KAYA ko 'to. Dahan-dahan niyang inilapit ang mga kamay sa nakabalandrang likod ni Justin.
Kayang-kaya ko 'to. Ulit niya sa isip nang isang dangkal na lang ay mararamdaman na niya ang makinis nitong balat. Lumunok muna siya ng laway dahil pakiramdam niya ay matutuyuan na siya ng lalamunan.
Susme! Ang aga namang pamasko nito! Tili niya sa isipan. Ipinikit niya nang mariin ang mga mata nang maramdaman niyang nakalapat na ang mga kamay niyang may sunblock sa likod ng asawa niya.
"Hoy, Otap!"
Bigla siyang napapitlag sa pagtawag nito.
"Kapag naglalagay ng lotion, dapat ipinapahid sa katawan. Ilang minuto ka na diyan sa likuran ko pero parang wala ka namang ginagawa. Ano ka ba?!" sita nito sa kaniya nang mapansing mukhang hindi siya gumagalaw.
"E-eto na nga oh. Nagmamadali ka naman, eh," aniya rito sabay muling ibinalik ang tuon sa ginagawang paglamas-- este! Pagpahid pala ng lotion sa likod nito.
"Balik ka na lang sa posisyon mo para maayos ko na 'tong ginagawa ko," aniya rito habang dahan-dahan itong itinutulak pabalik sa pagkakadapa sa towel nitong nakalatag sa buhanginan. Muli na niya sinimulan ang pagpapahid dito ng lotion nang makontento siya sa pagkakadapa nito.
Go for it Danielle! Minsan lang magpaulan ng grasya. Heto na sa harapan mo. Sunggaban mo na! Bulong ng isang bahagi ng utak niya.
Biglang pumasok sa isipan niya ng pelikulang karate kid. Yung eksena kung saan tinuturuan mag-wax on at mag-wax off ng master yung kaniyang estudyante. Ginaya niya ito.
Ang kinis talaga ng balat ng kumag. Kinikilig na siyang talaga. Imbes na mas kabahan, habang tumatagal sarap na sarap na siya sa ginagawa.
Hmmm ang tigas-tigas ng muscles sa likod. Ilang beses kaya nag-gy-gym sa loob ng isang linggo ang manok na 'to.
Nang matapos na ang bandang itaas ng likod ay dumako naman siya sa bandang ibaba. Hindi niya maiwasang mapadako ang tingin sa maumbok nitong puwet. Hindi nito iyon maitatago sa kanya dahil swimming trunks lang ang suot nitong pampaligo.
Ayyy! Ang sherep te! Nakakagigil, parang siopao sa tambok! Gumana na naman ng kapilyahan niya. May naglalarong ideya sa utak niya pero hindi niya alam kung anong magiging reaksyon nito.
Sige lang... Ituloy mo. Minsan lang 'to. Susog ng demonyitang bahagi ng utak niya.
Kapag hindi niya nagustuhan ang gagawin mo, paniguradong dadagdagan niya ng parusa niya sa'yo at siguradong yari ka kaya 'wag na lang. Pigil naman ng anghel na bahagi ng utak niya. Pero dahil likas talagang maloko siya kung minsan...
PAK!
"WHAT THE--" napabalikwas ng bangon ang lalaki at nanlilisik ang mga matang napalayo sa kanya.
Isang peace sign ang ibinigay niya rito sabay karipas ng takbo papasok ng bahay.
"Ang tambok kasi, eh! Nakakagigil!" sigaw niya pa rito habang habol ang hininga at abot-abot ang kaba habang hindi magkandatuto kung saan lupalop ng bahay susuot ng makitang aktong hahabol sa kaniya si Justin.
"Hoy! Bumalik ka rito! Yari ka sakin!"
Pumasok siya sa may kusina. Nagpalinga-linga siya para maghanap ng mapagtataguan. Nang wala siyang makita, tuloy ang takbo niya. Pagliko niya sa isang pasilyo ay may nabunggo siyang pader at dahil dito ay natumba siya at ang otap niyang puwet ang sumalo ng lahat ng bigat niya.
"Anak ng pating! Wala namang pader dito kanina, ah!" aniya sabay himas sa puwet niyang sumasakit.
"Are you okay?" dinig niyang tanong ng isang baritonong tinig. Itinaas niya ang kaniyang tingin at nakita niyang hindi pala pader ang nabangga niya kundi ang mamaskulong katawan ni Tyler na wala ring pang-itaas!
BINABASA MO ANG
Mischievous Bride Unwilling Groom
Romantizm15 years ago... "Hoy, Justin!" "Ano bang problema mo? Kanina ka pa sunod nang sunod sa'kin, ah. Isusumbong na kita kay mommy!" "Kuuuh... Napakasumbongero mo naman. May sasabihin lang naman ako sa'yo ah," aniya rito sabay dukot sa bulsa niya ng ba...