Chapter 17

150 11 0
                                    

Kinabukasan, agad kong tinawagan si Grae para sabihing magreresign na ako. Sobrang nagulat siya sa sinabi ko to the point na ibinigay niya kay Mam Frez ang telepono.

Kahit si Mam Frez din ay nagtataka kung bakit naging mabilis ata ang paglisan ko sa trabaho. Sinabi ko na lang ang dahilang ayaw ni Tatay. Totoo nan ay ayaw naman talaga ni Tatay eh, nung unang nalaman niya ito ay nagalit siya sakin pero may mas malalim akong dahilan, iyon ay si Michael. Di rin niya nagustuhan ang pagtatrabaho ko dun.

Kasalukuyan kami ngayong nasa cafeteria ni Xavier dahil hiniling niya na magusap muna kami saglit. Sina tatay naman kasi ay nandun, binabantayan si Eros. Dito ko na rin sasabihin na baka pwedeng lumayo na ito dahil baka madamay pa siya sa galit sakin ni Michael, mahirap na.

"Louise, baka di na ako umabot sa operasyon ni Eros" seryosong sabi nito "I need to go back to Tacloban as soon as possible"

Alam kong pinapaalis ko na siya pero ganitong kabilis? Siya na lang kaibigang masasandalan ko sa ngayon dahil wala si Gretchen. "Agad? Kailangan ba yun?"

He nodded "I need to leave tomorrow pero pangako kapag nagkafree time, dadalawin ko ulit si Eros. Napamahal na siya sakin"

"Ikaw kasi! Humanap ka na nang mapapangasawa." Pabiro kong sabi

Tumawa siya saglit at muling nagsalita "Alam mo naman siguro na meron akong mahal na iba kaso di ako kayang mahalin"

Sa sobrang seryoso ng kanyang pagkakasabi nun ay kailangan kong ilihis ang topic sa iba. "Salamat, sa lahat ng tulong mo Eros. Pakiramdam ko tuloy, di ako nagiisa at palaging may kasama. Di ko siguro alam ang gagawin ko kung wala ka nung mga panahong iyon"

Hinawakan niya ang aking kamay na nakapatong sa mesa "Louise, para sa iyo gagawin kong lahat."

Inalis ko na lang ang kamay ko at ipinatong iyon sa hita ko. Nakakatakot ako na baka kasi makita iyon ni Michael at kung ano pa ang sabihin. Nadisappoint siya nung ginawa ko yun.

"Nga pala Louise, Bago ako umalis. May hihilingin sana ako sa iyo"

"Ha? Ano yun? Sabihin mo lang baka matulungan kita"

"Can we hang out before I go?"

"Hangout? Like lalabas?"

"Oo. Buong maghapon lang"

Tumango ako sa kanya bilang pasasalamat. Malaki ang natulong niya sakin, hindi naman siguro masama kung pagbigyan siya kahit saglit lamang.

----------------------------------------
"Enchanted Kingdom? Bakit dito ko ako dinala?"

Talaga bang nanandya ang tadhana? Bakit dito ako dinala? Kung saan madami kaming alaala dito ni Michael.

---
"Baby! Habulin mo ako!!!"

Puta naman! Pinapahirapan ako ng lalaking ito ay. Ayaw ibigay sakin ang sapatos ko. Matapos kasi naming sumakay sa space shuttle ay nagpahinga muna kami sa may bench dun at tinanggal ko ang sapatos ko. Nagulat ako nang bigla na lang niyang kinuha iyon at itinakbo.

"Ano ba Michael! Nakakahiya naa!"

Nagtitinginan na kasi ang mga tao samin. Para kaming nga bata na naghahabulan sa amusement park na ito.

Tumigil siya nang sandaling hapuin ito. Hindi ito makahinga na para bang inaatake na sa puso."Michael, ayos ka lang?" Agad ko itong dinaluhan. Hawak hawak niya ang kanyang dibdib.

Napaupo na ito sa sahig at lumuhod ako sa harapan nito "tangina naman Michael! Di ako nakikipagbiruan!"

He held my face "H-hey... I'm f-fine. Just turn around"

Just This Once #ManilaTimesAwardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon