Kinabukasan ay nagising ako dahil sa maliwanag na ilaw na natama sa mukha ko. Teka nasaan na ako?
"Louise! Gising ka na!"
"Ateq! Ano ba naman kasing nangyari sa iyo"
"Teka tatawag lang ako ng doktor"Sari-sari mga boses ang naririnig ko sa loob ng kwarto. Ilang minuto pa bago ko maainag na si Gretchen, Xavier at si Christian pala iyon. Do nagtagal ay may dumating ding doktor at agad na inilawan ang mata ko. "Ms. Garcia, alam mo ba kung nasaan ka?" Tanong sa akin ng dokto kung kaya't tumango ako at sumagot, "o-ospital..."
Matapos ng assesment sa akin ay agad namang nilapitan ng doktor ang taong nasa loob ng ospital. "So far wala namang complications mula sa pagkakabagsak niya at sa hypothermia na inabot niya. Medyo disoriented lang siya ngayon since kagigising lang siya. Pero simula ngayon, kailangan na niyang alagaan ang sarili niya lalo pa at dalawa na sila ngayon."
"Ano pong ibig sabihin niyo doc?" Tanong ni Gretchen
"She is 4 weeks pregnant. Congratulations!"
Nakita ko na halos malaglag ang panga ng mga tao sa paligid ko nang sandaling marinig nila na buntis ako. Buntis ba talaga ako? Kahit ako din ay hindi makapaniwala. Totoong hindi kami nagamit ni Michael ng proteksyon kapag may nangyayari sa amin pero tama bang oras ito?
Napatingin si Gretchen sa akin na parang di siya makapaniwala, ganun na rin si Xavier pero kakaiba ang tingin ni Christian na para bang tuwang-tuwa pa siya na may anak na ulit ako sa kaibigan niya.
"Maiwan ko na muna kayo, may mga pasyente pa ako na kailangang puntahan." Sabi ng Doctor sa akin bago ito tuluyang lumabas ng kwarto ko.
Napahawak ako sa tiyan ko. Baby ko.
"Ano ba naman ito Ateq?! May anak ka ulit sa lukong iyon?!" Bungad sa akin ni Gretchen. Siguro hindi talaga ito natutuwa dahil palagi naman niyang sinasabi sa akin na hindi mabuti sa akin si Michael.
"Hoy! Wag mo ngang ganyanin ang kaibigan ko! Ibig sabihin magaling talaga ang sperm ng kaibigan ko. Aa kakaiba talaga siya, anong posisyon ang ginawa niyo?" Masayang sabi ni Christian pero nabatukan naman siya ni Gretchen.
"Sa tingin mo, nakakatuwa ito? Iyang kaibigan mo ay pinaglihi sa duda, wala nang ginawa kung hindi ang pagdudahan ng pagdudahan si Louise! Sa tingin mo virgin? Tatanggapin yan ni Michael?! Eh yun ngang si Eros ipina-DNA niya pa kasi wala siyang tiwala sa kaibigan ko."
Sa sinabi ni Gretchen ay nakaramdaman ako ng takot. Kay Michael ko lang ibinigay ang sarili ko, paano kung sa panahong ito ay hindi na tanggapin ang bata na nasa sinapupunan ko
"Anong tawag mo sa akin?!"
"Itigil niyo na iyan" mabuti na lang at pumagitna si Xavier sa kanila. Kasi paniguradong hindi titigil ang dalawa hangga't di pa sila nagkakapatayan. "Ang mahalaga ay ligtas si Louise. Kung hindi tatanggapin ni Michael ang bata ay ako, nandito ako, ako ang tatayong ama sa bata na nasa loob ng sinapupunan ni Louise."
Christian looked at him with disbelief. "Don't worry bro, hindi mo na kailangang gawin iyon dahil alam ko na tatanggapin ni Michael iyan dahil anak niya iyan. Huwag mo nang ipagsiksikan ang sarili mo kay Louise."
Tumingin ng masama si Xavier kay Christian. "Tama na!" Sa panahong ito ako na ang nagsalita, gusto ko na munang magpahinga kaya kun pwede ba? Kahit saglit lang, manahimik muna kayo."
***
"I believe you have to bring Eros to her mother." Iyan ang bungad agad ni Christian nang sandaling makarating siya ng office ni Michael.Ilang araw na ang lumipas mula nung nahimatay si Louise sa harapan ng bahay niya. At hindi pa rin niya maalis sa isipan niya kung paano niya nahuli dahil naunahan na siya ni Xavier. He himself is a fool. "Para saan pa" ani nito "Nandun naman si Xavier sa tabi niya"
BINABASA MO ANG
Just This Once #ManilaTimesAwards
RomanceHow much can you sacrifice for the one that you love dearly? This book is one of the winning entry of Manila Times Awards © TheCosmixxWriter2020