para maglaro. Dito tayo nagkakilala." Pero paano? Ano ang ginawa namin dito? Kasama ko ba si Papa at Mama? "Iniwan ka dito ni Mama at Papa mo kasi may inasikaso sila dito sa Hotel na 'to." Umupo siya sa tabi ko. "Tapos nilapitan mo ako kasi maglalaro ka rin nang Rubik's Cube. You've ask me what's my name. I said Khyzer, then sabi mo ang pangalan mo Jarzie. Nagtanong ka agad kung pwede ko ikaw turuan magrubik's cube. Sabi ko naman sure. Naglaro tayo doon hanggang maghapon. Alalang alala ko pa yun. Tapos nagkwentuhan tayo about sa life natin. Hanggang sa pabalik balik ka dito at ako naman palagi kang hinihintay. Tapos ilang araw na tayong nagkikita nag-aminan tayo ng feelings. Sabi mo sa akin 'Khyzer, may sasabihin ako sayo' sabi ko naman 'Ano yon?' sabi mo 'Mahal na kita' tapos nagulat ako nung sinabi mo yun kasi pareho tayong na feel. Sabi ko sayo 'Same, I love you.' Tandang tanda ko pa ang mga linyang iyon. Hinding hindi ko yun makakalimutan. Tapos sinulat natin yan." Tinuro na muli ang sulat na iyon.
"E bakit hindi ko matandaan ang mga ito?"
"May 9, 2010, ang date na hinding hindi ko makakalimutan. Yan yung araw na hindi na tayo nagkita pa. Pabalik balik ako dito sa room na to. Pero walang Jarzie dito sa room. Mga ilang weeks ang nakalipas. May binalita may naganap car accident malapit lang sa place na to. Nagtanong tanong ako kung sino ang nakacar accident sabi nila ang hindi nila alam hindi daw taga dito kaya malakas ang kutob na na ikaw yun. Sabi ko sa kanila ilan sila. Sabi nila tatlo sabi ko kayo nga yun. Pinuntan ko kayo sa hospital. Nandoon nga kayo. Nakita kong okay ang kalagayan ng Mama mo at Papa mo pero ikaw dinala ka pa sa ER. Sinabihan ko ang doctor na gawin niyo ang lahat para lang mabuhay ka. Natapos na iyon, pero hindi ka pa gumigising. Hindi ako kumain nun wala rin akong maayos na tulog. Hanggang sa gumising ka na. Ang saya-saya ko nun dahil naggising ka na. Peroo.." Bakit may pero? Ano yon? Pinutol na din ang sasabihin niya.
"Pero ano?"
"Pero ang sabi mo sa akin sino ako at hindi mo ako kilala. Kaya nagpakalayo-layo na lang ako. Pumunta ako sa room na ito at tsaka sinabi kong sa mga magagandang alaala may mga masasamang nagaganap. Tama nga naman e. Tapos ilang weeks ang nakalipas. Pumunta dito ang Papa mo. Hinahanap niya daw ako I don't know why. Tapos sabi niya sa akin 'thank you for everything.' Sabi ko sa kanya bakita siya nagpapasalamat sabi niya dahil pinasaya mo si Jarzie ang anak ko. Tapos sabi niya sa akin aampunin niya daw ako. Sumang-ayon na din ako kasi gusto ko pa ikaw makita. Pero, sabi niya sa akin nag-asawa siya ulit. Tapos ikaw naman kay Mama mo ikaw sumama kasi hindi mo nakilala ang Papa mo. Natakot daw ikaw sa kanya." Tumawa siya ng saglit.
Biglang sumakit na naman ang ulo ko. Lahat ng sinabi niya nilagay ko sa aking isipan.
Naaalala ko na ang lahat.
"Sa totoo lang, Jarzie..."
"Hanggang ngayon mahal pa din kita."
KRA_DLE