Chapter 33

126 5 0
                                    

"And my child"

"And my child"

"And my child"

"Hoy Louise! Kanina ka pa nakatitig sa kawalan!" Ginulat ako ni Gretchen. Kanina pa siya nakarating dito dahil maagang umalis si Michael dahil marami pa daw siyang gagawin sa opisina. "Huwag mong sasabihin na nakaisa na naman sa iyo si Michael kahapon kaya sobrang blooming ka ngayon."

"Gagi hindi! Ang iniisip mo dyan"

"Eh kasi naman! Yung mukha mo ngayon, para kang bagong dilig. Ano ba ang nangyari kahapon?"

Wala naman talagang nangyari sa amin kahapon. Matapos ang paguusap naming iyon ay sinabi sa akin ni Michael na kakausapin niya daw ako ngayon para sa agreement para sa custody ng anak namin. Natuwa lang ako dahil pagbibigyan na niya ako na makita ang anak ko. "Kakausapin niya ako ngayon para sa custody ng anak ko. Papayagan na niyang makita ko ang anak ko."

"Mabuti naman kung ganun. Teka ang bait ata ng demonyong iyon ngayon. Biruin mo sinamahan ka dito kahapon para sa anak niya."

"Wag kang magisip ng masama, baka kaya niya lang iyon ginawa ay para pagbigyan ang anak niya. Alam mo naman na matagal siyang nawalay kay Eros ay nabawi lang siya dito"

"Sabagay... nga pala, alam na ni Michael na buntis ka?"

"Oo"

"Eh anong sabi niya?"

"Alagaan ko daw ang sarili ko tsaka yung anak niya"

Halos maibuga ni Gretchen ang tubig na ininom niya dahil sa sinabi ko. Sandaling pinunasan niya ang labi niya at tsaka ito nagsalita muli. "Talaga?! Sinabi niya iyon sa iyo?! Wow! Improving talaga iyang demonyong iyan, ano kayang nakain nan?"

"Hayaan mo na. Mas mabuti nga na sinasabi niya iyon para itong anak namin ay di na mahihirapan dahil nandyan na siya."

"Eh paano si Devere at si Hershey? Alam ko na hindi naman sila titigil hangga't di kayo nawawala kay Michael. Pustahan tayo baka binarain-wash din nila si Michael."

"Nakay Michael na iyon kung maniniwala siya o hindi, ang mahalaga ay nasabi ko na sa kanya na anak niya si Eros"

"Eh paano yung katotohanan na matagal mo nang itinatago?"

I sighed. "Hindi ko alam..."

"Hahayaan mo na lang ba talaga na mabuhay si Michael sa kasinungalingan? Karapatan niya na malaman ang katotohanan."

"Mas lalong delikado na iyon ngayon. Lalo pa at dun na nakatira si Eros sa mansyon, natatakot ko na kapag nalaman na ni Michael ang totoo ay may gawing masama si Devere sa anak ko. Handa akong sabihin ang katotohanan pero hindi ko alam kung ito ba talaga ang tamang oras"

"Eh kailan pa ang tamang oras? Alam mo kung may isang bagay man akong natutunan sa buhay ko iyon ay kailanman hindi tayo magiging handa. Kailangan lang natin na tatagan ang loob natin para maging handa tayo dahil ginagawa lang nating palusot ang oras para di natin gawin ang dapat nating gawin."

Napaisip ako sa sinabi niya. Tama naman siya eh, ako lang talaga ang duwag.

***
Tinawagan ako ni Michael para sabihin kung saan kami magkikita. Maaga akong nakarating sa restaurant na sinabi ni Michael. Ayoko ko kasi na isipin niya na VIP ako.

Wala pang ilang minuto ay nakarating na rin siya kasama muli si Mr. Jimenez, umupo sila sa harapan ko. "Good Afternoon, we meet again Ms. Garcia" sabi nito sabay nakipagkamay sa akin.

Tinanggap ko naman iyon. "Nandito kami para pagusapan ang agreement na sinabi ni Mr. Lim kahapon." Naglabas ito ng dokumento at ipinatong sa lamesa malapit sa akin. "We will not push through the custody hearing and Mr. Lim had already trashed the complaint towards you."

Just This Once #ManilaTimesAwardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon