Chapter 16

163 8 0
                                    

"Welcome back Lulu!!!" Sigaw ni Grae sakin nang sandaling makatapak ako sa bar, Sa Safe Haven. "Tangina men! Akala ko di ka na makakabalik eh!" Sabay tawa nito.

Wala pa namang tao dito dahil masyado pang maaga. Kaya maari pa kaming magusap ni Grae.

I missed this place. Napili ko muling bumalik sa lugar na pinagtatrabahuhan ko. Sa Safe Haven, I just love being here. Di dahil sa marami akong nakikitang kahalayan bagkus ay parang pinupundi nito ang mundo ko. Sa sobrang lakas ng kanta, sa sobrang lakas ng hiyawan, nakakalimutan ko yung mundo na meron ako. Nagiging masaya ako kahit di ako kasama sa sayawan o sa sigawan o sa inuman.

"Kamusta na yung baby mo? Naikwento samin ni Mam Frez kung bakit ka daw absent."

"Ah eh oo, kailangan ko kasi na umabsent muna para mabantayan ang anak ko. Baka sa susunod na linggo ulit ay umabsent ako kasi dun nakasched yung operasyon niya. Yung magoopera kasi sa kanya ay nasa ibang bansa eh sa susunod na linggo pa ata ang balik."

"Ahh ganun ba? Hayaan mo kapag nagkaroon kami ng free time, bibisita kami nina mam Frez na magkakasama."

"Nako Grae! Aasahan ko yan ha? Matutuwa si Eros, gusto nun na palaging may nadalaw sa kanya."

"Oo magdadala na rin kami ng pasalubong tsaka bibisitahin din namin si Bailey. Nakakamiss ang walang maloko. Alam mo yun?"

"Oo" ngiti ko sa kanya "tsaka mukhang maganda ang lagay niya dun. Mas bagay sa kanya ang magsuot ng labgown kaysa sa magsuot ng black shirt na mukha siyang maskulado"

"Talaga? Nakoooo baka mabakla ako kapag nakita ko siya ha?" Sabi nito sabay arte na parang bakla.

"Louise!"

"Mam Frez!"

Niyapos ako nito "kamusta ka na? Di mo naman kinakailangang magtrabaho agad. Alam kong hirap ka pa sa pagbabantay ng anak mo---"

"Mam, okay na po. Sapat na po yun tsaka kailangan ko din pong magtrabaho kasi kailangan ko din naman pong bilhin yung mga gamot na dapat ipainom sa kanya"

She tap my shoulders "hanga ako sa katapangan mo. Knowing you're a single mother at may sakit pa ang anak mo. Baka maluka na ako nan kapag nagkataon"

"Salamat po mam. Sige po, marami pa akong gagawin"

"Sige, ikaw na muna ang bahala dito at maglilibot pa kami ni Jessica para maghanap ng stocks ng alak" tumingin ito kay Grae "Hoy! Ikaw! Bumalik ka sa trabaho mo. Ikaw lang ang kilala kong employee na umaabsentng walang dahilan!"

"Mam naman! Ang taray niyo palagi sakin pero kapag kay Louise naman po" busangot ni Grae

"Umayos ka nga! Ayoko na maabutan kita dito na nagtitipa ng cellphone pagbalik ko ha? Kundi mababawasan ang sweldo mo maliwanag ba?"

"Mam naman!"

Naglakad na papaalis si mam sa bar habang si Grae naman ay iiling iling na bumalik sa kanyang pinupunasang table.

Pumunta muna ako sa locker room at nagpalit ng damit. Itinali ko din ang buhok ko at iniyapos ang isang apron sa bewang ko.

Muli akong lumabas at dumiretso na sa station ko. Agad akong nagpunas ng mga baso at naghanda ng mga alak. Nagcheck na din ako ng mga stocks. Di nagtagal ay nasidatingan na ang mga tao hanggang sa muling mapuno ang bar. Muling lumakas ang tugtog sa loob ng gusali na sa sobrang lakas ay nasabay ang tibok ng puso mo sa beat ng tugtog.

Maraming lalaki ulit at babae ang lumalapit sakin para umorder ng alak. Yung ibang lalaki ay minsan nababastos pa ako dahil sa sobrang kalasingan. Tinatawag ko na lang si Grae kasi wala na nga pala si Bailey. Namiss ko tuloy yung taong yun. Kapag kasi may nambabastos sakin ay palaging nakaakma itong susuntok para umalis ang lalaking yun.

Just This Once #ManilaTimesAwardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon