Chapter 3

206 12 0
                                    

Nagustuhan ng aming prof ang aming thesis title at sadyang naglolook forward siya para sa ipepresent namin kaya iyon mukhang maganda talaga na ito ang ginawa naming topic.

"Huyyyy paano ba yaaaan? Kailangan nating interviewhin si Mr. Lim bukas kaso wala ako. Paano yun?" Sabi sakin ni Ally habang nagrereklamo at nagdadabog

Nasa canteen kami ngayon naglulunch. Mamaya pa naman kasi ang klase namin.

"Ha? Siguro pwedeng ako na lang? Kasi mahirap hagilapin si Mr. Lim, tatawagan ko pa nga lang siya mamaya eh" sabi ko sa kanya

"Eh?? Paano yun? Okay lang ba sa iyo?" Mukhang alalang alala talaga ito kasi syempre group work yun, dapat sabay sabay kaming gagawa.

"Oo naman" ngiti ko sa kanya. Importante naman yang pupuntahan mo ihh"

Bigla bigla niya lang akong niyapos "nakohhhh! Thanks groupmate. Alam mo kung pwede ko lang sigawan yang dalawa pa nating kagrupo kasi di sila tumutulong kaso suspended pa rin sila ihh"

"Pssh hayaan mo na! Ako bahala sa kanila kapag nabalik na sila" pero sa totoo nan, excited na talaga akong makausap si Mr. Lim.

---
Nung araw na yun kinagabihan, nagdadalawang isip pa ako kung tatawagan ko pa si Mr. Lim kasi nakakahiyang sadya pero wala dinala pa rin ng utak ko ang mga daliri ko sa pangalan niya sa sa contacts.

I pressed call. Halos lumabas na ang puso ko sa sobrang kaba. Di rin ako mapakali sa kwarto ko kasi palakad lakad ako sabay pa nito ang pagkagat ko ng kuko.

"Hello?"

Nagulat ako kasi biglang may nagsalita sa kabilang linya. Tiningnan ko pa ulit yung screen ng cellphone ko kung totoo nga na may nagsalita sa pamamagitan ng timer na nandun. Puta totoo nga. "Hello? Are you still there?"

Tangina ang lalim ng boses, napakasexy ay! "Hello po sir"

"I knew you would call. Hi Louise"

Putangina bakit yung ngiti niya abot hanggang linya ng cellphone ko "Louise."

"A-ah yes sir. Itatanong ko lang po kung pwede kayo bukas. Kailangan lang po para sa interview."

"You will be there right?" Tanong niya sa akin

"Uhmm. Sa totoo po nan baka ako lang po ang pumunta bukas. Halos wala po kasi yung mga kagrupo ko. Kaya baka ako lang po. Pasensya na po kayo."

"Great. See you tomorrow. 6pm. Go here directly at JWC, I will be clearing my schedule for the interview."

Halos tumalon ang puso ko sa tuwa, syett! Maglalaan talaga siya ng oras para sa amin!!!

"Thank you po sir" sabi ko habang pigil na pigil ang pagngiti sa kabilang linya.

I heard the ending sound from my phone that signaled me that he was already gone. Hindi man lang siya nagbabye or naggoodnight man lang. Medyo nadisappoint ako, konti lang naman.

---
Kinabukasan, inagahan ko talaga ang pagpunta sa office ng JWC. Kasi kahit parang magasgas ang ugali ni Sir Lim eh nahihiya pa rin naman ako sa kanya kahit papaano kasi syempre CEO siya at maraming ginagawa. Sino ba naman akong di hamak na estudyanteng humihingi ng oras niya.

Just This Once #ManilaTimesAwardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon