Pabalik-balik lang ang lakad ni Michael sa balkonahe ng bahay nila. Hindi pa rin niya lubos maisip na ganun pala kasakit iyon, nanggaling pa talaga sa kanya na kumuha siya ng pera kay Devere para lang iwan siya.
Ganun lang ba ang halaga niya?
Akala niya nung una kasinungalingan lang ito dahil kay Devere lang naman ito nanggaling pero ngayong nanggaling na mismo sa taong mahal niya, hindi na niya alam ang gagawin.
Mahal niya ito pero masakit ang ginawa nito sa kanya.
Sa sobrang galit ay inihagis niya ang kopita ng alak sa sahig. "Fuck!"
"Anong arte yan Lim?!"
"Wag mo akong simulan Christian! I have problems to deal on my own!"
Hindi niya namalayan na nakapasok na pala si Christian sa loob ng condo niya. Matapos kasi ang pangyayaring iyon ay napili na rin ng mga tao na magsiuwian. Kahit pa nasa mansyon niya si Hershey ay mas pinili niya na magpalipas ng gabi sa condo nito.
Kumuha si Christian ng beer sa ref at agad nilaklak ito. "Sorry man, I thought Louise is different. Hindi ko inakala na ganun pala siya."
He should've known na mangyayari ulit ito, na masasaktan siya ulit ni Louise. "Hinatid ko na siya sa apartment nila at sinabi niya sa akin na babalik na sila ng Laguna."
Napatigil si Michael sa pagiisip nang sandaling makinig iyon kay Christian, "What did you say?"
"Na hinatid ko na sila?"
"No, before that"
"Oh... She said they will be coming back to Laguna—"
Agad niyang kinuha ang cellphone niya at tinawagan ang abogado niya. "Anong ginagawa mo Michael?" Tanong ni Christian sa kanya
"She will not go to Laguna as if nothing happened, I won't let her."
"Michael, just let her go—"
"No!" Sigaw nito sa kaibigan niya "Hello attorney? I need some papers to be ready. May kakasuhan tayo."
He was stunned at first but not now, not now that all of the pain kept on coming back.
***
Maaga pa lang ay naghanda na kami ni Eros dahil maiiwan kami ng bus papunta ng Laguna. Kinuha ko ang maleta nito. "Ma, hindi po ba natin hahanapin si Papa?"Ito na naman tayo, wala na akong magagawa dito. Hindi ko maaring ipahamak si Eros dahil kay Devere. Lumuhod ako sa harapan niya, "anak pasensya ka na, wala si Papa mo kahapon sa party. Hinanap ko siya kaso wala siya dun."
"Ma, totoo po ba talagang love pa tayo ni Papa. Hindi na po siya nagpapakita sa atin."
Hinagod ko ang buhok niya. "Anak, maniwala ka kay Mama, love na love ka ni Papa. Hindi pa lang siya pwedeng magpakita kasi busy siya sa trabaho. Tsaka tingnan mo, kaya ka gumaling ngayon, gawa niya. Ginawa niya iyon sa iyo. Kaya wait lang tayo ng tamang oras Eros ha?"
Malungkot na tumango ang anak ko. Alam kong wala pa siyang masyadong naiintindihan ngayon dahil bata ba siya pero sigurado ako kapag malaki na siya, maiintindihan niya ang ginawa ko para sa kanya.
Sa gitna ng paguusap namin ni Eros ay biglang nagring ang phone ko at agad ko naman iyong kinuha at sinagot. "Hello?"
"Louise! Leave now!"
"Ha? Bakit?"
Sa boses pa lang nito ay alam ko na si Christian ang nagsasalita. "Michael is on the way there, he will file a complaint against you, kung gusto mo pang makaalis dyan, umalis na kayo ngayon na!"
BINABASA MO ANG
Just This Once #ManilaTimesAwards
RomanceHow much can you sacrifice for the one that you love dearly? This book is one of the winning entry of Manila Times Awards © TheCosmixxWriter2020