“GUYS, we have to think positive. Remember, ang mag-be-benefit sa gagawin natin ay ang Little Angels Orphanage. Malaking tulong ‘to para sa mga bata na naroroon. Don’t you want to do something meaningful for them?” isa-isa niyang tinitigan sa mga mata ang mga kasama niya. Nagpatawag siya ng meeting dahil isang linggo na lamang ay Foundation Week na nila.
“We know, Dan,” anang kanilang secretary na si Gwen. “But the thing is, nag-back out ‘yung band na kinausap natin dahil mas priority daw nila ‘yung nalalapit na city festival which is kasabay ng event natin.” Everybody groaned in agreement. Gipit na talaga sila sa oras at wala na silang mahanap na magaling na banda dahil nga ganoon din ang sagot ng ibang bandang sinubukan nilang kausapin.
“That’s why we are having this meeting. Hayaan na natin ‘yung mga taong walang commitment katulad nila,” her voice was laced with bitterness. Hindi lang talaga niya maiwasang sumama ang loob dahil naplano na nila ang lahat two months ago pa.
“What if magtayo na lang tayo ng food cart?” suhestyon ni Bart, ang kanilang PIO.
“Uhmm, Bart, six out of ten orgs ang magtatayo na ng food cart. Hindi tayo gaanong kikita kung marami tayong kakompitensya,” salungat ng kanilang vice president na si Jefferson. Nagkamot na lang ng ulo ang iba dahil wala na silang maisip na maganda.
“How about car wash? ‘Yung mga babae magsusuot ng two-piece swim suit tapos ‘yung mga lalaki naman trunks,. Siguradong maraming magpapalinis ng mga tsikot nila!” nagniningning ang mga mata na suhestyon ng kanilang auditor na si Ian.
“At malamang ikaw pa ang unang customer! Kahit kelan talaga ang dumi ng utak mo. Napaghahalata ka. Tsaka baka nakakalimutan mong puro madre at mga pari ang nagpapatakbo ng eskwelahang ‘to. Baka gusto mong ngayon pa lang eh ipadala ka na nila sa impyerno,” ani Gwen sabay bato rito ng tissue.
“At least my suggestion,” hirit pa rin ni Ian.
Nagpalinga-linga ang kaniyang mga mata. Sinuyod niya ng tingin ang kanilang paligid. Kasalukuyan silang nasa ilalim ng punong mangga na malapit sa kanilang covered court. Sinusubukan niyang humugot ng inspirasyon mula sa kaniyang paligid. Dumako ang kaniyang mga mata sa tumpok ng mga Adonis na kasalukuyang nagpapahinga sa isa sa mga bench ng basketball court. Sa hitsura ng mga ito ay malamang na katatapos lang ng mga ito maglaro. Sa kabilang dako naman ng court ay makikita ang tumpok rin ng mga kababaihan na tila ba sinisilihan ang mga puwet dahil sa mukhang hindi alam ng mga ito kung anong bahagi ng katawan ang unang mas pagagandahin. Ito ang mga grupo na tinatawag nilang TL Gang o Tulo-Laway Gang. Tulo-laway sa mga Adonis na nasa kabilang bahagi ng court.
Muli niyang inilibot ang kanyang paningin nang may bigla siyang maisip at muling ibinalik ang kanyang mga mata sa mga Adonis at mga TL. Unti-unting gumuhit sa kanyang mga labi ang isa ngiti ng tagumpay.
“Uhmmm, guys,” baling niya sa mga kasama. “I have an idea. Who’s in for an auction?” tanong niya sa mga ito.************************
(A/N):
Good day to everyone. This is my friend's first work. I hope you like it!
BINABASA MO ANG
Mischievous Bride Unwilling Groom
Romance15 years ago... "Hoy, Justin!" "Ano bang problema mo? Kanina ka pa sunod nang sunod sa'kin, ah. Isusumbong na kita kay mommy!" "Kuuuh... Napakasumbongero mo naman. May sasabihin lang naman ako sa'yo ah," aniya rito sabay dukot sa bulsa niya ng ba...