"Where do you want to go, Jarzie?"
"Pwede po boss sa pool?"
"Sure. Need to change your clothes. I'll be waiting."
"Okay boss." Pumunta na ako sa room.
Oo nga may bikini ako dito kaso nakakahiya.
Grr. Even I like it or not, wala na akong magagawa. Maliligo kami e.
________
"Nandito na ako, Boss. How do I look?"
"You look.....beautiful." Lumapit siya sa akin hinawakan niya ang aking bewang. Nilapit niya ang kanyang mukha sa akin. "I love you....so bad Jarzie." Malapit na lang didikit na ang aming mga labi.
"HOY MAGANDANG BABAE GUMISING KA NA."
"HOY MAGANDANG BABAE GUMISING KA NA"
*HMMMM* WHATTT!? ANO YUN?! BAKIT GANON? HUHH?
ANG WEIRD NG PANAGINIP KO.
Si Boss? Ano niya ako? Uhmm HINDII! HINDII PWEDEE.
"Arayy." Sakit ng ulo ko.
5:00 am pa lang. Nagpa-alarm talaga ako e.
Maliligo na ako. Kinuha ko na ang aking towel sa may sabitan banda sa door. Pumasok na ako sa CR.
*******
5:13 amAnong ang dadamitin ko?
Uhmm.
T-shirt na lang tapos Vintage para cool. Tinatamad na akong pumorma pa.
Nagsuot muna akong ng panty habang ang towel nakatagpi pa rin sa aking katawan. Sinunod ko yung bra.
Matapos nito, sinuot ko na ang porma ko ngayon.
5:21 am
Sinuklay ko na ang aking buhok.
Wala na itong hair-do hair-do.
Maglalagay ako ng liptint. Konti lang. Tsaka mascara and we're all done.
5:32 am
Hindi na ako kakain. Ibababa ko na lang ang aking mga gamit.
"Jarzie!"
"Tangina, Ma naman! Suntukin kita kaya diyan." Nakaupo siya sa may sofa namin.
"O baon mo oh." Sabay abot sa akin ng isang libo.
"Aww! You're so ano Ma, yiiieee you're so ugly este thoughtful. I love you Ma."
"Mahal din kita, anak. Magcocommute ka ba?"
"Ah hindi po, susunduin ako dito ni Boss."
"Ano!? Susunduin ka niya? Pakilala mo ako, anak ha?"
"Hahaha, sige ma."
"Pero parang may meaning yang sundo na yan e."
"Ano ka ba Ma? Normal lang yan kasi secretary niya ako." Pero secretary niya lang ako. May meaning nga ba?
"Ah sige anak. Maya-maya andyan na si Boss mo."
"Kung gusto mo ipakilala kita sa kanya, magbihis ka nga ng maayos ayos na damit."
"Sige-sige balik lang ako."
5:43 am
Ilang minuto na lang andito na si Boss.
Pero naiinip na ako, sana mga 5:20 o 5:30 ang paalarm ko.
"Anak, okay ba?"
"Ma, hindi ka na lng nag-gown. Hahaha! Joke lang Ma. Okay na yan ma, pumangit ka lalo. Hahaha."