"Pinirmahan talaga ni Louise na?!" Hindi makapaniwalang sabi ni Christian sa kaibigan niya.
Nasa opisina nito siya ngayon dahil matagal na sila nung huli silang nagusap. Si Michael lang naman ang napagsasabihan na tungkol sa fiancé niya na hindi na ito tulad ng dati at bakit parang hinahanap-hanap niya si Gretchen. Pero parang mas lalong nagulat siya sa sinabi sa kanya ni Michael. "Edi hiwalay na kayo?"
Ang totoo nan hindi alam ni Michael ang mararamdaman. Totoo na gusto niyang makipaghiwalay kay Louise pero nang sandaling nasa kamay na niya ito ay hindi pa rin siya makapaniwala. Halo-halong emosyon ang nararamdaman nito ngayon. Paano na lang ang anak nila? "Ano pa nga ba?"
"Pumayag ka?"
"Ano pa bang magagawa ko? Ako ang unang pumirma ng documento pero pinirmahan din niya dahil si Hershey na ang naglakad sa kanya ng dokumento."
"Eh paano na iyan bro? Wala na talaga?"
Wala na. It felt so surreal. May parte sa kanya na natutuwa pero bakit halos lahat ng nasa isip niya ay lungkot ang nadarama. "Bakit ba sa akin napunta ang usapan? Diba ikakasal ka na?"
"Are you dumb? Ikakasal ka na din ah! Wag mong ipihit sa akin ang usapan dahil parehas lang tayo. Ako may magagawa pa ako. Eh ikaw? Yung babae na ang mismong sumuko sa iyo."
Ano pa nga bangang bago? Ni hindi niya nga naramdaman kahit minsan na ipinaglalaban siya ni Louise. Parang siya lang ang kumakapit sa relasyon nila.
Hindi nagtagal ay biglang kumatok ang sekretarya niya sa pinto at pumasok ito para kausapin siya. "Sir, may naghahanap po sa inyo sa labas."
"Sino daw?"
Hindi na muli pang nagsalita ang sekretarya dahil iniluwa na ng pinto si Gretchen.
Gulat na gulat si Christian sa nakita dahil akala nito ay hindi na ito babalik sa manila. Mukhang binalikan siya nito. Nilapitan niya ito at hinawakan ang dalawang kamay, "Gret, anong ginagawa mo dito?"
Ngunit binawi kang ni Gretchen ang mga kamay niya sa lalaki. "Hindi ako nandito para kausapin ka. Nandito ako para kausapin si Mr. Lim"
Halos mabasag ang tenga ni Christian dahil sa narinig. Umasa na naman siya na babalikan siya ng babaeng hindi naman ata siya mahal.
"Ako? Bakit ako?" Tanong naman ni Michael kay Gretchen.
"May mahalaga lang akong sasabihin. Yung tayo lang sana."
Gusto nang lumubog ni Christian. Ayaw na talaga siyang kausapin ni Gretchen. Kaya sa ayaw man niya o sa gusto niya ay kinakailangan na niyang lumabas at iyon din ang utos ni Michael.
"Upo ka." Umupo si Gretchen sa visitor's chair at dahil nay mini ref si Michael sa loob ng kanyang opisina ay kumuha siya dito ng juice at ibinigay sa bisita. "Sorry, iyan lang ang jaya kong ibigay sa iyo, lately I had been eating out so I have not brought foods here yet"
"A-ayos lang."
"What is it that you wanted to talk about?"
"Actually Mr. Lim, nandito ako para sabihin na sa iyo ang totoo."
"What do you mean?"
"I am here to tell everything."
"O-okay..." wala pa rin talagang maintindihan si Michael sa sinasabi ni Gretchen. "What is it?"
"Alam kong madami kang tanong sa kung anong nangyari sa inyong dalawa ni Louise, at sasabihin ko na iyong lahat sa iyo. Papatunayan ko na walang kasalanan si Louise sa nangyayari ngayon."
Michael was just silent. Hindi niya kasi alam ang sasabihin niya cuz he already knew the truth all along. What's with this now?
May kinuha si Gretchen sa bag nito at inilapag sa lamesa ni Michael. "Ibinabalik ko na ang 50 million na ibinigay ni Devere kay Louise."
BINABASA MO ANG
Just This Once #ManilaTimesAwards
RomanceHow much can you sacrifice for the one that you love dearly? This book is one of the winning entry of Manila Times Awards © TheCosmixxWriter2020