Chapter 5

193 10 0
                                    

(Pure Flashback)

Months have passed at patuloy pa rin namin ipinaglalaban ni Michael ang aming pagmamahalan but everything can't just go the way we wanted it to be.

Naglipana ang mukha ko sa iba't ibang dyaryo at sites. Isa daw akong kabit ni Michael kasi ang tunay naman daw na magkarelasyon ay si Hershey at siya... Pinaguusapan din ako ng mga tao sa loob ng isang buwan.

Nagalit din sakin si Papa dahil sa nangyari. Sinabi niya din sakin na hiwalayan ko na si Michael pero di ko pa rin ginawa. Kahit saan ako magpunta eh walang tao ang hindi ako pinaguusapan. Lalong lumala ang sakit sa puso ni papa kaya mas lalo akong nakonsensya.

Nakick out na rin ako sa paaralang pinapasukan ko dahil sa dami daw na issue na nanggaling sakin at naapektuhan daw ang eskwelahan. Tinanggap ko yun kaya nanatili na lang ako sa bahay at nagself study. Minsan nanghihiram ako ng libro kina Alyssa at Gretchen para lang mapagpatuloy ang pagaaral ko.

Minsan nagovernight sila samin para lang magkapagaral ako.

Sa kabilang banda, si Michael naman ay di pa rin nagbabago, sa loob ng isang buwan di niya ako iniwan. Patuloy pa rin ang pagliligtas niya sakin mula sa ibang tao.

Humihingi siya ng pasensya dahil sa patuloy na pagleakage ng pangalan ko sa media at wala siyang magawa dun dahil sarili pala niyang madrasta ang gumawa nun. Mas makapangyarihan ang madrasta niya kaysa sa kanya kaya naging mas pursigido pa siya na makuha ang S.K.

Minsan iniisip ko na nakakapagod na nga. Pero sa tuwing nakikita ko si Michael na masaya sa piling ko kahit hirap na siya, nawawala lahat ng pagod ko because I believe that this love is worth fighting for.

Isang araw nakareceive na lang ako ng text galing kay Mrs. Lim na magkita daw kami sa Cafe Rico ng 6pm. Alam kong magiging kalokohan lang ang paguusapan namin pero pumunta pa rin ako bilang respeto dahil siya ang pangalawang nanay ng boyfriend ko.

Kaya saktong 6pm ay nagpunta ako sa Cafe Rico. Isang receptionist agad ang lumapit sakin "Reservation for?"

"Ms. Devere Lim po" sagot ko naman

"This way po mam."

Iginaya niya ako papunta sa lugar kung saan naghihintay ang demonyitang yun.

Pagkabukas ng VIP room ay nandun nga siya nagaantay habang nahigop ng kape. Nang sandaling magawa na ng receprionist ang trabaho niya eh kaagad din itong umalis

"Ms. Garcia, nandito ka na pala. Take a sit"

Umupo ako at inilapag ang bag ko sa aking hita "Ano hong kailangan niyo sakin at pinapunta niyo ako dito?" Tanong ko sa kanya

"Wala lang. Kinakamusta lang lang kita" nakuha pa niyang ngumiti sa akin.

"Mawalang galang lang po pero possible ba na kamustahin niyo ako eh halos kamuhian niyo na nga ako eh" hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Napahilig siya sa kanyang upuan at mahinang napatawa "Tama ka, geez matalino ka rin pala."

"Sabihin niyo na po ang dapat niyong sabihin. Marami pa po kasi akong kailangang gawin."

Iniabot niya sakin ang isang puting envelope "Leave my son for this"

Ayaw ko man ay kinuha ko pa rin yung envelope at tiningan yun. May laman yung 50 million na checlk

Inilapag ko muli ang envelope sa ibabaw ng mesa at ipinadulas pabalik sa kanya "Hindi ho akong mukhang pera" mariin kong sabi sa kanya

"I heard that your father is sick, na hindi na niya kayang magtrabaho. That money can save him at kaya niyo pang mabuhay sa loob ng 10 taon. At dadagdagan ko pa yan kung gusto mo"

Just This Once #ManilaTimesAwardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon