PATULOY ang paghilot niya sa kanyang sentido. Mula paggising niya kaninang umaga ay sumasakit na ang kaniyang ulo.
Marahil sa dinami-rami ng trabahong tinapos ko para sa MM Publication. Gosh! Kailangan ko ng pahinga!
Nagpalinga-linga siya sa paligid ng paaralan. Limang minuto na siyang naghihintay sa ilalim ng punong acacia na madalas nilang tinatambayan sa may parking lot pero wala pa rin si Jefferson. Ang usapan nila dito sila magkikita. Sasamahan siya nito sa isang bagong cafe na kailangan nilang i-feature sa kanilang facebook page. Maliban kasi sa mga activities sa university, kailangan ding maging active ng mga organizations sa pagsusulat ng mga artikulo para sa kani-kanilang page sa social media.
"Dan!" narinig niyang may tumawag sa kaniya. Nang lingunin niya kung sino ito, nakita niyang naglalakad palapit sa kinauupuan niyang concrete bench ang tatlo sa Adonis Gang. Sina Jacob, Tyler, at Sam.
"Hi!" bati niya sa mga ito sabay ngiwi. Pumipintig sa sakit ang kanyang sentido. Mukhang napansin din ng tatlo na may dinadamdam siya.
"Okay ka lang ba?" tanong ni Sam sa nag-aalalang tinig.
"Mukhang may masakit yata sa'yo?" puna rin ni Jacob. Umupo ito sa kaniyang tabi at may pag-aalala sa mga mata nito nang tinitigan siya.
Naiilang siya sa kagwapuhan ng mga ito. Hindi naman araw-araw na may lumalapit sa kaniyang mga lalaki na ganito kaga-gwapo para lang kamustahin siya.
"O-okay lang ako. Medyo masakit lang ang ulo ko."
"Here." Isang kamay ang nag-abot sa kaniya ng isang roll on menthol liniment. Nang tingnan niya kung sino ito ay ganoon na lang ang gulat niya nang makitang si Tyler ang nag-aabot sa kaniya. Hesitant man ay inabot niya ang ibinibigay nito at mahinang nagpasalamat. Pinahiran niya ng kaunti ang kaniyang sentido at ang kaniyang batok para kahit papaano ay maibsan ang nararamdaman niyang sakit.
"Heto, oh," iniabot na niya pabalik kay Tyler ang liniment.
"Keep it," anito sabay irap sa kaniya at binirahan siya ng talikod.
"May saltik talaga ang isang 'yon. Pasensya ka na ha." hinging paumanhin ni Sam sa inakto ng kaibigan nito.
Nagtataka man ay nginitian niya na lamang ito.
"Sige, Dan, mauna na kami. May klase pa kami," paalam ni Jacobsa kaniya.
Simpleng kaway na lamang ng naisagot niya sa mga ito.
Ano kayang nakain ng mga 'yon at kinausap ako? Nagtataka niyang tanong sa sarili.
Hindi kaya may alam na ang mga ito sa sitwasyon namin ni Justin?
Napukaw ng pagtunog ng kaniyang cell phone ang kaniyang malalim na pag-iisip.
Can't make it Dan. I'm sori. Pnatawag ako ni Sir Ton.
Napabuga na lamang siya ng malalim na hininga. Nabalewala lang ang paghihintay niya rito.
Ok. Just tell me kung kelan ka pwede.
Ok. Tnx Dan.
Nagpasya siyang magtungo na lang sa study hub para tapusin ang nobelang ipapasa niya bukas sa MMP.
Pagpasok niya sa building ay bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo. Muntikan na siyang mabuwal kung hindi siya nasalo ng kung sino.
"A-anong--" hindi na niya naituloy ang kaniyang sasabihin dahil tuluyan na siyang nawalan ng malay.
![](https://img.wattpad.com/cover/146184319-288-k527144.jpg)
BINABASA MO ANG
Mischievous Bride Unwilling Groom
Roman d'amour15 years ago... "Hoy, Justin!" "Ano bang problema mo? Kanina ka pa sunod nang sunod sa'kin, ah. Isusumbong na kita kay mommy!" "Kuuuh... Napakasumbongero mo naman. May sasabihin lang naman ako sa'yo ah," aniya rito sabay dukot sa bulsa niya ng ba...