Disclaimer: This chapter contains heavy language and Sexual Scene. If you don't want to read the scene beforehand you can skip it and proceed to the next Chapter. Strong Guidance is advised
Enjoy the Story!
***
"Michael... anong ginagawa mo dito? Gabi na—""Let's just stay like this for a while."
I felt like he is so exhausted in this past few days lalo pa ngayong araw na ito. I tap his back. "Magiging okay din ang lahat."
Then eventually he hugged me tight. At binalik ko ang yakap na iyon kasi kailangan niya iyon. Matapos ang sandaling yakap na iyon ay iniharap ko siya sa akin. "Halika, pasok muna tayo sa loob, ikukuha kita ng tubig."
Iginaya ko siya papasok at pinaupo sa may dining area. His eyes were busy roaming around habang ako naman ay kinikuha ko siya ng tubig.
Nang matapos ako ay iniabot ko iyon sa kanya kasama ang ilang cookies, baka sakaling gutom na kasi ito. Napatingin siya sa akin dahil sa inihain ko sa kanya, "kain ka muna. Pasensya ka na, kapag kasi naginit pa ako ng ulam ay wala ka namang kanin, kaya iyan na lang muna. Binigay sa akin iyan ni Gretchen."
Kumuha siya ng isa at kinain ito. Para siyang bata na nawawala kung titingnan mo siya ngayon. Umupo ako sa tapat nitong upuan.
"Bakit ka nga pala napapunta dito?" Tanong ko sa kanya. Kung hindi man kasi ako nagkakamali ay paniguradong hindi ito dumaan nang mansyon dahil suot pa nito ang suit niya kaya malamang dito na ito dumiretso matapos niyang asikasuhin ang mga tao sa event venue.
Magulo ang buhok nito at luwag na din ang neck tie nito. "Bakit hindi mo sinabi sa akin lahat?"
Napatitig ako sa kanya. "H-ha?"
Tinitigan din ako nito pabalik. "Why didn't you tell me earlier? Nasaktan na kita... Sinaktan kita nang walang dahilan..."
"Siguro naman alam mo na din ang dahilan—"
"No. I wanted to hear it from you."
I smiled faintly and I reached for his hand, I gripped it tightly. "Michael, alam ko ang kayang gawin ni Devere. At hindi ko kayang mawala ka sa akin. Sinabi niya sa akin na papatayin ka rin niya kapag di ako umayon sa gusto niya. Alam mo naman na matagal na akong pinagiinitan ng madrasta mo. Nung una pa lang ay hindi na niya ako gusto para sa iyo, hanggang sa tinakot na niya ako para lang umiwas sa iyo pero alam mo yung hindi ko nakayanan? Yung nahihirapan ka na para makuha ang SK, sa tuwing titigan kita nun, hindi ko kayang makita ka na nahihirapan. Kasama pa noon yung takot na baka isunod ni Devere ang pamilya ko."
He was just staring at me while I am explaining myself. "Sabi ko sa sarili ko noon, hindi ko pwedeng isakripisyo ang pamilya ko at ang tao sa paligid ko para lang sumaya ako sa piling mo. Hindi ako pwedeng maging selfish. Gusto ko mang tumakbo papunta sa iyo para humingi ng tulong ay hindi ko magawa dahil natatakot ako. Natatakot ako na baka mawala ka sa akin nang tuluyan." And there a tear left my eye. "Michael... hindi ko kaya iyon. Hindi ko kaya."
"I'm sorry..." sabi nito sabay tulungan nang umiyak sa akin. Hinigpitan niya din ang hawak sa kamay ko gamit ang dalawang kamay. Ipinatong niya ang noo niya dun, he even kissed my hand. "I am sorry for causing you so much pain. Hindi ko alam kung papaano mo ito nagawa nang wala ako. Napakahirap. Dati, iniisip ko na baka ako lang yung nasasaktan pero hindi pala, you are more hurt than I do. Akala ko sa ating dalawa, ako lang ang nakakapit. I never knew it will be like this, I am so... so sorry"
Hindi ko mapigilan na hindi mapaluha sa sinasabi ni Michael. I caressed his hair, "It's okay Michael. Tapos na iyon. Hindi naman kita masisisi dahil alam ko na hindi mo alam ang totoo at nasasaktan ka din. And I am sorry for that too. Puro na lang sakit at hirap ang dinadala ko sa iyo."
BINABASA MO ANG
Just This Once #ManilaTimesAwards
RomanceHow much can you sacrifice for the one that you love dearly? This book is one of the winning entry of Manila Times Awards © TheCosmixxWriter2020