JUSTIN'S POV
"NAK, I've heard what happened to Danielle. Kamusta na siya?" bungad ng kaniyang ina nang dinalaw niya ito.
"Okay na siguro siya," pabalewala niyang sagot dito habang binubuksan ang refrigerator para makita kung mayroon siyang pwedeng mameryenda.
"Siguro?" takang tanong nito. "Ako nga Justin sagutin mo nang maayos. Bakit siguro? Bakit hindi ka sigurado?" anito sabay hila nang bahagya sa kaniyang braso dahilan para mapaharap siya rito.
Napabuntong hininga muna siya at saka umupo sa hapagkainan dala ang blueberry cheesecake na nakita niya sa ref.
"Ma, hindi ko alam. Okay? Pagkatapos ko siyang sunduin noong nakaraang gabi hindi na kami ulit nagkita," napipikon na siya pero dahil nanay niya ang kaharap niya, minabuti niyang magpakahinahon. Masama pa rin ang loob niya sa mga magulang niya pero wala na siyang magagawa. Pagbali-baliktarin man ang mundo, hindi maipagkakailang magulang niya ang mga ito at mahal niya ang mga ito.
Nagpakawala ng buntong-hininga ang kaniyang ina at umupo sa tabi niya. "Nak naman. You've been with her for almost a month now. Hindi pa rin ba kayo nagkakalapit?"
"Ma, with all due respect, hindi ganoon kadali gawin 'yon pagkatapos ng ginawa niyo sa'kin. You've forced me to be with her without giving me any valid reason. You've used my inheritance to blackmail me. Sa totoo lang I don't know why I'm in this mess. I thought that I would be able to decide for my own future. Pero sa ginawa niyo, you've taken that away from me. Pakiramdam ko puppet lang ako rito," punong-puno nang hinanakit na sabi niya sa kaniyang ina. Napansin niya na durog-durog na pala ang blueberry cheesecake na plano niya sanang kainin pero dahil sa takbo ng usapan, nawalan na siya ng gana.
Bigla siyang tumayo at dinala sa lababo ang platito at tuluyan nang tinalikuran ang kaniyang ina.
"Justin," tawag ng kaniyang ina na siyang nagpahinto sa tuluyan niyang pag-alis. Kahit ano talagang sama ng loob niya rito ay hindi niya kayang bastusin ito. "I know that we've been truely unfair to you. But I know that in due time maiintindihan mo rin kami."
Bahagya niya itong nilingon. "Sasabihin niyo na ba sa'kin kung ano ang totoong dahilan?"
"I'm sorry, anak. But I can't," nanlulumo nitong saad habang pinapahid ang luha sa mga mata nito. "B-but please, take care of Dan. The poor girl has been through to so much already," pagmamakaawa nito sa kaniya.
"And because of that poor girl, you've sent your son to hell," pinal na sabi niya rito at tuluyan nang lumabas ng bahay.
DANIELLE'S POV
SHE'S been typing non stop
for about three hours now. That's what happens everytime an inspiration hits her. She just couldn't stop working.Tiningnan niya ang kaniyang relong pambisig at napansin niyang hapon na pala. Pinasadahan niya ng tingin ang buong kwarto at nakita niyang nagkalat ang mga gamit niya sa eskwelahan. Mabuti na lang at nadala na niya ang mga maruruming damit niya sa labandera niya kaya hindi na niya kailangang maglaba. Naalala na naman niya ang katangahan niya noong nakaraan. Napailing na lang siya ng ulo. Nagpasiya siya tumayo na mula sa kaniyang hinihigaan. Tinupi niya ito at itinabi. Bitbit ang laptop na lumabas siya ng kwarto. Ngayon lang siya nakaramdam ng gutom. Sa sobrang pagkaabala niya ay nakakalimutan na niya minsan kumain. 'Yun yata ang dahilan kung bakit sumasakit palagi ang ulo niya.
Well, para sa ekonomiya kailangang kumayod. May isang taon pa ako sa kolehiyo. Paalala niya sa kaniyang sarili.
Nang tuluyan na siyang makalabas ng kwarto ay bigla siyang napatigil. Palabas din ng kwarto nito si Justin at nakita niyang isang checkered boxer shorts lang ang suot nito at wala itong pantaas. Nakabalandra na naman sa harapan niya ang makalaglag-panty na kamachohan nito.
BINABASA MO ANG
Mischievous Bride Unwilling Groom
Romance15 years ago... "Hoy, Justin!" "Ano bang problema mo? Kanina ka pa sunod nang sunod sa'kin, ah. Isusumbong na kita kay mommy!" "Kuuuh... Napakasumbongero mo naman. May sasabihin lang naman ako sa'yo ah," aniya rito sabay dukot sa bulsa niya ng ba...