"MOMMY," mahinang tawag niya sa kanyang ina.
"Yes, baby?"
"Am I not pretty?" nakangusong tanong niya rito.
"Of course, you are, hija. Bakit mo naman naitanong 'yan?" may pagtatakang tanong nito sa kanya.
"Sabi po kasi ni Justin hindi raw po ako maganda, eh," nakangusong sabi niya sa kanyang ina.
"Baby, maybe he's just joking. Alam mo naman 'yun si Justin. Mapagbiro talaga," alo nito sa kanya. Kinandong siya nito at niyakap nang mahigpit. Gustung-gusto niya ang yakap ng kanyang ina. Masarap sa pakiramdam ang mga haplos nito sa kanya. "Ano ba kasi ang sinabi mo sa kanya at sinabi niyang hindi ka maganda?" patuloy nitong tanong sa kanya habang hinahaplos-haplos ang kanyang buhok.
"Mare, bakit malungkot ang inaanak ko? May problema ba?" tanong ng kanyang Ninang Agnes.
"Wala naman. May kaunting tampo lang." sagot ng kanyang ina.
Naupo ang Ninang Agnes niya sa kanyang tabi at luminga-linga sa paligid na para bang may hinahanap.
"Danielle, anong problema? Bakit hindi ka makipaglaro sa mga kaibigan mo? Nando'n sila, oh," sabay turo sa kinaroroonan ng karamihan ng mga kabataang bisita rin sa ginanap na kasal ng kaniyang Tita Rebecca. Kasalukuyan silang nasa isang hotel ngayon para sa reception.
"Ninang, Justin told me na hindi raw po ako maganda," ulit niya rito ng sinabi niya sa kanyang ina kanina lang.
"Nakuh, anak, nagbibiro lang si Justin. Hamo at pagsasabihan ko siya," alo sa kanya ng kanyang ninang.
"Kanina ko pa nga sinasabi sa kanya 'yan, mare. Kaya lang mukhang nagtatampo talaga siya," anang ina niya rito. Binalingan naman siya nito ng pansin at muling nagtanong, "ano nga ba kasi ang pinag-uusapan niyo at nasabihan ka niya ng hindi ka maganda?"
"I told him that I will marry him when we grow up. Just like what Tito Danny and Tita Rebecca did today," aniya rito sa seryoso at determinadong tinig.
"Oh. My. God." Ang tanging nasabi ng kanyang ina na bigla ring natulala sa pagtitig sa kanya. Ang ninang Agnes naman niya ay napahalakhak. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawa. Hindi niya maintindihan ang naging reaksyon ng mga ito. May nasabi ba siyang mali?
BINABASA MO ANG
Mischievous Bride Unwilling Groom
Romance15 years ago... "Hoy, Justin!" "Ano bang problema mo? Kanina ka pa sunod nang sunod sa'kin, ah. Isusumbong na kita kay mommy!" "Kuuuh... Napakasumbongero mo naman. May sasabihin lang naman ako sa'yo ah," aniya rito sabay dukot sa bulsa niya ng ba...