CHAPTER 2.2

77 4 0
                                    

"A date with Dean Velasco!" as Ian announced the first item, or rather, the first person to be auctioned, the crowd went wild. Maging siya na nasa backstage ay hindi makapaniwala sa reaksyon ng mga tao. Sumilip siya sa may side entrance ng backstage at nakita niyang hindi magkamayaw ang mga kababaihan. Halata naman sa mukha ng mga kalalakihan ang pagkabigla. May mga natatawa, mayroon din namang naiirita.


     Lumabas sa stage si Dean at naglakad na tila ba isang propesyonal na modelo ng Calvin Klein. Hindi ito nakapag-ensayo pero halata sa kilos nito ang sobrang confidence. She cheered and even wolf-whistled. Pati siya ay nahawa na sa excitement ng audience. Nagpatuloy si Dean sa pagrampa sa stage at ginawa ang hindi niya inaakalang magagawa nito. Well, alam niyang kaya nito pero hindi niya akalaing magbibigay ito ng extra effort. Dean slowly unbuttoned the first three buttons of his polo and showed some skin and a little peak of his abs.


     Oh myyy... pati siya ay kinilig.


     The crowd went even wilder. Kulang na lang ay umakyat na sa stage ang mga babae at pag-agawan si Dean. Marami ang nahuhumaling sa kagwapuhan nito. Kung itatabi ito sa ibang lalaki, lutang na lutang ang dugong Amerikano nito. Wavy, Chestnut brown hair na medyo may kahabaan, matangos na ilong, hugis almond na mga mata, at mapupulang mga labi.  Tantya niya ay aabot sa anim na talampakan ang height nito. Kaya nga sa tuwing kakausapin niya ito ay nangangalay ang kanyang leeg sa katitingala rito. Hindi naman kasi siya katangkaran.


     "Okay, thank you ladies for the awesome welcome," ani Ian. "We will start the bidding for the first person at five hundred pesos."


     Biglang napalingon kay Jeff si Dean and mouthed "What?!" Napakibit na lang ng balikat si Jeff and motioned his head to my direction as if saying 'ideya niya 'to 'wag ako ang tanungin mo'.
Siya naman ay natawa sa reaksyon nito. Siguro ay inaasahan nitong magsisimula ang bidding sa mas mataas na halaga. Pero hindi nila maaaring gawin 'yon dahil baka hindi kumagat agad ang mga tao. May isang babae mula sa crowd na sumigaw ng 'five hundred!' at nagtaas ng kamay. The bidding went on and on. Akala niya ay hindi na ito matatapos. Then finally, the bidding closed at ten thousand na kahit siya ay nagulat. Well, mejo lang. Karamihan naman kasi ng mga nag-aaral sa paaralan nila ay anak-mayaman.


     Sumunod na ipinasubasta sina Sam, Avan, Tyler, Jacob, at ang pinakahuli ay si Justin. Nang tawagin ang pangalan ng lalaki ay tuluyan na siyang napaupo sa isa sa mga bangko na nakahilera sa gilid ng stage. 


     Napakagwapo mo talaga, Justin, My Labs! Napakaswerte ng bruhang makaka-date mo... nakaramdam siya ng panghihinayang. Kung hindi lang mahalaga sa kanya ang orphanage ay nuncang isasali niya sa event na ito si Justin.


     Mukhang ang lalaki ang pinakahihintay ng madla dahil mas naging maingay ang mga kababaihan. Mas naging mataas na rin ang halaga. 


     Sa kanilang anim ay ito ang hindi gaanong nag-effort sa paglakad. Natural lang ang lakad nito pero hindi biro ang epekto nito sa mga kababaihan. Walang ka-effort-effort na ipinakita nito ang kamachohan nito without doing what Dean did earlier. Titig pa lang ng malalalim na mga mata nito na napalilibutan ng makakapal at malalantik na mga pilikmata ay manlalambot na ang tuhod mo. Samahan pa ng manipis at matangos na ilong at mapupulang mga labi. Walang sinabi si Richard Gutierrez sa kagwapuhan nito. 


     Oh myyy. The height... the biceps and all!

     Nakadagdag sa personalidad nito ang suplado look. Well, may pagkasuplado naman talaga ito kung tutuusin. Kahit na may pagkapalikero ay madali pa ring nakahahalina ng mga kababaihan ang kagwapuhan nito.


     Finally, may nagbid ng twenty thousand pesos for Justin. Parang hiniwa ng mapurol na lagari ang puso niya nang makita kung sino ito. Tumaas ang kilay niya nang makita ang suot ng bidder na super micromini skirt at ang blusa nitong tila iluluwa na ang kambal na bundok. Dapat hindi ito pinapasok ng security guards. Humantong ang tingin niya sa mukha nitong nakukulapulan ng makapal na make up. May pa smokey-smokey eyes pang nalalaman eh mukha namang black eye. Nasobrahan din yata ng lipstick. Mukha na siyang si McDonald. Ito ang on and off girlfriend ni Justin na si Miranda. Hindi niya alam kung ano ang nakita ni Justin dito at pinatulan ito ng lalaki. Nanlumo siya sa kanyang nakita. Bumalik na lamang siya ng backstage at inasikaso ang iba pang mga kailangan.



THE auction went well. Nakalikom sila ng one hundred thurty thousand pesos. Lahat sila ay tuwang-tuwa sa tagumpay ng kanilang organisasyon. Pagkatapos ng event ay nilapitan siya ng anim na lalaki. Kasalukuyan silang nag-aalis ng mga decoration sa stage.


     "So... kelan mag-uumpisa ang parusa naming anim?" tanong ni Jacob.


     "Parusa?" nagtaka siya sa tanong nito.


     "Well, my Buttercup, ang tingin kasi ni Jacob ay pinarusahan siya ng langit dahil sa dinami-rami ng makakakuha sa kanya, eh 'yung mukhang si Ursula pa," sabay halakhak. Kanina pa ito tawa nang tawa.


     "Sige, tumawa kayo ngayon. Tingnan natin kung maganda ang kalabasan ng mga date niyo," halata sa boses ni Jacob na naiinis na ito sa pang-aasar ni Dean.


     "Gusto kong magpasalamat sa tulong niyo. Alam kong hindi pa tapos ang pagsasakripisyo niyo. Pero alam niyo rin na sa tulong niyo eh maraming bata ang mapapasaya niyo," nakangiting sabi niya sa mga ito. "Isa sa amin ang magiging chaperone niyo sa mga date niyo. Magdo-draw lots kami kung sino ang ma-a-assign sa bawat isa sa inyo."


     "Chaperone?" tanong ni Tyler habang nakakunot ang noo.


     "What?" sabi naman ni Avan. "So you mean bubuntut-buntot kayo sa amin habang nagde-date? Ang sagwa naman no'n. Kung alam ko lang..."


     "Kuuu! Gusto mo lang na ideretso sa biglang liko 'yung ka-date mo, eh," pang-aasar dito ni Dean.


     "Lul! 'wag mo 'kong itulad sa'yo noh," sabi ni Avan sabay batok kay Dean na nailagan naman ng huli.


     "Guys, it's just for documentation purposes. And don't worry. Hindi naman kami parang tuta na nakasunod sa inyo. Didistansya kami as much as possible."


     "Great." Narinig niyang bulong ni Justin sabay talikod. 


     Aba't talaga nga naman. Kahit kelan bastos talaga 'tong lalaking 'to. Pasalamat ka, ano kita kung hindi aanohin kita eh. Nagpupuyos ang dibdib na ipinagpatuloy na lamang niya ang pagliligpit. Sumunod na rin na nagpaalam ang iba pa.

Mischievous Bride Unwilling GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon