CHAPTER 7

99 3 0
                                    

"YOU may kiss the bride," deklara ni Judge Milendrez na siyang nagkasal sa kanila.

     Dahan-dahan siyang humarap kay Justin at ganoon na lang ang sakit na naramdaman niya sa kaniyang puso nang makita niyang imbes na tuwa ang poot ang nasalamin niya sa mga mata nito. Pagkatapos ng ilang sandali isang magaan at mabilis na halik ang iginawad nito sa kaniyang pisngi at matapos noon ay hinila na siya nito palabas ng bahay ng mga magulang nito kung saan ginanap ang kanilang kasal.

     "Justin!" tawag dito ng kaniyang Ninang Agnes, o mas dapat na sigurong Mommy Agnes na ang itawag niya rito.

     "What?!" padaskol nitong binitawan ng kaniyang asawa ang kaniyang kamay at marahas na hinarap ang ina nito.

     "Do not use that tone on me, young man," ani Mommy Agnes sa tonong may babala.

     "Or else, what?! Hindi pa ba sapat sa inyo ang pagsira sa buhay ko?"

     Hindi man niya gustuhin, pilit man niyang kapalan ang mukha at mas patibayin pa ang dibdib, hindi niya magawang sumabat sa usapan ng mag-ina. Kahit na siya man ay hindi niya inaasahan na ang problema niya kay Mr. Xuan ay mauuwi sa ganito. Pero kung siya ang papipiliin, mas gusto na lamang niya ang sitwasyon niya ngayon kaysa ang mapunta kay Mr. Xuan. Nanatili lang siyang nakatayo na parang tuod habang ipinaglilipat-lipat ang tingin sa dalawa.

     Nakita niyang pinipigilan ng Mommy Agnes niya ng magalit sa inaakto ngaypn ng anak niyo. "Can't you at least celebrate with us. I mean, kahit na biglaan, it's still your wedding day," pangungumbinsi nito sa anak kapagdaka'y bumaling ito sa kaniya na tila ba humihingi ng pasensya sa inaakto ng anak nito.

     "Wedding day?" napatingin ito sa kaniya. "More like death day," ginawaran siya nito ng mapang-uyam na ngiti at bigla na lamang siya nitong tinalikuran at malalaki ang hakbang na lumabas sa gate ng mansyon ng mga magulang nito at akmang papasok sa kotse nang, "Danielle!" tawag nito sa kaniya. "Don't make me wait, damn it!" sabay pasok sa sasakyan nitong nakaparada sa gilid ng kalsada.

     Hindi niya naman gustong iwan siya nito kaya naman nagmamadali siyang nagpaalam muna sa kaniyang Mommy Agnes.

     "Mommy, pasensya na ho kayo kay Justin," hinging pasensya niya rito sabay yakap dito.

     "Hija, anak ko siya, so alam kong lilipas din 'yan. Kilala ko 'yan, hindi niya ako matitiis," may ngiti sa labing alo nito sa kaniya.

     "Mommy, kayo na ho ang bahalang magpaalam kay Dad at kay Daddy Bert na umalis na kami."

     "Don't worry, hija. Just tell me if you need anything. Anak ka na rin namin. Kung may mga bagay na gumugulo sa isip mo, ipaalam mo kaagad sa akin, ha."

     "Okay po. Pero sana po itago muna natin ang totoo kay Justin hangga't maaari," pakiusap niya rito.

     "Danielle!" muling tawag sa kaniya ni Justin.

     "Hindi ako sang-ayon pero dahil nangako ka naman na sasabihin mo rin sa kaniya eventually, itatago ko muna. Basta't mag-iingat ka," anito at muli siya ipinaloob sa mainit nitong yakap.

     Pinahid niya ang nag-iisang luha na kumawala sa kaniyang mata at tuluyan nang bumitiw s yakap nito. Nagmamadaling tinungo niya ng sasakyan ng asawa.

     "I don't know how you manipulated my parents para maipakasal ako sa'yo, but you'll pay for this," ani Justin sa kaniya nang makapasok na siya sa kotse nito. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili. Hindi pwedeng makita nito na kaya siya nitong api-apihin. Kailangan magpakatatag siya kung desidido na talaga siyang paibigin ito.

     Hinamig niya ang sarili bago humarap dito at pilit na pinalitan ng ekspresyon ang kaniyang mukha.

     "Justin, baby," panimula niya sa nang-uuyam na tinig. "I did no such thing. I'm inocent," sinabayan niya ito ng matamis na ngiti.

     "Inocent my ass," bulong nito at tuluyan nang pinaharurot ang sasakyan patungo sa apartment niya na binili ng daddy niya kahapon para sa kanilang dalawa.

     Hindi naman ako ganoon kasama para hindi isipin ang anak ko. Kung ito ang plano mo, itong apartment na lang din ang makakaya kong ibigay sa'yo. Malaki ang utang na loob natin sa mga magulang ni Justin kaya siguraduhin mong pagsisilbihan mo siya.

     Muli niyang naalala ang huling sinabi sa kaniya ng kaniyang ama matapos itong kausapin ng ama ni Justin. Gusto pa sana niyang sumbatan ang kaniyang ama pero itinikom na lamang niya ang kaniyang bibig.

     Hindi niya agad namalayan na nakarating na pala sila sa apartment nila. Kung hindi pa pabalibag na isinara ni Justin ang pinto ng kotse ay hindi pa niya mamamalayang nakarating na sila.

     Nagkukumahog na lumbas siya ng kotse at binuksan ang munting gate ng kanilang apartment. Kaninang umaga lang ibinigay sa kaniya ng kaniyang ama ang susi. Pagpasok nila ay bumungad sa kanila ang fully furnished na sala. Mukhang kompleto na rin sa gamit ang munting kusina. Sinuyod niya ng tingin ang kabuuan ng bahay at bumaling kay Justin nang tuluyan na itong makapasok.

     "Welcome to hell, asawa ko," aniya rito at sinabayan pa ng isang nakakalokong ngiti.

Mischievous Bride Unwilling GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon