Kinabukasan ay hindi ko na pinagpatuloy ang plano na pagpunta namin ng Laguna. Mas mabuti na dito na lang muna kami siguro sa Laguna. Habang nagaalmusal kami ni Eros ay biglang may kumatok ng apartment namin. "Ma, may tao po ata sa labas."
Nilagyan ko muna ng gatas si Eros sa baso at tsaka ako pumunta para buksan ang pinto. Sino ba naman kasing agang aga— "M-michael? Anong ginagawa mo dito?"
"Tito Michael!" Agad tumayo at tumakbo si Eros kay Michael nang sandaling makita niya ito. Niyapos niya ito ng mahigpit "Kamusta na po kayo?"
"A-ayos lang. By the way, I brought you breakfast." Sabi ni Michael sabay pakita ng pancake box sa anak ko.
Sobrang natuwa si Eros na agad niyang kinuha ang box at dinala ito sa hapag-kainan "Thank you po, Tito Michael"
"Anong ginagawa mo dito?" Ulit kong tanong sa kanya.
"Hindi mo ba ako papapasukin?"
Umisod ako para mapapasok siya sa loob. Umupo naman siya sa hapag-kainan sa tabi ni Eros kaya wala na akong nagawa kung hindi ang sundan sila at umupo na lang din sa hapag-kainan. "Hindi mo naman kailangan na bigyan si Eros ng almusal" sabi ko kay Michael
"Are you sure? Tingnan mo nga ang pinapakain mo sa anak mo, isang pirasong tinapay? Sinong mabubusog dun"
Pinakalma ko ang sarili ko kahit nagpupuyos na ako sa galit. Mahirap ako pero hindi niya dapat kinukwestiyon ang pagpapalaki ko sa anak ko. Masakit para sa akin ang sinasabi niya. Napatingin tuloy ako kay Eros at tuwang-tuwa siya sa dala ng ama niya. Ngayon lang kasi siya nakatikim ng ganun at ngayong nakatikim na siya, mukhang hahanap-hanapin niya na iyon sa akin. "Tito Michael, may trabaho po ba kayo ngayon?" Tanong ni Eros sa ama niya.
"I could make a day off for you, where do you want to go?"
"Talaga po?"
Pipigilan ko sana si Eros kaso pinanlisikan ako ng mata ni Michael kaya natameme na naman ako. "Gusto ko po sana pumunta ng enchanted kingdom. Maganda daw po dun sabi ng kaibigan ko. Madalas daw po sila dun."
"Gusto mo ba dun?"
"Opo! Pupunta po ba tayo?"
"Sure. Just make sure to finish your food"
Di naman mapaglagyan ang tuwa ni Eros sa narinig niya. First time niya kasing makakapunta dun. Lalo tuloy akong nanliliit bilang ina, hindi ko kasi maibigay ang nga bagay na gusto niya. Palagi na lang akong naglalaan para sa gamot niya at nga checkup niya kaya minsan hindi ko na naitatanong ang gusto niya.
***
Matapos niyang kumain ay agad ko siyang inayusan para makapunta na sila sa Enchanted Kingdom. Hindi na muna ako sasama para makapagbonding sila mag-ama. "Mama, bakit di ka po nagaayos?" Tanong sa akin ni Eros habang nilalagyan ko siya ng belt."Kasi anak... May gagawin si Mama ngayon. Tsaka nakakahiya sa Tito Michael mo."
Pero sa halip na magsalita si Eros ay agad siyang nagpunta sa sala kung san nandun si Michael. Hindi man ako umalis ng kwarto ay nakikinig ko silang magusap. "Tito Michael, pwede naman pong isama si Mama diba?"
"Oo naman kiddo, para sa iyo"
"Sabihin niyo nga po kay Mama, nahihiya daw po siya sa inyo."
Jusko anak. Bakit naman ganyan? Halos lumaglag ang puso ko nang sandaling pumasok si Michael bigla ng kwarto namin ng anak ko. "Magbihis ka. Sasama ka at wala na akong sasabihin pa. Ayokong makipagaway." Iyon na lang ang sabi niya at tsaka tuluyang lumabas ng kwarto.
Jusko aatakihin ako sa puso kaya agad na akong nagbihis. Tulad nga nang sinabi niya, ayoko din na makipagaway.
***
Sa buong byahe namin ay si Michael lang ay si Eros ang naguusap, ako tahimik lang habang palipat-lipat ang tingin sa labas at sa kanila.
BINABASA MO ANG
Just This Once #ManilaTimesAwards
RomantikHow much can you sacrifice for the one that you love dearly? This book is one of the winning entry of Manila Times Awards © TheCosmixxWriter2020